Chapter 68 : The Royal Wedding

7.2K 148 11
                                    

The wait is over sabi nga nila. Maging ako ay hindi pa rin makapaniwala na ngayong araw ang kasal namin ni Brett. Para nga akong nananaginip at paulit-ulit na tinatanong ang aking sarili kong totoo ba ang lahat ng ito.

Para kasing ------- Ewan.

Marahil napapraning lang ako sa mga iniisip ko.

Ito na kasi. Wala ng atrasan.

Maaga pa lang around eight o'clock in the morning ng ayusan ako ng makeup artist ko. Panay remind naman sa akin ng wedding organizer kong anong gagawin ko. Jusko! Maluluka ako.

Inalalayan nila akong makasakay sa white limousine. Para ngang ayaw nilang madumihan ang suot kong mamahaling gown dahil buhat buhat nila ang laylayan ng suot ko. Isang napakaeleganteng kasuotan ang suot ko ngayon. Sa buong buhay ko hindi ko inakala na makakasuot ako ng ganitong kasuotan.

Kinakabahan ako pero mas nangingibabaw ang saya sa aking dibdib.

Napangiti na lang ako bigla. Parang tanga lang.

Rinig na rinig ko kasi ang tibok ng aking puso. Kulang na lang nga takbuhin ko ang simbahan para lang makasal na kami agad. Ganon ako kaexcited ngayon.

Ganito nga siguro ang pakiramdam pag ikakasal na. Yung tipong naiimagine mo na yung mga mangyayare. Yung tipong hahalikan ka niya sa may altar. Nakakakilig diba ??

"Wag masyadong excited Grace. " sabi ng utak ko. Hehe.

Bakit ba !? Excited lang talaga ako.

Hays.

Ano kayang itsura ng alien ko ??

Muli akong natahimik sa aking pwesto saka pumasok sa isip ko yung mga bagay na nagpatatag sa aming dalawa ni Brett.

Yung unang araw na nag cross ang mga landas namin ni Brett. Yung unang araw na nagbabangayan kami at dinaig pa ang mga pusa at aso dahil sa ginagawa namin. Yung unang araw na nakinig ako sa kadramahan niya sa buhay. Yung unang araw na sinabi niyang mahal niya ako. At yung unang araw na pinatunayan niya sa kanyang sarili na kaya niyang mabuhay ng malayo sa mundo niya. Na ako lang ang kasama niya.

Lahat yun. Lahat ng mga failures na naencounter namin together ay parang nag flashbacks sa isip ko hanggang sa naramdaman ko na lang ang pangingilid ng aking mga luha.

Dali-dali ko namang kinuha ang tissue sa tabi ko at agad na pinunasan ito. Ayukong masira ang makeup ko.

Mas lalo pang bumilis ang tibok ng aking puso ng tumigil ang sasakyan sa harap ng simbahan. Hindi ko alam kong anong gagawin ko. Nakakatanga. Parang----- para kasing----- Ang weird ko.

Ito na yung moment na pinakahinihintay ko. At ilang sandali na lang mag-iisa na kami ni Brett.

Biglang bumukas yung pinto at iniluwa nun ang napakagandang kapatid ko. Si Mila.

Bakas sa mukha niya ang saya ng makita ako.

"Sisteret, congratulations. Finally ikakasal ka na. Wala na akong kaasaran. " malambing niyang sabi sabay pout niya.

Napangiti naman ako dahil sa inasal niya. Para na naman kasi siyang bata.

"Hays, ang kapatid ko naman. Syempre ako pa din naman ito. Walang magbabago. " sabi ko sa kanya saka ko siya niyakap.

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon