Ӝ Kabanata LXXVII Ӝ Katotohanan at Panlilinlang

शुरू से प्रारंभ करें:
                                    

         "Andora... Kamusta naman ang pinagagawa ko sayo?" Tanong niya. Ngumiti naman ito sa kanya.
         "Nagawa ko na Hara Avria hawak ko na pag-iisip ng dama ng anak nila Ybrahim at Amihan na si Caspian." Nakangiting sabi nito. Nakangiting tumango si Avria.

          "Humanda ang mga diwata na yan.... Dahil nagsisimula pa lang tayo." Nakangising sabi ni Avria. Sa kanyang mga alagad.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
          "E Correi.... Ano't nag-iisa ka dito at di ka nakikisali sa pagpupulong sa loob." Sambit ni Ybrahim kay Amihan na nakatayo malapit sa bintana na nakatanaw sa pamayanan na sakop ng Lireo.

         "Nangangamba lamang ako Ybrahim.....sa bagong bantang ito sa Encantadia nangangamba ako para sa kinabukasan nila Lira at Caspian...." Sambit ni Amihan marahan namang hinawakan ni Ybrahim ang kamay ni Amihan.

        "Kaya nga tayo narito Amihan.... Para siguraduhin ang magandang kinabukasan ng ating mga anak at nasasakupan..... ipinapangako ko sayo iyon Amihan." Sambit nito saka nito hinalikan sa noo si Amihan, napangiti naman ang dating reyna sa ginawa ng hari.

        "Avisala eshma E Correi." Sambit ni Amihan saka niya niyakap ang Rama ng Sapiro.

        "Rama Ybrahim.... Hara-Durie Amihan..." Napatingin silang dalawa sa nagsalita at nakita nila si Muyak.

        "Muyak.... Masaya akong makita kang muli." Nakangiting sabi ni Amihan sa lambana.
        "Ganun din ako Hara Durie.... Ngunit nais ko sana kayong maka-usap...ng Rama Ybrahim." Sambit nito. Nagtataka na nagkatinginan sila Ybrahim at Amihan saka sila tumango.

           "Kung iyan ang iyong nais.... Halina sa silid tayo." sabi ni Amihan saka sila magkahawak-kamay na naglakad ni Ybrahim pabalik sa silid.
  
         Pagpasok sa silid ay naupo sila saka nagsalita si Muyak.
         "Hara Durie.... Ako ay nasa kalagitnaan ng aking pagbabanyuhay..... Pero wala akong dalawang isip na iwanan ito para lang masabi ang isang balita sa inyo na nalaman ko." Sabi ni Muyak. Napatango naman si Amihan, nakikita niya nga nga may pagbabago na sa pakpak ni Muyak.

          "Ano ba ang balitang ito na nalaman mo at pinili mo pang iwanan ang pagbabanyuhay?" Tanong ni Ybrahim sa lambana. Napalunok naman si Muyak saka siya nagsalita.

         "Ang anak niyong si Lirios...." Sambit ni Muyak, nakaramdam naman si Amihan ng koonting kirot sa puso niya lalo na at di man lang niya nakita ito sa Devas dahil sa pagmamadali niyang matulungan ang kanyang mga mahal na nabubuhay pa.

         "Ano ang tungkol sa aming namayapang anak?" Tanong ni Ybrahim
        "Hindi namayapa si Lirios!" Sbit ni Muyak na ikinagulat nila Amihan at Ybrahim.
        "Ano ang tinuran mo?" Si Amihan.
        "Hindi pa namamayapa si Lirios.... Ang kanyang bunga sa puno ng buhay ay masigla at nagliliwanag.... Ibig sabihin nun ay buhay ang encantadong may-ari ng bunga." Pagpapaliwanag ni Muyak. Napatayo si Amihan sa sinabi nito.

         "Ybrahim.... Ang anak natin." Sambit ni Amihan di niya malaman ang narardaman niya masaya siya na nangangamba din sa pag-aalala kung nasaan ang kanyang anak.
        "Isang magandang balita ito Muyak.... Avisala eshma." Nakangiting sabi ni Ybrahim saka nito niyakap si Amihan.

         "Hahanapin natin ang ating si Lirios at ibabalik sa ating piling" bulong ni Ybrahim saka hinalikan sa noo si Amihan na di mapigilan maluha dahil sa tuwa at galak.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
            Ilang sandali pa ay dumating na sa Lireo sila Lira, Mira, Anthony, Wahid at ang encantadang si Odessa. Agad naman silang sinalubong ni Danaya na katatapos pa lamang makipag-pulong.

Encantadia: A Love Untold  [COMPLETE]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें