Chapter 63 : Dinner with the Family

6.3K 127 11
                                    

Walang pagsidlan ng saya ang aking puso dahil sa galak na ginawa ni Brett kanina. Ganito nga siguro ang pakiramdam kapag dumating yung point na nagpoproposed yung taong mahal mo.

Napaiyak nga ako dahil sa sayang naramdaman ko kanina.

Hindi na ako makapag-antay pa sa mangyayare sa buhay namin.

Matapos ang proposal ni Brett sa akin ay niyaya niya akong mag-ikot sa buong hotel. Walang pagsidlan ang aking puso. Busog na busog naman ang aking mga mata ng dalhin ako ni Brett sa painting section.

Sobrang ganda ng mga nakadisplay dun.

Buong oras na magkahawak ang mga kamay namin habang nililibot niya ako. Hindi pa rin nga makapaniwala ang Lola niyo na may singsing na nakasuot sa daliri ko.

Sobrang ganda naman kasi and I'm sure mahal ang engagement ring na 'to. Si Brett pa mahilig sa mamahalin.

Matapos ang isang oras na pag-iikot sa buong hotel ay bumalik na din kami ni Brett sa room namin dito sa hotel upang magbihis para sa magaganap na dinner.

Habang nag-aayos ako sa harap ng salamin ay hindi ko maiwasang tingnan si Brett na nakamasid sa akin habang kunwaring tinutupi ang polo. Naiilang tuloy ako.

"Bakit ganyan ka makatingin ?? " tanong ko.

Itinigil naman niya ang kanyang ginagawa saka naglakad palapit sa kinaroroonan ko. Malayo pa lang siya amoy na amoy ko na agad ang pabango na nagdulot ng kakaibang saya sa aking puso.

Napakagwapo talaga ng alien ko.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at humarap sa kanya. Nagulat naman ako ng bigla niya akong hinawakan sa bewang at deretsong nakatingin sa akin.

"Ang ganda naman ng magiging asawa ko. " sabi niya in a normal way.

Shemay lang! Tumalbog agad ang aking puso dahil sa sinabi niya. Para kasing bago sa pandinig ko ang salitang binitawan niya. Kilala ko si Brett hindi siya yung tipo ng lalaki na nagsasabi ng mga cheesy lines.

"Umayos ka nga. " sabi ko with matching hampas sa balikat niya at kasunod nun ang pag-iwas ko ng tingin sa kanya.

Hindi ko talaga kayang titigan siya ng matagal.

Naramdaman ko naman ang pagngiti niya ng malapad na nasundan pa ng mahinang tawa.

"Hanggang ngayon, naiilang ka pa ring tingnan ako ng matagal. Ganon ba ako kagwapo sa paningin mo o talagang gwapo ako. " nakangiting sabi niya na may halong pang-aasar.

"Kapal! " sagot ko sabay irap sa hangin.

"Oy nagbblush siya. "

"Hindi ah. "

"Eh bat lumalaki butas ng ilong mo ?? " pang-aasar niya sa akin habang tumatawa.

Tiningnan ko na lang siya ng nakakainis na tingin at kasunod nun ang paghigit niya sa akin palapit sa kanya dahilan para mapasandal ako sa balikat niya.

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon