Chapter Eight- Prince of hell

Start from the beginning
                                    

"Alam mo Prince sa tingin ko hindi mo na siya mahahanap." seryosong sabi ng kadadating lang na si Raymond.

"Pano mo naman nasasabi yan? Eh hindi pa nga natin sinusubukan?" seryoso ding sabi ko pero may inis na tingin kay Raymond. Ayoko sa lahat ay pakialamero.

"Dahil iba na ang estado ng buhay mo, kaya posible mo na siyang makita." sabi niya at bigla na lang umalis.

"Ah. P-prince wag mo na lang pansinin yung si Raymond baka badtrip na naman yan." halatang nagaalalang si Drew.

"Tss. Kung yun ang iniisip niya, pakikitaan ko siya. So, from now on, the game will begin." seryoso kong sabi na ikinangisi naman ng iba.

"Well said Prince of hell."

~

Lan's Point of View

"KYAAAAAAH ! Kailangan makita ko na siya. Huhubels!" mangiyak ngiyak na sabi ko habang nakatingin sa picture ni Darion D. my loves. Ang pinakagwapo sa balat ng lupa at tubig! In love na in love na talaga ako sa kaniya. Kilalang kilala siya sa industriya dahil ang galing niyang kumanta at sumayaw. As in omg!

Anyway, I'm Lan, may pagkamakulet lang ako minsan pero minsan lang ah. Di tulad ni Jell na maharot. Shhh. Hehe wag kayo maingay ah.

"Para kang tanga jan!" biglang sulpot nitong si Troy na pinsan kong napakapanget!

"Heh! Huhu. Hindi ako makakapayag na magiging sila nung Sharmane na yun. Ang panget panget niya hindi sila bagay! Kami lang ang bagay ni Darion D. my loves!" sigaw ko pa.

"Tss. Ang panget naman niyan eh!" bulong niya na rinig ko naman

"Kung hindi lang siguro kita pinsan napatay na kita!" sabi ko sabay bato ng unan na malapit sakin.

"Ano ba?!" sigaw niya. Napangisi naman dahil napakapanget talaga niya.

"Leche ka kasi!" sigaw ko sabay damba sa kanya.

"Aaaahhhh! Wag ka nga sa likod ko ang bigat mo!"

"Sexy ako hindi mabigat!"

"Heh! Panget ka naman!"

"Maganda ako hindi panget!"

"Bobo ka naman!"

"Matalino ako hindi bobo!"

"Hinding hindi magkakagusto sayo ang kapatid ni Darren kung ganyan ang inaasta mo!" sigaw niya na nagpatigil sakin. S-sinabi niya bang kapatid ni kuya Darren si Darion my loves?

"T-totoo?!" tanong ko pero tumayo lang siya sa pagkakarapa at lumakad na paalis.

"Troy sagutin mo muna yung tanong ko!" sigaw ko pero tuluyan na siyang umalis.

Si kuya Darren lang pala ang magpapalapit sa amin ng my loves ko.

~~

Chris' Point of View

"Bakit ka pa bumalik?!" sigaw sakin ni Dad ng pumasok ako sa loob ng mansyon. Isang linggo din akong hindi umuwi dito dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa din siya kayang harapin.

"Sorry po Dad—-"

"Don't call me Dad because I'm not your real Dad!" sigaw na naman niya.

Lagi na lang siyang ganito. Araw araw niya akong sinasabihan na hindi niya ako anak. Sanay naman na ako kaya okay lang sakin. Alam ko namang galit lang siya kaya niya nagagawa ito. Alam kong lilipas din ang galit niya sa akin. Sana.

"Dad alam ko pong galit kayo sakin dahil sa nangyari kay Mom but Dad, it's already eleven years ago. Kalimutan niyo na po yun!"

Kahit na pinipilit kong magpakatatag dahil sa trato niya sa akin ay hindi ko pa din magawa. Mahal ko si dad at hindi ko magawang saktan ang damdamin niya kaso ako na ang nasasaktan sa amin. Gusto kong sabihin sa kaniya na nandito pa ako pero parati niyang pinamumukha sa akin na hindi na niya ako kailangan sa buhay niya.

