31: simple glimpse....

Start from the beginning
                                    

"Dumadasal, halata ba?" banat ko naman sa kanya.

"Bisitahin mo naman si Mama. Namimiss ka nun." wika nito saka ininom yung order niyang alak.

"Bibisita lang ako sa lamay ng ama mo." ganti ko naman at tinungga ang alak ko at ayun sa nakikita ko sa mukha niya napipikon na siya.

Sasabat na sana siya ng napatingin ako sa papalapit sa amin na babae. Magkasama pala sila, it's show time.

"Siya ba si Paine?" usisa ko kay Lj ng tumalikod si Paine sa amin dahil nakita niya ako. Tatakas ka pa huh. "Painelezzly!" hiyaw ko sa kanya.

 

Lumingon nga siya dahil wala naman siyang kawala eh. Lumapit na nga siya sa amin, hindi man lang ba napansin ni Lj o wala man lang ba siyang napansin? Tanga din ito minsan eh.

"Lez meet Love Jacob, my brother." pakilala naman ng gonggong sa akin.

"Hindi ka ba si Paine? Yung kababata namin na si Paine Lezz Ly?" diniinan ko pa ang pagbigkas ng pangalan niya.

"Hindi, ako yung girlfriend ni Lj." pinandilatan niya ako.

"Hindi nga siya si Paine, Jacob. Bisitahin mo si Mama, nagkasakit siya sa puso dahil sayo." tigang na wika nito at tumayo. "Mauna na kami." 

Nagpaalam na nga sila habang si Paine naman ay kumaway sa akin. Magsaya lang kayo dahil dadating din ang araw na kayo naman ang maghihirap. Tinungga ko na nga ang last shot ko at binayaran iyon. Nagpasya na din akong umalis, nakakabadtrip kasi.

"Shit!!" hiyaw ko ng may nakabangga akong lalaki palabas ko ng bar.

"Sorry pare." pagsosorry nito ng nakayoko parin.

Nagmamadali na nga siyang pumasok ng bar. Nakablue-cap siya tapos malaking sweater yung tipong gangster ang dating niya. Hindi ko na nga siya pinansin at tuluyan na akong pumasok sa aking kotse.

PAINE pov...

Pisteng Sleep yun, humanda ka sa akin mamaya!! Mapapatay talaga kita!! Buti na lang hindi naniwala sa kanya si Lj. Aisht! Bakit ba concern na concern ako kung malaman ni Lj na ako si Paine?! Paine abnormal kana talaga!!!

 

"Pasensiyahan mo na ang kapatid ko huh." wika naman ni Lj habang nagdadrive. Ihahatid na niya ako pauwi kasi panira ng moment ang gonggong na Sleep na iyon.

"Okay lang bakit feeling ko ang layo niyo sa isa't-isa?" usisa ko sa kanya.

"Yung totoo he is my half-brother sa ina lang kami magkadugo. Simula ng bata pa kami hindi na kami magkasundo eh kahit nga sila ni Paine ganun din at nadagdagan ang pagkamuhi niya sa akin ng namatay ang kuya namin." napaseryoso na ang mukha ni Lj.

Tama nga siya simula ng pagkabata pa namin si Sleep na ang mortal enemy naming dalawa pero hindi ko alam yung tungkol sa pagkamatay ng crush kong si Love Jake.

I FEEL NO PAIN...Where stories live. Discover now