Chapter 31 : The Big Revelations

10.8K 152 5
                                    

Sa isang relasyon hindi talaga maiiwasan ang mag karoon ng misunderstanding, pero ang importante matuto tayong ayusin agad dahil dyan nag uumpisa ang pagkasira ng relasyon.

Nasanay na din ako na sa tuwing nag aaway kami ni Brett kasunod non ang pagbabati namin para nga kaming tanga eh mag aaway tapos mag babati din agad. Minsan nga natatawa na lang ako dahil pag nagagalit sya akala mo kong sinong kakainin ako pero kasunod non ang paglambot ng puso nya na agad nya kong niyayakap. Niyayakap na punong puno ng pag mamahal.

Kilala ko na nga si Brett. Sya na siguro ang pinaka mabait na tao na nakilala ko kahit na sabihin pa natin na para syang alien pag magalit pero masaya ako pag kasama ko siya yong bang kulang ang araw ko pag hindi ko siya nakikita. Alam mo yon. Minsan nga hindi ko na naiisip yong mga bagay na alam kong sisira ng araw namin, as long as walang makakaalam ng lihim namin ni Brett, kong anong meron sa min.

Nasabi ko na din kay Brett yong mga napag usapan namin ni Mama the last time na nag usap kami. Sinabi ko sa kanya na hindi naman galit sila Mama at naiintindihan nila si Brett at sinabi ko din na gusto syang nakilala nila Mama.

Wala na kong hinihiling pa kong hindi ang makasama si Brett makasama hanggang sa huli.

Isang linggo ang lumipas at marami ng nangyare. Ganon pa rin ang setup namin kahit minsan mahirap dahil sa ibang character ko. Yong bang pag nasa labas kami ako si Alexa Prescott ang babaeng mayaman, mataas ang pinag aralan, model at sosyal person samantalang pag nasa bahay kami ako si Grace Castro ang babaeng weird na nakilala niya sa earth.

Malayo na nga ang napuntahan ng story namin ni Brett at hindi ko alam kong hanggang kelan kami.

Tok tok

Katok mula sa labas ng pinto.

Nagulat ako ng marinig ko ang katok na yon. Paano ba naman kanina pa ko nakatingin sa wholw body mirror. Aalis kasi kami ngayon.

"Matagal ka pa ba ?? " Brett

"Sandali palabas na ko " sabi ko

"Ang tagal mo malilate na tayo " Brett

"Oo nandyan na " sabi ko

Tumingin ulit ako sa may salamin at tiningnan kong maganda na ba ako. Kinuha ko yong bag ko saka nag umpisang mag lakad palabas ng pinto.

Pagbukas ko ng pinto napatigil ako sa paglalakad at parang umurong ang dila ko. Nakatingin ako sa mga mata nya na ang gwapo gwapo niyang tingnan parang tumigil ang mga sandaling yon. Yong bang nakatingin lang ako sa kanya.

"Baka naman matunaw ako niyan " nakangiting sabi ni Brett

"Ang gwapo mo kasi " sabi ko

Hindi ko alam pero yon ang mga salitang lumabas mula sa bibig ko.

Kumunot yong noo niya at tiningnan niya ko ng nakakaasar na tingin.

"You know what ang weird mo talaga. Tara na at malilate na tayo " Brett

Mag sasalita pa sana ako pero bigla na lang syang tumalikod.

Bastos ng alien na to kaya wala akong choice kong hindi ang sumunod pababa. Kainis naman minsan na nga lang ako mag lambig sasabihan niya pa ako ng weird kaasar talaga.

Binilisan ko yong paglalakad ko dahil baka kainin niya ko ng buhay kapag nag pa importante pa ako. Alam niyo naman si Brett ang hirap intindihin.

Habang nag lalakad ako palabas ng bahay.

Bigla ko na lang naalala kong paano nag umpisa ang lahat. Kong paano gumulo ang buhay ko at kong paano ko siya bilang si Brett.

Malayo na nga ang narating namin pero hindi ko alam kong hanggang saan kami ganito. Alam ko darating at darating ang araw na malalaman ng lahat ang totoo. Ang totoo kong anong meron sa ming dalawa.

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon