"I don't know." Bumuntong hininga siya. "Baka nga kahit magising siya ay hindi ko pa rin malalaman yung dahilan. Except sa'yo, nagagawa niyang mag-open sa'yo, Jade."

"Pero wala naman akong magawa para sa kanya." Unti-unti na akong pinanghihinaan ng loob. "Tingnan mo nga't nangyari 'to sa kanya. Ano ba kasing iniisip niya?"

Hindi ko maiwasang makaramdam ng frustration.

Gusto kong magalit kay South.

Gusto ko siyang sigawan para malaman niya kung gaano kasakit yung ginagawa niya hindi lang sa akin kung hindi pati na rin sa mga taong nakapaligid sa kanya na walang ginawa kung hindi mahalin siya. Hindi ko alam kung nasabi ko na 'to sa kanya noon but...

Ang selfish mo, South─sobra.

Pinagmasdan ko yung kambal na nasa harapan namin. Ang lulungkot ng mga mukha nila. Hindi ko naman alam kung paano sila ic-cheer up. Sa sarili ko nga hindi ko alam kung paano, eh.

Ito ba, South? Ito ba yung gusto mong mangyari?

Ang bata pa no'ng dalawa para maranasan yung ganito. Hindi niya man lang ba naisip 'yon? Ano na lang yung tatatak sa isip nina East and West? Paano na lang sila kapag tumanda na sila?

Ang hirap mong mahalin, South.

Hinila ako ni North patayo. Nagpaalam siya do'n sa kambal na lalabas lang kami. Feeling ko ayaw niyang marinig nung dalawa yung pinag-uusapan namin.

"Alam kong may malalim na reason kaya ginawa niya 'yan sa sarili niya. Intindihin na lang natin."

"Pero mali pa rin." Giit ko. Tiningnan niya lang ako, encouraging me to continue. "Nando'n na tayo, North, eh. Iniintindi natin siya. Lahat na yata ng klase ng pag-intindi naibigay ko na. Pero tingnan mo. Sa kalagayan niya ngayon mukhang siya mismo hindi kayang intindihin yung sarili niya. I love her too much kaya sinasabi ko 'to, alam ko gano'n ka rin sa kanya."

Pinunasan ko yung pisngi kong nababasa na naman ng luha. Automatic naman na niyakap niya ako. "P-pero kasi, 'di ba, nakakasama lang talaga ng loob. Hindi ba talaga sapat na nandito tayo? Hindi pa ba sapat na dahilan na nandito tayo para huwag siyang m-magpadalus-dalos? Sige nga, paano kung hindi natin siya naabutan? Paano kung nawala siya sa atin?"

"I told you before that she's impulsive." Sabi niya habang walang tigil sa paghagod sa likuran ko. "Nangyari na, eh. Let's just be thankful that she's alive and any moment from now ay magigising na siya."

"Pero walang nagbigay ng karapatan sa kanya na gawin 'yon sa sarili."

"Alam ko." Unti-unting naging shaky yung boses niya. "Alam ko."

"N-North. Jade."

Napahiwalay ako kay North. Napatingin ako kay Gail na kadarating lang at hinihingal pa. Tumango ako sa kanya biglang pagbati and gano'n rin naman siya.

"S-sorry, ngayon lang ako." Sabi nito bago huminga ng malalim. "K-kamusta na yung kapatid mo?"

Imbes na sumagot ay mabilis na yumakap si North sa kaibigan namin. Napatingin naman si Gail sa akin na parang hindi alam ang gagawin. I just mouthed to hug her. Nakakagaan sa pakiramdam 'yon.

Walang umiimik. Tanging iyak lang ni North ang naririnig ko. Tinuyo ko naman ang pisngi ko at umalis na. Kailangan nila ng privacy. Si Gail na ang bahalang magbigay ng comfort na hindi ko kayang ibigay sa oras na 'to.

Nakalabas na ako ng hospital pero wala naman akong balak umuwi. Dito lang ako tatambay para magpahangin. Mag-iisip.

Kapag nagising si South, magagawa ko pa rin ba siyang tingnan sa mata? Kaya ko pa rin ba siyang kausapin pagkatapos ng lahat?

Kasi sa totoo lang nakakapanghina talaga. Parang hindi ko siya kayang harapin pagkatapos ng nangyari.

Ngayon ko lang na-realize na nakakaawa na rin yung sarili ko. Nakakapagod. Nakakapagod din pala siyang intindihin. Nakakapagod din pala na paulit-ulit siyang intindihin tapos ganito pala yung mangyayari.

I love her. I love her so much.

Pero sobra na.

Mahal ko rin yung sarili ko kaya alam kong sobra na 'to. Masyado nang masakit.

Walang mangyayari kung ganito lang palagi. Hindi ko naman sinabing iiwan ko siya sa ere. Siyempre nandito pa rin ako para sa kanya. But maybe...

Siya na rin ang may sabi dati. It's not enough. At para sa akin hindi na healthy yung ganitong sitwasyon.

Mahirap mahalin yung taong hindi buo yung pagmamahal sa sarili. Kapag nagising siya, sana ma-realize niya kung ano yung mali niya at kung ano yung mas nararapat niyang gawin.

At ako...siguro dapat hindi na ako umasa.

Pagod na ako. Magpapahinga muna ako. Masyado nang drained yung utak ko pati puso ko sa lahat ng 'to.

Ayokong umabot sa point na maisumbat ko sa kanya lahat ng nararamdaman ko. Ako ang may gawa nito, ako rin ang tatapos.

Maybe the love I have for her is always parallel. Even at the end, it will never meet.

Mahal ko siya. Gusto niya ako. Two different feelings.

_____

She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]Where stories live. Discover now