"Kalimutan? Are you insane? Sa tingin mo madali lang kalimutan ang nangyaring yun?! Sa lahat kasi ng tanga ikaw ang pinakatanga! Kaya kahit ilang beses mong sabihin na kalimutan ko yun, hinding hindi! Lalong lalo na ikaw ang dahilan ng pagkamatay ng asawa ko!" sigaw niya sakin na halatang galit na galit.

Hindi ko na napigilang mapaiyak dahil sa mga salitang binitawan niya sakin. Masyado ng masakit. Masakit na masakit.

"Dad? Ano po bang kailangan*sob* kong gawin para mapatawad*sob* niyo na po ako?" tanong ko na umiiyak.

"Umalis ka na sa bahay na to at wag ka na magpapakita sakin. Wag kang bumalik sa pamumuhay ko." yan ang huling sinabi niya sakin at umalis na siya sa harap ko. Ako naman ay naiwang umiiyak.

"Sige po gagawin ko po yang gusto niyo." bulong ko bago umakyat at naghanda.

Hindi ko na kaya.





*Krrriinnnggg*

*Kriiiiinnngg*

*Krrriiinngg*

"Hello?" sagot ko sa tumatawag. Actually kanina pa siya tumatawag pero wala na muna akong gustong kausapin ngayon. I want to be alone. Tutal parati naman akong nagiisa.

[Nasaan ka?] tanong nito. Narinig ko pa ang mabilis na yabag ng paa nito na halata mong tumatakbo.

"Bakit? Nandito ako sa bahay." pagsisinungaling ko, alam ko namang pupuntahan niya ako kung sasabihin kong nandito ako sa bar.

[Sa tingin mo maniniwala ako? Baliw ka ba?! Ang ingay ingay jan kaya alam kong na sa bar ka na naman! Saan bang bar yan? Pupuntahan kita!] sigaw niya naman sa kabilang linya. Parati siyang ganito. Masyadong pakialmero.

"Wag mo na nga muna ako pakialaman! Ayoko ng kausap! Ayoko ng may malapit sa akin! Ayoko sa inyo!"

[Kahit na ilang beses mo pang sabihin yan hindi pa rin ako makakampante na kung saan saan ka na naman pupunta!] pagmamatigas naman niya kaya napilitan na lang akong inigay ang address ng bar na to. Ayoko ng makipagtalo pa.

Habang naghihintay ako sa kanya parami na rin ng parami ang naiinom ko kaya wala na ako masyado nakikita at nahihilo na rin ako.

"Hi miss... Alone?" biglang may lumapit na lalaki sakin pero hindi ko lang siya pinansin. Ayoko kong gumawa ng gulo.

"Don't be shy miss alam kong type mo ako. Gusto mo mag make love tayo oh! Hahaha!" Dahil sa kanastusan ng bibig niya ay ibinaba ko ang hawak kong baso at hinarap siya. Handa na akong bigyan ng malakas na suntok ang mukha niya kaso ay may nauna na sa akin.

Jay Allan.

"BASTOS KA AH!" sigaw niya dun sa lalaki kanina habang pinagsusuntok suntok.

Nang mapansin kong marami na ang nanonood at walang balak na tumigil si Jan ay lumapit na ako.

"JAN! TAMA NA! ANO BA!"

Tumigil naman siya at bigla na lang akong hinatak palabas.

"A-aray! Jan masakit! " sigaw ko at hinatak na rin pabalik ang braso kong hawak niya.

"HINDI KA BA NAGIISIP AH?! TANGA KA BA?!" nagulat ako sa biglang pagsigaw niya. Simula ng magkakilala kami ay hindi niya pa nasusubukang sigawan ako ng ganito. Kahit na napakasama ko na rito ay hindi niya ako sinisigawan.

Nang makabawi na ako sa pagkagulat ay tinaasan ko siya ng kilay.

"Wag mo na lang kasi ako pakialaman. Sige. Bye!" sabi ko lang tapos lalakad na sana paalis ng bigla niya akong hilahin paharap sa kanya

*tsup*

What the.

"Fvck you!" At binigyan siya ng malakas na sampal.

~~~
❌UNEDITED CHAPTER❌

Mysterious TwinWhere stories live. Discover now