Chapter 6 : Make-Over

21.3K 353 3
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala na unti-unti ng nagsisimula ang mga plano niya at hindi ko alam kung hanggang kelan ko makakayanan ang lahat ng 'to! Sana lang magampanan ko ng maayos ang trabaho ko. Para sa pamilya ko ay kailangan kong gawin ito.

Hindi pa man sumasapit ang gabi pero yung kaba sa dibdib ko walang humpay sa pagtibok para nga akong aatakehin. Paano ba naman, ngayong gabi na yung dinner namin together with his mom.

Hays. Ano kayang itsura ng Mom niya. Sana hindi monster na kagaya ng Boss ko.

Hindi rin ako pinatulog kagabi ng mga fake information na gagamitin ko. Minimemorize ko pa ang ilan sa mga info at paulit-ulit kong binasa ang laman nun. Hays.

Base sa laman ng folder. Isa akong anak ng isang kilalang negosyante mula sa London. Kilala bilang mahusay at magaling sa ibat-ibang larangan. Maraming negosyo ang pamilya ko. Nakapagtapos ako sa kilalang university sa London.

Madaling araw na nga halos ako natulog kagabi. Idagdag pa na mamayang gabi na yung dinner namin kasama yung Mom niya. Nakikinikinita ko na nga ang mangyayare mamaya.

Kasalukuyan akong nasa loob ng sasakyan. Ang sarap sarap pa ng tulog ko ng bigla siyang tumawag sa akin. Hays. Kaya ito ako ngayon papunta sa kung saan mang impyerno. Hindi ko kasi alam kung saan bahala na si Manong driver sa akin. Buti nga hindi nagtanong pa si Mudra kung saan ako pupunta. Lagot talaga ako.

Halos hindi naman ako mapakali sa suot ko ngayon. Kulang na lang lumuwa ang kaluluwa ko. God! Hindi ako sanay ng ganito ang sinusuot. Yung Boss ko kasi. Kailangan ko daw magsuot ng magagandang damit para daw magmukha akong tao este may class tingnan. Puro paltos na nga yung paa ko dahil sa heels. Hays. Tiis ganda lang. Double effort na ang ginawa ko kaya yari talaga ang Brett na yan sa akin pag hindi niya dinagdagan ang sahod ko.

After an hour ay narating din namin ang lugar. Napakatahimik at sobrang seryuso ng area. Idagdag pa ang mga guards na nakapaligid sa building.

'Anong lugar 'to!? ' tanong ko sa aking sarili dahil seriously ngayon lang ako nakakita ng ganito.

"Manong anong lugar ba ito?? " tanong ko kay Manong driver pero bago pa man siya sumagot ay umeksena naman ang ringtone ng phone ko kaya dali-dali ko itong kinuha at sinagot.

"Ano pang hinihintay mo!? Bumaba ka na ng sasakyan. The girl standing in the main door is my Assistant. Siya ng bahala sayo. "

"T-teka! Ano bang lugar 'to!? Baka mamaya may mangyareng masama sa akin. No way! Ayuko pang mamatay. " Overreacting kong sabi.

"A secret place. "

"Sinasabi ko na nga ba eh. May pa secret----- " hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil binabaan niya ako ng telepono. Kakaluka! Napairap na lang ako sa hangin.

Huminga ako ng malalim bago tuluyang bumaba ng sasakyan. Inayos ko pa ang damit ko bago humakbang. Syempre lakad mayaman ako. Sayang naman yung binayad ng halimaw na yun para turuan ako kung paano maging classy at sosyal tingnan.

Nakatanaw ako sa kulay itim na building. What the------ Secret place?? Hays. Ano ba itong pinag-iisip ko. Masyado naman akong napaparanoid kaya kung ano-ano pa ang iniisip ko. Marami din namang tao sa paligid. Yun nga lang mga sosyal at yung mga guards. Jusko! Nakakatakot.

Hinanap ko yung babaeng tinutukoy ni Brett na hindi ko naman makita kung sino sa mga nakablack na 'to. Ang dami kayang nakasuot na black sa lugar na 'to. Kaya pala pinasuot niya ako ng all black. Tss! Connected pala sa lugar ang suot ko.

A secret place for a royal blood. Black represents kung gaano kayaman ang mga pumupunta dito. The heck! May mga ganon pa silang nalalaman.

"Excuse me. " Halos mapaigtad naman ako sa gulat ng may biglang magsalita sa likod. She's wearing black formal dress. Ito na siguro ang tinutukoy ni Brett na babaeng nakaitim.

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon