Chapter 58 : Game Over

6.9K 127 5
                                    


"Kumusta ?? " seryusong sabi niya na siyang nagpalakas ng kaba ko.

"B-bryle ?? "

"Bang!" Napaigtad ako sa gulat ng mag boses tunog siya ng putok ng baril.

Pakiramdam ko tumigil ang pagtibok ng aking puso. Akala ko katapusan ko na.

Akala ko makakatakas na ako pero hindi pa pala.

Bakit ba naman sa dami ng sasakyan na dadaan sa lugar na 'to ay ang sasakyan pa ng demonyong 'to!

Hindi ko alam kong anong gagawin ko. Sobra akong natatakot sa mga tingin niya sa akin. Sinubukan kong buksan ang pinto pero inawat niya ako habang nakatutok ang baril sa akin.

"Subukan mong tumakas. Hindi ako mag-aatubiling iputok ang baril na 'to at pasabugin sa bungo mo. " matigas at nakakatakot niyang sabi.

Yung tapang ko kanina habang tumatakas sa lugar na yun ay bigla na lang naglaho ng makaharap ko si Bryle. Para akong nauupos dahil sa takot.

Naramdaman ko ang buong panginginig ng katawan ko habang nakatitig sa mga mata niya.

Sobrang galit siya at para bang gusto niya akong kainin.

Malas!

Pinalipat niya ko ng upuan sa harap. Hindi niya ako pinalabas ng sasakyan bagkus pinadaan niya na lang ako sa loob.

Isang pagkakamali ko lang siguradong mapapatay niya ako. Saka niya pinaandar yung sasakyan.

Hindi ko na alam kong anong gagawin ko ng mga sandaling 'to. Takot na takot ako sa posible niyang gawin.

"Hindi mo ko matatakasan kahit anong gawin mo. " sabi niya.

"Bryle pakawalan mo na ako please ?? Nagmamakaawa ako sayo. Itigil mo na 'to. " halos pagmamakaawa ko sa kanya.

Alam ko sa aking sarili na kunti na lang ay susuko na ako.

Hindi ko na nga alam kong makakatakas pa ba ako o mabubuhay ba ako o hanggang dito na lang ??

"Anong tingin mo sa akin tanga! " galit niyang sabi saka itinuon ang atensyon sa pagdadrive habang yung isang kamay naman niya hawak niya ang baril.

Kunting pagkakamali ko lang alam kong malalagutan ako ng hininga.

Naaawa ako sa kanya.

"Wala namang magandang maidudulot sayo 'to eh. Sumuko ka na lang. Tutulungan ka namin upang hindi ka makulong. " sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Tiningnan naman niya ako ng matalim na siyang nagpatayo ng aking balahibo at paglakas ng kaba ko.

"Kalukuhan! Wag mong paikutin ang ulo ko! "

"Bryle, wala ka ng takas. Sigurado ako sa mga oras na 'to pinaghahanap ka na ng mga pulis --------- "

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon