Chapter 6- Cruel Intentions

Start from the beginning
                                    

In fairness, she smells good. Some hint of strawberry, and vanilla, or whatever aromatic perfume she wore basta masarap sa ilong.

Tumingala ako sa langit. Ang peaceful at relaxing pala ng pwesto niya dito.

Sinulyapan ko siya ulit and realized na she kinda looked good in side view. Mahahaba ang kanyang mga pilik-mata at matangos pala ang ilong niya.

Napaismid ako. Matatangos nga pala ang ilong ng mga witches, if witch nga talaga siya... pero imposible.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maramdaman ang presensiya ko.

Seriously?

Tumikhim ako bago magsalita,

"I wonder what you're thinking right now."

"Ay putang manok!"

Pinigilan kong tumawa sa expression niya. Animo'y parang biglang nahiwalay ang kaluluwa niya sa katawan niya sa gulat.

"What the hell are you doing here?!" sambit niya.

Whoa... easy girl. Kung makareact ay parang nakita ko siyang nakahubad.

Though I will... soon.

"May gusto lang sana akong itanong sa'yo, Peps."

Peps...It was already out of my mouth before I was able to stop it, and I suppressed my laughter.

"WHAT?" gigil niyang tanong.

Ano kaya ang reaksiyon niya kapag mag-pick up line ako?

"If ever isa kang juice, ano'ng klaseng juice ka?" tanong ko habang mataman na nakatitig sa kanya. Most girls ay matutunaw na sa tingin kong ito...

Pero ang walang hiyang mangkukulam ay inirapan ako. Aba?

"Ano ba'ng klaseng tanong 'yan? Walang kwenta."

"Sagutin mo na lang kasi." Umisod ako papalapit sa kanya.

"I don't know! Ano?!" asik niya, emphasizing each word. Ang suplada ha.

Saglit na katahimikan...

"Edi...GOR-juice!" Proud at taas kilay kong sagot while expecting her to blush but...

Poker face lang siya habang nakatingin sakin.

Fuck.

Feeling ko ay parang napahiya ako.

As if naman totoong gorgeous siya! Feel na feel niya naman yata, ampota.

"Whatever, Jace. Umalis ka na nga!"

Bago pa ako makasagot ay bigla siyang tumayo at walang pasabing lumakad papalayo.

"Hey! Saan ka pupunta?"

She ignored me. Patuloy lang ito sa paglalakad.

Damn this girl. Hindi ako sanay maghabol sa mga babae but look what she's doing to me! Parang gusto ko nang sumuko dahil sinasayang ko lang ang oras ko sa kanya pero ayaw kong mapahiya sa sarili ko at sa mga kaibigan ko.

"Peps, sandali. Ihahatid na kita." I grabbed her hand, and to my surprise, she didn't tap it away. Lumingon lang siya sa'kin at sa mababang tono ay binantaan ako,

"Hindi mo ba ako titigilan, Jace? Gusto mo bang isumbong kita kay Angel?"

Parang pinako ako sa kinatatayuan ko when she gave me a deathly glare.

Did her eyes just glow?

No, baka reflection lang iyon ng papalubog na araw.

I then shook the uncanny thoughts away.

"Jace!" tawag ni Zeus sa'kin. Kasama niya si Marcus na as usual ay busy sa phone nito. Either Everwing or babae lang 'yan.

Nang tiningnan ko ulit si Pepsi ay wala na ito.

Para talaga siyang virginity ng mga babae sa mga panahon ngayon... ang bilis mawala.

"Kanina ka pa namin hinahanap, dude. Nasaan na ba ang car keys ko?"

"Ah..." Wala sa sariling dinukot ko ito sa bulsa ko at binigay ko sa kanya.

"What's the deal with Pepsi?" curious na napatanong ito. Nakita niya siguro kami ni Pepsi na nag-uusap.

"Wala naman. I'm just trying to get her into my pants pero mukhang mailap siya."

"We have already warned you, delikado iyan. Marami namang iba diyan, ba't siya pa?" paghihimutok nito.

"She's different...and she's kind of challenging me. But you know me, dude. I always get what I want."

"Even if your life is at risk?" Nakataas ang isang kilay nito habang seryoso akong tinititigan.

"The rumors are bullshit, bro. I'll find out myself at makikita niyo na mali kayo." Hinarap ko siya. He's slightly taller than me kaya medyo napatingala ako.

"Whoa, whoa... This sounds fun!"

Finally, napaangat na ng tingin si Marcus mula sa kaka Everwing niya. Halos araw-araw itong naglalaro pero di pa rin niya ma beat ang highscore ko na 7,469.

"Ba't hindi nalang kaya tayo magpustahan?" suggest nito.

"A bet about Pepsi the witch? That's interesting." sabi ni Zeus.

I crossed my arms over my chest, utterly thrilled. Nice idea, Marcus...

"Sure ba kayo diyan?" I am sure I'm gonna win this bet. Yes, gano'n ako ka kampante sa charms ko.

"Oo naman. Ba't ikaw? Sure ka ba? Ready ka na bang maging aso?" Marcus replied, at nagtawanan ang dalawa sabay high-five.

Napailing-iling nalang ako sa amusement. I don't know why my friends believed those rumors. Parang hindi akma sa kanila.

"Okay, so here's the deal. Kapag maka-score ako kay Pepsi, ikaw Zeus, you give me your Porsche 718 Boxster," pagsisimula ko.

I have always liked that car, latest model ng Porsche, pero ang sabi ng Dad ko ay sa graduation ko na lang. But I can't wait.

"...at ikaw naman Marcus, you let me fuck your current girlfriend." I confidently stated.

"Which girlfriend?" Nakangising sabat ni Marcus, and I couldn't be prouder of him. Nag high-five din kami.

"If magiging aso ka na, akin na ang Ferrari mo, at ang Volvo mo naman kay Marcus." sabat ni Zeus.

"Deal na." sabi ni Marcus.

"Wait," pigil ni Zeus sa'kin before pa ako maka agree. "Hindi ka lang dapat maka score kay Pepsi. You have to make her fall in love with you too."dagdag nito.

'Iyon lang ba? Easy. Alam ko na ang kiliti ng mga babae. Madali na lang sa'kin to because I have the looks and appeal in the first place. Then all I have to do is to give them constant attention and praise. Gustung gusto talaga nila na sinasabihan sila na maganda, then they will deny it, pa humble kunyari, pero kilig na kilig na ang mga iyan deep inside. Lalo na kapag gwapo ang nag-flatter sa kanila.

Pero kapag pangit? Creepy. Stalker. Irritating. Buti na lang at gwapo ako.

And if you keep on telling them those flowery words they always love to hear, sooner, they will fall into the trap...

Medyo iba lang 'tong si Pepsi kasi she's a weirdo but I know I can do this.

"Deal." I returned their bro fists to close the deal.

Pepsi Marie Herera... don't you dare fail me.

*****To be continued*****

A/N:
Thanks for reading!
Vomments ( Votes + Comments ) are greatly appreciated!
♥️

The Witch and the Playboy (Filipino) (Published under Lifebooks)Where stories live. Discover now