Chapter 20 : Breakfast failed

11.6K 202 3
                                    

Kung tatanungin niyo ko, kong nakatulog ba ako kagabi , well malaking hindi , hindi ko magawang matulog ng mahimbing dahil iniisip ko, iniisip ko siya na natulog sa may sofa as far as I know diba nga isa lang naman syang Millionaire. Ang mga taong kagaya niya hindi sanay na hindi natutulog sa mga malalambot na bed kaya yon lang naman ang nag gulo ng isipan ko the whole night dahil totoo naman eh kasalanan ko naman talaga. Dapat ako na lang yong natulog sa may sofa.

Actually maaga ako nagising dahil nga hindi pa rin ako sanay na kasama ko siya sa iisang bubong dahil kong tatanungin niyo ko hindi ko talaga maiwasang mag isip na baka pasukin niya ko sa room , baka isipin niyo masyado akong choosy , gusto ko lang talaga na hindi mangyayare yon dahil mataas ang respeto ko sa sarili ko.

Tumayo ako mula sa pag kakaupo sa may living area, umiinom kasi ako ng coffee, since hindi pa siya bumaba at siguro hindi pa siya gising , so nag isip ako ng magandang gawin at ito na nga ang naisip ko, gusto kong mag prepare ng breakfast naming dalawa, nakakahiya naman kasi kong wala akong silbi siya na nga nag papasweldo sa kin tapos wala pa kong gagawin nakakahiya naman diba??

Pasalamat siya mabait ako ngayon, sabihin na lang natin na return gift ko to sa kanya dahil sa ginawa niya kagabi.

Nag lakad na ko papunta sa may kitchen , una kong tiningnan ang ref at nakita ko yong bread kaya kinuha ko, saka binalik ko yong tingin sa loob ng ref at nakita ko yong egg kaya kinuha ko.

Actually wala talaga akong alam kong paano magluto dahil laging si Mama ang nagluluto ng pagkain naming magkapatid kaya wala akong idea kong paano lulutuin tong itlog na to. Bahala na si Batman. 

Binuksan ko yong kalan saka nilagay ko yong oil sa kawali.

Since wala akong idea, hindi ko talaga alam kong anong gagawin ko hanggang sa unti unti ng umuusok ang kawali kaya ko nilagay yong egg at nagulat ako sa sumunod na nangyare..

"Aaaahhhh Brett !!!! Tulong " sigaw

Nakikita ko na nag aapoy yong ibabaw ng kawali , hindi ko talaga alam.

"Brett , ano ba !!! Tulungan mo ko , masusunog na yong bahay !! " taranta kong sabi

Dahil sa hindi ko ma explain kong ano ang nangyayard basta mausok na ewan kaya hindi ko maintindihan hanggang sa nakita ko na lang si Brett na lumapit sa kin at agad nyang pinatay yong gas. 

"What are you doing !!!! Susunugin mo ba tong bahay !! " sigaw niya sa kin

Tumingin ako sa kanya at kitang kita ko ang panlilisik ng mga mata niya.

"I-im sorry Brett , kasi ------ " pinutol niya ang sasabihin ko

"Just shut up! I don't need your opinion , hindi ka ba nag iisip ! May plano ka bang sunugin tong bahay ! " Brett

Hindi pa rin nag babago ang tono ng boses niya kaya hindi ko alam kong paano ako magsasalita.

"Kasi Brett ----- " sinubukan kong magsalita pero gaya ng dati pinutol na naman niya ang sasabihin ko

"I said shut up " tiningnan niya ko ng malalim habang ako hindi ko magawang gumalaw "if you don't know how to cook wag mo na lang gawin, did you understand me ??? Hindi ka nag iingat " Brett

Nakayuko lang ako at hindi ko kayang mag salita, hindi ko magawang sumagot sa kanya dahil totoo naman eh kasalanan ko naman talaga.

"What's going on here ??? Malayo pa lang may naririnig na ko kong ano ano sa labas "

Tumingin ako sa nagsalita at nagulat ako ng makita ko si Tita Fiona biglang chance mode na naman ang alien na si Brett , bigla niya akong inakbayan kaya hindi ko maintindihan kong bakit.

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon