Chapter 56 : Lead

6.6K 115 5
                                    

Bryle's POV

Gigil na ako kanina pa na iputok ang baril na hawak ko. Pasalamat sila at swinuswerte pa sila dahil kong hindi baka dumanak na ang kanilang mga dugo sa kwartong yun.

Naiiling at napapangiti na lang ako kanina habang palabas ng kwartong yun dahil para silang mga daga na takot na takot na matuklaw ng isang makamandag na ahas. HAHAHA.

Kahit wala na sila Mama at Papa kaya ko pa ring tapusin ang laban. Hindi ako susuko hanggat hindi ko nakukuha ang lahat ng dapat ay sa amin.

"Sisiguraduhin kong magtatagumpay tayo Ma. " nasambit ko na lang sa aking isipan habang nakatitig sa ashray na nasa ibabaw ng mesa.

Kung nakakatunaw lang ang mga titig ko ay tiyak kong baka kanina pa nalusaw ang ashray na 'to.

Sa ganitong pagkakataon wala na akong dapat kampihan at asahan kong hindi ang aking sarili.

Hindi ako takot na mamatay! Dapat sila ang matakot sa akin. HAHAHA.

Muli akong nagsindi ng yosi at agad na hinithit ito ng hinithit na para bang ayuko ng patagalin pa.

Yosi ang isang bagay na nagpapagaan ng loob ko. Ayukong ipakita sa kanila na apektado ako sa pagkakadakip nila Mama at Papa.

'Magkamatayan na pero hindi ako susuko! Hindi! '

Gigil kong pinatay ang yosi sa may ashray. Pinaikot-ikot ko pa ito sabay tawa ko ng nakakaluko.

"HAHAHA! " halakhak ko sa aking sarili.

Kunting sandali na lang at makukuha ko na ang lahat ng pera ng mga Calvien. Magiging mayaman at makapangyarihan ako sa lahat.

Napatigil ako sa pagtawa ng biglang tumunog ang phone ko na nasa ibabaw ng mesa katabi ng ashray.

Kinuha ko ito at mabilis pa sa alas kwatro na sinagot ko ito.

"Yes Attorney..... Ok--- that's good!...... Make sure na hindi ka papalpak diyan or else hindi mo makukuha ang parte mo.... "

Si Attorney. Ang isa sa mga sources ko kung bakit makukuha ko ang lahat ng ari-arian ng mga Calvien.

Totoong tumawag siya kanina kaya lang naputol ang tawag niya kanina.

Ang dahilan kong bakit siya tumawag ngayon ay dahil tapos na ang mga dokumento na pinapagawa ko sa kanya na tanging pirma na lang ni Tita Fiona ang kailangan para maging akin ang lahat ng ari-arian at kayamanan nila.

"Kailan ko makukuha ang mga dokumento ?! Kating-kati na ang mga palad ko na mahawakan ang pera nila...... OK... Pupunta na lang ako diyan. " sabi ko sa kabilang linya saka ko ibinaba ang tawag.

Hindi na ako makapag-antay. Gusto ko ng makuha ang nais ko.

Hinding-hindi mo ako maiisihan Brett!

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon