Chapter 59 : Tears and Joy

7.7K 133 3
                                    


Sadyang mabait talaga si Lord. Hindi niya ako pinabayaan mula sa bangungot na yun. Akala ko katapusan ko na pero hindi niya pa rin ako pinabayaan.

Gusto kong maiyak sa hindi maipaliwanag na dahilan. Sobrang saya ko dahil tapos na din ang isang pagsubok na dumating sa buhay namin.

Pagsubok na sumubok sa aming dalawa ni Brett kung gaano katibay ang pundasyon niya sa akin.

Nung mga panahon na yun, alam kong bumibigay na din ang tibay at tatag ng pundasyon na meron kami pero nanatiling matatag si Brett para sa natitirang tibay na kinakapitan niya at maging ako ay ganon din.

Sadyang walang binibigay ang diyos na pagsubok na hindi natin napagtatagumpayan.

Thank you lord.

*Tsup! *Tsup!

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko dahil sa kakaibang sensasyon na dumadampi sa pisngi ko. Para akong binubuhay nito.

Ang lambot ng mga labi niya. Nasa langit na ba ako ??

"A-alien ?? " nauutal kong sabi habang deretsong nakatingin sa mga mata niya.

I hate the fact, na nauutal pa rin ako at hindi ko magawang tumingin sa kanya ng matagal dahil naiilang ako.

Yung mga mata niyang sobrang nakakaintimidate tingnan.

"N-nasan ako ?? " dagdag ko pa saka ko iginala ang aking tingin sa buong paligid.

"Nawalan ka ng malay kaya dinala ka namin sa hospital. Nag-over fatigue ka kaya nawalan ka ng malay. " sagot niya sa akin.

Sa sobrang pagod ko siguro kaya ako nag seizure. Hindi kasi ako sanay na makakita ng ganoong eksena in real life.

"S-si Bryle ?? " takot kong sabi.

Hinawakan niya ang kamay ko na parang sinasabi niyang wala na akong dapat na ikatakot dahil nasa tabi ko siya.

"Wala na si Bryle. Patay na siya. "

Natahimik naman ako dahil sa narinig ko. Parang bumalik sa aking gunita ang mga nangyare noong panahon na nasa kamay pa ako ni Bryle.

Nung panahon na gusto niyang patayin ako.

Nakakalungkot lang dahil sa ganoong paraan pa magtatapos ang kanyang buhay. Nakakaawa siya dahil hinayaan niyang lamunin siya ng sarili niyang galit.

Rest in peace Bryle.

Naramdaman ko ang pamumuo ng mga luha sa aking mga mata. Kahit na ligtas na ako ramdam ko pa rin ang sobrang pagod sa katawan ko.

"Bakit ?? " alalang tanong ni Brett.

Nung tumingin ako sa kanya ay kasunod nun ang pagbagsak ng mga luha ko.

Umiling ako bilang sagot. Ayuko ng dumagdag pa sa iniisip niya ngayon. Lalo na sa nakikita ko sa mga mata niya.

"Pwede ba kitang mayakap ?? " parang bata kong sabi.

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon