Chapter 31: The Fate

1.3K 41 2
                                    

Jamaica Villanueva



Nanigas lang ako sa kinatatayuan. Shit, nakakadalawa na 'tong si Zach ah! Kung alam ko lang sana na ganito ang mangyayari ay hindi ko na sinakyan si Zach sa mga FALSE ASSUMPTIONS niya sa akin.

Seconds later and he finally broke the contact he started. "Is this what you mean 'seduce'? My women are prettier and sexier than you. " He insulted me like it didn't affect my self confidence. Napayuko nalang ako at bumuntong hininga.

Then I felt those warm arms carrying me in a bridal style. He slowly placed me in the healing bed. Para na akong kinakapusan ng hininga dito.


"You should rest so I can kill you later, you spy." I rolled my eyes when he disappeared. The shadow prince is so annoying.


Imbes na magpahinga ay nagtungo ako sa banyo upang magtoothbrush. Sakto naman at may bagong toothbrush dito na batid Kong hindi pa nagagamit.


Pagkatapos magtoothbrush ay tinanggal ko na ang benda sa ulo ko. Design lang naman 'to eh. The healers can heal the wounds and remove the scars in just a snap.


Agad na akong naligo at nagtwalya. Mabuti naman at may mga damit dito na sinadyang iniwan para sa akin. That's nice.


I'm wearing the academy's uniform. May I.D rin na nakalagay dito kaya sinuot ko nalang din. Kailangan atang sundin ang dress code ng school eh. It won't cause harm if the student obediently follow right? I mean, not following the dress code won't make students any cooler.



Teka, ano bang pinaglalaban ko?

Sumipol ako at tinignan ang repleksyon ko sa salamin. Maputla ang balat at labi ko. Para akong mage na may cancer na stage 10.

Bumuntong hininga ako at nagteleport  na papunta sa headmaster's office. Kailangan Kong magtanong kung required ba akong magenroll.


"Goodafternoon, headmaster." Pormal na bati ko. Parang nakakahiya itong approach ko. Magtatanong kasi ako kung pwede pa ba akong ipasok ulit sa academy when in the first place, suot-suot ko na ang uniform nila.


Lumapit ako nang marinig ang mahinang tunog ng pagikot ng isang swivel chair. Ang creepy ng tunog, sabayan pa ng konting ilaw na nagmumula sa mga kandila. Nagiba na ata ang style ng headmaster.

"Oh, it's nice to finally come back home Princess." Nakangiting bungad sa akin ng headmaster at sumenyas na umupo ako. Ayos.


"Headmaster, ilang araw po akong nawala sa Light. Mga 3 days lang naman po, Nasa Earth kasi ako non. Required po ba na magenroll ako ulit? Or gagawa nalang ako ng excuse letter sa pagiging missing in action ko?" Seryoso Kong tanong pero palihim akong nainis nang ngisi ang itugon nito sa akin.

"Ah, 3 days," he paused then laughed--- that evil type, "you're excused already princess. Have a nice stay in your dorm."

Nagtataka man ay awkward akong ngumiti at nagpaalam dito. Buti naman at di ko na kailangan magisip ng excuse para sa pagiging absent ko. Atsaka 3 days absent lang naman ako ah! What's the big deal? Para lang naman akong nagcutting class in 3 days.

Ang weird pala ng tawag ng headmaster sa akin. Princess daw? Sabagay, pang-princess naman yung ganda ko.

I mentally flipped my hair with that thought. Naglakad na ako papunta sa canteen para kumain. Nagugutom na ako, hindi sapat ang bottled water na inalok kanina ni Keith.

Hindi ako natagalan sa pagorder. Kokonti lang din naman ang mga mages na standby  dito. Batid Kong class hours ngayon kaya chill lang ako.


"2 cups of rice, isang paa ng lechon manok, sauce na rin, French fries yung medium lang with cheese sana and limang order ng isaw. Pakisamhan nalang din po ng sauce at mas malamig pa sa pakikitungo niya sa'kin na tubig." Seryoso akong nakatingin sa menu at inorder ang mga pagkain na bet Kong kaninin ngayon.

"Yon lang ho ba?" Tango lang ang sinagot ko. Diretso na akong umupo sa isang bakanteng espasyo at hinintay dumating ang order ko. Ilang segundo pa ang lumipas at nakita ko ang lumulutang na tray na papalapit sa direksyon ko. Magic.



Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at inubos na ang mga pagkain. Nakakagutom pala pagkatapos mong magrecover sa injury mo. Ayaw ko na tuloy'ng maging injured.

Palabas  na ako ng canteen nang makasalubong ko si Keith. Wala na, sira na ang araw ko. I mentally glared at him as he passed by. Talagang aacting pa siya na hindi ako kilala? I dont care, that prince isn't even important.

Nakakunot man ang nuo ay dire-diretso ang lakad ko-- papunta sa dorm. Di pa ako papasok ngayon, siguro ay bukas na. Wala pa akong ganang maging estudyante. Student's block ata tawag dito.


Nang makarating sa kwarto ko sa dorm ay agad Kong inilock ang pinto at nahiga sa malambot na average sized kama.

Kakagising ko lang kanina pero parang bumibigat bigla ang mata ko. Jusko, ilang kilo ba 'tong mata ko?




"It wasn't you, it was always her." Sa hindi malamang kadahilanan ay kusang pumapatak ang luha mula sa aking mata. I'm aware with the fact that I'm inside my own nightmare and its terrifying.



"Fate-- took the thing you deserved, intentionally." The same man said again. They were simple words yet it throws big impact in my system. What's wrong with me?


"Sino ka ba?" Umiiyak man ay naiirita akong napatanong na hindi naman napansin. Nakakakulo 'to ng dugo ha.


"--including the character's position. Payag ka no'n?" Mas lalo akong naiirita dahil wala siyang mukha, I mean yes, let's say may mukha siya-- but it was a freaking nakakaasar na clock! With familiar faces.


I forced myself to wake up, ayaw Kong gawing big deal ang napanaginipan. Ayaw ko. Pahinga muna, ako pagod na.

Minulat ko ang mata at napahinga nalang nang maluwag nang malamang nasa reyalidad na ako. It's always good in reality well...



Destined FateWhere stories live. Discover now