Chapter 30 : Im Guilty

11.1K 188 24
                                    

Tama nga sila walang lihim na hindi nabubunyag.

Hindi habang buhay pwede nating itago ang mga bagay na ayaw natin malaman nila pero sadyang mapagbiro talaga ang buhay magugulat na lang tayo kapag nangyare na.

At isa na ako. Hindi ko alam kong paano ako mag sisimulang mag paliwanag kay Mama, alam ko masakit kay Mama yong ginawa ko, kahit naman kanino gawin ang bagay na yon talagang makakasakit at masasaktan sila.

Pero may dahilan naman ako kong bakit ko yon ginawa, kong bakit nagawa kong ikaila sya dahil may hinahawakan ako at pinuprotektahan.

Huminga ako ng malalim saka dahan dahan akong bumaba ng sasakyan. Hindi ko alam kong paano ako mag uumpisa kong paano ko ipapaliwanag ang lahat.

Habang nag lalakad ako papasok ng bahay ang sya namang bilis ng tibok ng puso ko, kaba at takot ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kong ano pa ang maihaharap ko kila Mama.

Ramdam na ramdam ko ang bawat tibok ng puso ko na hindi ko alam kong paano ako kakalma.

Tumigil ako sa pag lalakad ng nasa tapat na ako ng bahay.

Bumuntong hininga ako saka pumasok sa loob ng bahay. Ang tahimik ng loob at parang nag flashback lahat ng masasayang alaala kasama sila. Bawat sulok ng bahay ay nababanaag ko ang saya gaya ng dati pero nalungkot ako dahil hindi na pala ito gaya ng dati.

Lumingon ako sa may sala at nakita ko si Mila. Nakaupo sya sa may sofa at abala sa pag babasa ng notes. Hindi ko alam kong paano ako mag uumpisang mag salita, wala akong lakas ng loob kong ano ang gagawin ko hanggang sa lumingon si Mila sa dereksyon ko at nagulat sya ng makita ako.

"Ate Grace ?? " Mila

"Mila " sabi ko

Tumayo sya sa kinauupuan nya saka nag umpisang mag lakad palapit sa kin na halatang hindi pa rin makapaniwala na narito ako.

Bigla nya kong niyakap.

"Ate mag sabi ka nga totoo " Mila

Humiwalay si Mila mula sa pag kakayakap sa kin at kitang kita ko sa mga mata nya ang labis na pagka miss sa kin.

"Si Mama " sabi ko

Lumingon kami sa dereksyon ni Mama na halatang kakalabas lang mula sa kusina.

"Anong ginagawa mo dito " Mama

Ramdam ko sa boses ni Mama yong labis na galit at inis sa kin.

"Ma I'm sorry, I'm sorry kong nagawa ko yon. " sabi ko

Lumapit si Mama sa kin at nagulat ako sa sumunod na nangyare.

Pakk !!

Malakas na sampal ang sumalubong sa kin. Sampal na punong puno ng galit.

"Hindi kita pinalaki para mag sinungaling lang. Hindi mo ba naiisip kong gaano kasakit yon sa isang magulang. Sinira mo ang tiwala ko sayo Grace. " Mama

Hinawakan si Mama sa braso pero iwinaksi nya yon.

"Ma patawarin nyo ko. Patawarin mo ko sa lahat ng ginawa ko. " sabi ko

Hindi ko mapigilan ang maging emosyunal lalo na pag dating kay Mama.

Si Mama ang nagtaguyod sa min simula ng mawala si Papa kaya mahirap para sa kin yong ganitong pangyayare.

"Ma, bigyan mo naman ng chance na mag paliwanag si Ate ---- " pinutol nya yong sasabihin ni Mila.

"Tumahimik ka " tumingin si Mama sa kin at hindi ko napigilan ang umiyak "pinaniwala mo kami Grace na nasa Cebu ka pero nasa malapit ka lang pala?? Nag sinungaling ka pa sa kin sa min ng nakapatid mo, mag tapat ka nga Grace " Mama

My Boss is a Millionaire (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon