Chapter 16 "Club"

Magsimula sa umpisa
                                    

Biglang pumasok sa kwarto ko si Butler George na nakapangtulog pa.

"B-bakit po,Master Shunrei?"

"Dalhin mo sakin yung first aid kit!Bilis!"

"O-opo!"

Nagmamadaling lumabas si Butler George.

"Bakit naman ganun ka?Kawawa naman si Butler George.Ikaw na lang sana ang kumuha."

"Trabaho ni George yun.At isa pa,bakit ako ang kukuha eh hindi ko nga alam kung saan yun nakalagay?!Tss!"

"Tsk.Spoiled brat."

"Then you're a stubborn spoiled brat.Bakit pumunta ka sa Underground ng hindi ko alam?!"

"Wala ka.Pano ko sasabihin?"

"Para saan ang cellphone mo?!"

"Ay oo nga.Di ko naisip yun eh."

"Dumbass!Ang sabihin mo,ayaw mo talagang ipaalam!"

"Galing...pano mo nalaman yun?"

"Aaarrrggghhhh!!!!*gulo-gulo ng buhok*"

Ilang saglit pa,bumalik na si Butler George dala-dala yung first aid kit.

"Salamat.Pwede ka na ulit bumalik sa pagtulog mo.Pasensya na sa istorbo."

"Good night,Master,Lady.*bow*"

Lumabas na ulit sya ng kwarto ko.Humarap sakin si Shun hawak yung bulak at mga panlinis ng sugat.Sinimulan na nyang linisin yung sugat ko.

"Ang hilig mo talaga sa gulo!Hindi ka ba takot mamatay?!Etong sugat na to,konting baba na lang,bulag ka na!Pano na lang yang magandang mata mo?!"

Nadiinan nya yung sugat ko kay napapitlag ako.

"Lahat na lang ba talaga,minana mo kay Mom?Pati pagiging bungangera,namana mo pa."

"Pwede ba?!Wag mo ngang ibahin ang usapan!"

"*sigh*Nag-ingat naman ako.Sadyang masyado lang silang madami..."

Tumahimik sya.

Mukhang sineseryoso nya masyado ang paglilinis sa sugat ko.

Maya-maya,tapos na nyang linisin yung sugat ko at nalagyan nya na rin ng gasa.

At dahil nasa ibabaw nga lang ng mata ko yung sugat,kasama sa natakpan ng gasa ang buong kanang mata ko.

"*sigh*Yan.Pansamantala lang nyan mapipigilan ang pagdugo ng sugat mo.Bukas pupunta tayo ng ospital para ipagamot yan."

Tumango ako sa kanya.

"Matulog ka na."-Shun

"Ikaw?"

"*sigh*Ewan ko...Nitong mga nakaraang araw,kahit gusto kong matulog,hindi ako makatulog.Mukhang sinusumpong na naman ako ng insomia ko."

"Shun...masyado ka ng nai-stress...Kailangan mong magpahinga.Dito ka na matulog.Tabi tayo."

Hinila ko sya pahiga sa kama ko kaya sabay kaming napahiga sa kama.

"Ang tagal na nung huling tinabihan mo ako sa pagtulog."-Shun

"Hmm...namiss ko to,Shun..."

Niyakap ko sya at saka ako pumikit.

-----------------------------------------------------------

*Tok.Tok.Tok.*

Sabay kaming napaupo sa kama ni Shun at sabay din kaming nagkuskos ng mata.

"Pasok."

Purple-Eyed Princess (Published Under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon