Chapter 6: Hangin Ulit

4.4K 113 19
                                    

Jamaica Villanueva




'Ms. Jamaica Villanueva, you are officially enrolled.'' Mahina niyang sabi. Gayunpaman, ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking batok.

Nakakapanindig balahibo!

Nalaglag uli ang panga ko. Dahil sa gulat, oo. At dahil na rin sa.. Shit! Dahil na rin sa mainit niyang hininga.

Nais kong lumayo, pero parang nanigas ako sa aking kinatatayuan.

"Ms. Jamaica, are you okay?" Nanunuyo niyang tanong at humarap sa akin.

"A-ahh w-wala. Nagulat lang ako, hindi ba't wala akong kapangyarihan? Pero bakit ako na-enroll?" I'm still confused, I want to ask further questions.

"Mamaya na ang tanong, sa ngayon, nais kong maligo ka na lang muna at ayusin ang sarili dahil amoy Marian ka na oh!" Agad akong namula dahil sa hiya sa kaniyang tinuran. Napa-yuko tuloy ako nang wala sa oras. Besides, alam ko naman na kabaliktaran ang "Amoy Marian" chuchu na iyon.

"Pfftt. Okay, here's the dorm keys. Just come back here to fill up your forms. And please, make yourself neat and presentable." Sabi niya at mahinang tumawa sabay upo uli sa kaniyang swivel chair.

Ako naman ay nagpaalam at umalis na. Hinanap ko ang Dorm Newton Room 66.

"Excuse me, miss. Pwede magtanong?" Lumapit ako sa isang babaeng naka-upo sa malapit na bench habang inaayos ang nail polish.

Tumango ito at inip akong tinignan. "Nasaan ang Dorm Newton Room 66? Maari mo ba akong samahan?" I asked, and also requested.

"Hmm. Actually, doon din ang dorm ko. Its a miracle at magka-dorm tayo." Sabi ng babae at tumayo, kasabay ng pagbago ng kaniyang anyo.

OMG. Naging kawangis niya si Erha. Muntik na akong mahimatay sa gulat.

"A-ahh... E-erha?" Tanong ko. Tumango ito at ngumiti.

"Erha. Erhana Danaya Islander. Land manipulator. Ikaw ang nakitang survivor ni Zach kanina, hindi ba?" Tumango ako sa kaniyang tinuran at nagsimula na kaming maglakad.

"Ano palang ginagawa mo kanina at nandoon ka? Nasaksihan mo ba ang mga nangyari? Anong mga nakita mo?" Sunod-sunod niyang tanong.

''Wait--wait! Mahina ang kalaban. Isa-isa lang ang tanong." Pigil kong sagot at humugot ng isang malalim na hininga.

"So.... Ano nga?" Nakangisi niyang tanong. Ako naman ay nagkamot ng ulo.

Hindi ako nakaimik at yumuko. "Okay, I understand. Malapit na tayo sa room natin at nang makaligo ka na." Sabi niya uli like she really know my side and understands the feeling of watching a real-life killing scene.

Tumango lang ako. Muling namuo ang luha sa aking mga mata.

Nakakaiyak ibalik tanaw ang pangyayari kanina. Kaya't hanggang maari, nais ko na itong makalimutan. Kahit hanggang ngayon ay nakokonsensya pa rin ako dahil sa hindi pagtulong sa mga ito.

"We're here. I will bring you to your room. Anyways, may pasok bukas kaya pwede ka pang maglibot-libot sa buong Light upang makabisado at hindi ka mawala dito." Mahina siyang tumawa at ngumisi.

"I'll see you later then. Miss?"

"Jamaica, Jamaica Villanueva." Sagot ko at matamis na ngumiti.

"This is your room. Gotta go!" Paalam ni Erha at naglakad palayo. Ako naman ay pinihit na ang pinto at pumasok.

I expected a magical room, but I was wrong. Simple at moderno lang ang disensyo.

Good for one person bed, lampshades, small cabinets just beside the bed, closet, shoe rack, make-up kit, displayed instruments, CR, mini refrigerator, tv, and a terrace.

Yan ang mga bagay na makikita sa kwarto ko. Gayunpaman, bet na bet at gustong gusto ko ito. Well, sanay ako sa mga bagay na pangit. Kaya siguro ang ignorante ko pagdating sa ganitong mga bagay.

Dumiretso ako sa CR upang malinisan ang aking sarili. Nahagilap agad ng aking mga mata ang ibat-ibang palamuti sa mukha, shampoo, conditioners, mga sabon, perfumes at marami pang iba.

Agad akong napa-wow sa dami nito. Dumiretso ako sa bathtub, naghubad at ibinabad ang sarili sa bathtub na puno ng tubig at bula ng sabon.

Ngayon ko lang ito naranasan. Well, sanay kasi ako sa buhay na mahirap, tipid, palaging may kahati.

Naalala ko tuloy sila Lolo, Lola, mama. Kamusta na kaya sila? Okay lang kaya sila? Ano nang ganap?

I shooked my head. Okay lang sila Jamaica, walang mangyayaring masama.

Ang negative ko. Agad na akong nagbihis ng simpleng jeans at plain black shirt. Yan lang kasi ang nakita kong pwedeng suotin.

Lumabas na ako at dumiretso sa Dean's Office. Mabuti naman at natandaan ko ang daan patungo doon.

Lumipas ang Ilang minuto ng paglalakad, natatanaw ko na ilang metro ang layo mula sa akin ang isang doubled door na may sign na "Dean's Office".

Kumatok ako ng tatlong beses at pumasok.

"Good afternoon, dean. Ifi-fill up ko na ho ang forms." Pormal kong saad, not emphasizing the 'ho' tho.

Tumango ito at seryosong inabot sa akin ang dalawang piraso ng papel at isang pluma.

Tumango ito at seryosong inabot sa akin ang dalawang piraso ng papel at isang pluma

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pagkatapos kong sagutan ay ibinalik ko na ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Pagkatapos kong sagutan ay ibinalik ko na ito. Kakaiba ang papel niya, inabot pa ako ng ilang minuto bago ko pa man masagutan ang ibang mga tanong tulad ng "baton type", " abilities" at "powers".

Parang ang bigat. Maging ang sarili kong pangalan napakabigat sagutin. Parang nakakaiyak.

Hindi ko alam pero parang naging hangin ulit ako.

Destined FateWhere stories live. Discover now