Chapter 30: Good Prince

1.3K 41 0
                                    

Jamaica Villanueva



Nakakaaliw at sa isang iglap ay nandito na ulit ako sa Light. Aware naman ako na totoo ang Light, simula 'nung inatake ako ng green something ni Mrs. Tarranza. Alam ko rin na isang dark mage si Mrs. Tarranza, obviously. I learned how to identify those in Light.





Nasa Light ako ngayon dahil pumasok ako sa isang malaking libro--- ay hindi pala ako pumasok, hinigop pala ako nito. Nakakatawa lang, sarcastically.




Syempre, hard to get ako. Di ako agad nagpahigop sa libro. Ang pangit naman ng laro kung madali lang akong kunin hindi ba?



Napabuntong hininga ako habang tinatahak ang daan na nakalapag sa map na dala-dala ko. Napapagod na rin ako, parang ayaw ko nang maglakad.



Nang may makita akong sanga ng puno na maari kong gawing alternative kama ay agad akong umakyat. Easy lang naman ang mga ganitong gawain dahil sanay akong mag cutting sa klase noon.


Ang hirap kayang umakyat sa gate lalo na't may nagbabantay na guard a.k.a pitbull.


Kung tutuusin, wala sa plano ko ang umidlip pero parang ganon na nga.


Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa baba. There is a battle happening right now, and while I am looking, I could see dark and light mages fighting against each other. Obvious naman na mananalo ang Light mages, ang lakas ni Zach eh.



Agad akong bumaba at sarkastilong ngumiti sa kaniya. He seemed shock but he immediately changed his facial expression into cold and dark.



"Hi." Masigla Kong bati at nagwave pa. Ayos na ayos. I was acting friendly but he just glared at me.


"Anong problema mo?" Takang tanong ko dito. Kung makatingin siya ay para akong isang nilalang na kagalit-galit. Amporkchop.


"How was your stay?"

"Huh?" Naghintay ako ng ilang segundo pero hindi pa rin ito rumeresponde. Baka ang ibig niyang sabihin ay ang paninirahan ko sa Earth?


"Ayy! Oo nga pala. Ayos na ayos! Masayang masaya!" Sarkastiko kong sagot. Hindi naman talaga masaya ang paninirahan ko doon. I sighed when I remember the lifeless body of my family. Agad akong nakaramdam ng pagkatamlay. Nawalan agad ako ng gana, pero pipilitin kong sumaya.



"Ah Zach? Pwede ba akong magpahatid sa Light Academy? Di ko na kasi alam ang daan e, hehe. Kung okay lang naman---" Napatigil ako at biglang nanigas.



"NASAN ANG LOLA KO?!" Para akong tinatapakan ng isang higante dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon.



It was Zach, stepping into my shadow. Balak ata ako nitong patayin. Nahihirapan man ay nagawa ko pa ring magsalita. "T-tama na..." Puno ng takot akong tumingin sakaniya.

Destined Fateजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें