Chapter 29 : Lunch date with his Mom

9.2K 135 1
                                    

Hindi ko alam kong hanggang saan kami, kong hanggang kailan kami magiging masaya lalo na sa tuwing naiisip ko yong mga bagay na maaaring maka apekto sa kong anong meron kami.

Minsan nga naiisip ko na sana hindi na lang matapos ang araw sa tuwing mag kasama kami, parang ang hirap naman kasi na masaya kami tapos alam namin na bilang lang ang mga sandaling yon.

Napapabuntong hininga na lang ako pag naiisip ko yon, mga bagay na alam kong hindi maganda, na alam namin na malaking gulo ang maaaring dumating sa ming dalawa at hindi ko rin alam kong hanggang saan kami. Kong kaya ba namin tong panindigan hanggang sa huli.

Tahimik lang ako habang nasa gitna kami ng byahe.

Sabi ko naman sa kanya na wag na kong ihatid pero sadyang makulit ang alien na to. Kaya wala akong choice kong hindi ang mag pahatid sa kanya.

"Tahimik mo ?? " tumingin sya sa kin " Are you okay ?? Kong hindi ka okay sasabihin ko na lang kay Mama na hindi ka pwede " Brett

"Okay lang ako, nakakahiya naman kay Tita kong hindi ko sya samahan, and beside minsan lang naman to , baka mag tampo nga yon sa kin dahil hindi na kami lumalabas " pag sisinungaling ko

Binalik nya yong tingin sa pagmamaneho, at alam ko na may gumugulo na naman sa isip nya.

"Tahimik mo kasi, parang ang lalim ng iniisip mo , Okay ka lang ba talaga ?? " Brett

Huminga ako ng malalim saka pilit na kumukuha ng lakas ng loob kong paano ako mag sasalita.

Hindi ko magawang tumingin sa kanya.

"Hindi ko lang kasi maiwasan ang mag isip Brett lalo na kapag dumating yong point na malaman nila ang totoo, malaman nila kong anong ginawa natin. " sabi ko

Naramdaman ko na hinawakan nya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Nakalimutan mo na ba, na kahit anong mangyare lagi lang akong nandito para sayo kaya hanggat maaari Grace wag kang mag iisip ng kong ano ano, as long as magkasama tayo " Brett

"Hindi ko lang kasi maiwasan Brett, sa bawat oras at araw na mag kasama tayo hindi ko alam kong hanggang kelan tayo lalo na tayo lang ang nakakaalam sa kong anong meron tayo. Brett I want to be happy, yong hindi ganito " sabi ko

"Alam ko naman yon Grace, kahit ako gustong gusto ko ng itama ang lahat pero hindi pwede ngayon. Alam mo naman na hindi maganda ang image ko sa BC. " naramdaman ko na lalong humigpit ang pagkakahawal niya sa kamay ko kaya napatitig ako sa kanya "Don't worry pasasaan bat malalampasan din natin to, basta ang alam ko masaya ako pag kasama kita Grace " Brett

Kitang kita ko sa mga mata nya yong full of sincerity na lalong nag pabilis ng tibok ng puso ko.

Hindi na lang ako kumibo saka binalik na nya ang tingin sa pag mamaneho.

Siguro nga kahit sya nahihirapan na din sa sitwasyon kong bakit ba naman umabot kami sa ganitong sitwasyon, diba dapat nag tatrabaho ako sa kanya pero sobra sobra naman kong mag biro ang tadhana kong sino pa yong kinaiinisan mo siya pa yong dahilan kong bakit ako masaya ngayon.

Siguro ganon nga talaga hindi mo alam kong kailan ka tatamaan ng love basta magugulat ka na lang mahal mo na pala siya parang Love in mysterious ways yong bang hindi mo alam kong paano mo siya nagustuhan, yong bang kulang ang araw pag hindi mo siya nakikita.

Hindi na ko nag salita at tumahimik na lang at nag iisip ng kong ano ano pa.

Naisip ko din kong bakit pa bigla bigla naman nag aya si Tita Fiona, para kasing ang weird ng araw na to. Yung bang naiisip ko na wag na lang tumuloy pero sa huli wala akong magawa kong hindi gawin yong mga bagay na alam kong makakabuti para sa ming dalawa.

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon