"Maaari pero malalaman natin yan maya maya lamang."

"Anong maya maya lamang?" Nangangambang tanong ko sa kanya,

"Tandaan mo Jodie, yung sarili mo na nakita ko kanina ay siguradong bumalik ulit sa mundo natin, maaaring ibigay nyang muli ang picture sa babaeng una nyang pinag bigyan at lagi syang nagkakamali."

Nakaramdam ako ng labis na takot at kawalan ng pag-asa.

"At gusto ko ring malaman mo Jodie the 'clock is ticking', kapag lumagpas ang 24 oras ay doon na mag uumpisa na mawala ang iyong mukha at magiging isa ka na sa kanila."

Nakaramdam ako ng pagdududa sa sinasabi ni Kayako.

"Teka bakit ako lang? Sa sinasabi mo Kayako parang ako lang ang di makakaligtas, bakit sigurado bang makakaligtas ka! Kung makakaligtas ka hindi mo ba ako tutulungan!?" Galit na sabi ko sa kanya.

"Tama na Jodie, hindi papayagan ni Kayako na may maiiwan sa atin dito okay, mali yang iniisip mo, si Kayako nagmumulat sa atin sa mga nangyayari kaya huwag ka ng magalit sa kanya."

Pagtatanggol na sabi naman ni Shintaro.

Hindi ako nakakibo sa kanyang sinabi.

Tumayo si Kayako at niyaya nya si Shintaro.

"Shintaro maaari bang samahan mo ako, gusto ko pumunta ng cr."

Tumayo na rin si Shintaro.

"Dito ka na muna at sasamahan ko lang mag cr si Kayako."

Tumango lamang ako sa kanya at tumayo na rin ako, naupo ako sa bench at doon ako naghintay.

SHINTARO

Sinamahan ko si Kayako magpunta ng cr, malaki ang Theme park kaya naghanap pa kami kung nasaan ang cr. Nakita ko ang sign ng Toilet.

TOILET THIS WAY->

"Doon pala ang CR, pumunta ka na hintayin na lang kita dito." Nakangiting sabi ko kay Kayako.

"Okay!" Sabi naman nya sa akin at pumunta sya doon.

Naupo ako sa bench na tabi ng naka display na mascot character at doon ko hinintay si Kayako.Makalipas ang ilang sandali ay bumalik na sya at hinila nya ako kaya napatayo ako kaagad, hinawakan nya ako sa aking kamay.

"Otanoshi desho!Masaya dito diba?" Nakangiting sabi ni Kayako habang hawak nya ang aking kamay at nakatingin sya sa paligid.Nagtaka naman ako sa kanyang sinabi, papano ako magiging masaya sa isang strange na lugar at walang katiyakan kung ano ang mangyayari sa amin doon, gusto ko ng umuwi.

Habang naglalakad kami ay napansin ko si Kayako na parang balewala sa kanya ang mga nangyayari, parang cool na cool sya, wala syang pakielam sa oras.

"Kayako, kailangan na nating makita ang babaeng nagbigay ng picture."

"Si Shizuko? Alam mo ba kung nasaan sya? At Papano kung magkamali tayo ng mapagbigyan?"

"Pero papano tayo makaka alis dito kung di natin susubukan?"

"Bahala ka pero gaya ng sabi ko sayo, kapag nagkamali ka ay magagaya ka sa mga kaibigan mo na si Kenji at Eriko, at baka ang kaibigan mong si Jodie ay isa na rin sa kanila."

"Pero diba sabi mo kapag lumagpas ang 24 oras ay di na tayo makakaligtas, so pareho din yon."

"Oo tama ka, pero mas maganda na ang ganito na hindi tayo mawawala sa ating mga sarili, kapag lumagpas ang 24 oras ay ganito na tayo, mawawala lang ang ating mga mukha hahaha! Alam mo ba mga wala na rin tayong mukha ngayon sa paningin ng mga taong nakikita mo dito, pero sa ngayon ay tayo lamang ang nakakakita sa ating mga mukha."

Nagimbal ako sa kanyang sinabi.

"Ayoko ayokong mangyari ito, kailangan natingmakaligtas, hahanapin ko yung babae, kailangan nating makita sya."

"Natatandaan mo ba ang kanyang mukha?"

Hindi ako makasagot kay Kayako dahil di ko na matandaan ang mukha ng babae, ang pagkaka alam ko lang ay nakasuot sya ng kimono, ngunit maraming nakasuot dito ng kimono na kagaya ng suot nya, at wala din syang mukha , papano ko malalaman kung sino ang babaeng iyon.

"Mahirap malaman Shintaro, lahat ng nakikita natin ay mga walang mukha, at yung babaeng nagbigay sayo ng picture ay wala ding mukha, kaya mahirap ma recognize kung sino sya.!"

Nakaramdam ako ng kawalan ng pag asa sa sinabi ni Kayako ngunit di ako dapat sumuko.

Natahimik ako at di ako makapagsalita samantalang si Kayako ay masiglang masigla.

"Halika na marami pa tayong sasakyan na rides, maglibang na lamang tayo wala na tayong magagawa Shintaro kundi tanggapin ang ating kapalaran."

Ngunit hindi ko kinaya tanggapin ang kanyang sinabi, napabitaw ako sa kanya.

"Hindi ko magagawa maglibang Kayako, hahanapin ko sya, babalikan ko si Jodie, pagtutulungan namin hanapin ang babae, dyan ka na!" Sabi ko kay Kayako at tinalikuran ko sya.At biglang humabol sya sa akin.

"Sandali lang Shintaro!" Sabi nya sa akin. Napalingon ako sa kanya.

"Sasabihin ko sayo ang totoo, alam ko kung saan matatagpuan si Shizuko!" Namangha ako sa kanyang sinabi.

"Alam mo?"

Author's Note: My wish! Please don't forget to vote! Thank you 😃 Just hit the yellow star on the right!

Killer Station (Completed) (New)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon