Chapter 50 : Killing is a Crime

6.7K 106 4
                                    


••• Grace POV •••

Hindi na nagiging maganda ang lahat ng mga nangyayare lalo na ngayon alam ko, na maraming gumugulo sa isipan ni Brett.

Nalaman ko din na malapit ng bumagsak ang BC. Ang BC na humubog sa pagkatao niya.

Gaya nga ng lagi kung sinasabi kahit naman siguro kayo hindi niyo basta basta isusuko ang lahat ng pinaghirapan niyo diba ?? Kung kinakailangang ipaglaban hanggang sa huli gagawin natin.

Sa ngayon alam ko na kailangan niya ako para damayan siya kaya lagi kung pinaparamdam sa kanya na lagi akong nasa tabi niya.

Gusto kung hindi siya maging padalos-dalos sa mga desisyon na maaari niyang gawin. Kumuha na din si Brett ng sariling lawyer para maghain ng case laban kila Bryle.

Sana lang talaga malagpasan nila ang lahat ng 'to.

Kasalukuyan akong nagtutupi ng higaan namin ni Brett ng mapansin ko siyang parang balisa at hindi mapakali sa isang tabi.

Nakaupo siya sa isang sulok habang panay tingin sa hawak niyang phone na para bang may hinihintay siyang tawag kaya naman itinigil ko ang aking ginagawa saka itinuon ang aking tingin sa kanya.

"Okay ka lang ba ?? " kunot-noong tanong ko.

Bakas sa mukha niya ang hindi maipaliwanag na expression.

Naglakad ako palapit sa kanya at huminto sa harapan niya.

"Okay ka lang ba ?? " tanong ko ulit.

"Kinakabahan ako eh. " sabi niya na halata ko ngang kinakabahan siya.

"Bakit ka kinakabahan ?? " tanong ko.

"Hindi ko alam Grace. Pero kagabi, napanaginipan ko si Mom. Kailangan niya ng tulong ko. Nasa hindi magandang kalagayan ang buhay niya. " puno ng pangambang sabi niya.

Hinawakan ko naman siya sa kanyang kamay saka tiningnan siya ng malalim.

"Brett, wag ka ngang mag-isip ng ganyan. Pinapakaba mo lang ang sarili mo. Alam ko kaya ng Mama mo ang sarili niya. "

"Hindi ko lang talaga mapigilan. "

"Brett, wag ka ngang ano diyan. " sabi ko na may halong pang-aasar.

Tumango-tango naman siya bilang sagot saka muling itinuon ang kanyang tingin sa hawak niyang phone.

BEEP!! BEEP!!

Mabilis pa sa alas kwatro ay agad niyang sinagot ang phone nang tumunog ito.

Tuloy tuloy siyang naglakad palabas ng hindi man lang nagpapaalam sa akin. Napailing na lang ako saka sinundan siya ng tingin.

Mamaya ko na lang siya kakausapin ulit.

Ibinalik ko na lang ang aking sarili sa ginagawa ko kanina.

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon