Sumunod naman ako sa kanya. "Pero Pa hindi ko iyon magagawa, nanahimik ako ng ilang taon na dapat maging eye witness ako tapos ngayon ipapatay niyo sila sa akin?"

"Damn LJ!" Napahampas naman si Papa sa mesa niya at tiningnan ako. "Just do it! Mas gugustuhin mo bang tayo ang mapatay nila?!"

"Pa sisiguraduhin kong hindi tayo mapapahamak o walang mamatay sa atin at wala akong papatayin." tigang na wika ko sa kaniya at umalis na nga ako.

Tumungo na ako agad sa apartment ni Lez, actually ngayon ko lang naisip iisang apartment lang pala sila ni Fear slash Commit. Mabuti pa daanan ko na lang muna si Commit hindi pa naman nakatext sa akin si Lez. Baka sakaling magkita kami dun ni Paine, magkikita na din kami ulit. Pinapasok naman ako ni Commit at walang tense sa pagkikita namin ulit.

"Napadaan ka dito pare?" usisa naman nito sa akin.

"Susunduin ko kasi ang girlfriend ko, eh hindi pa naman siya nagtext kaya daan muna ako dito sayo." sagot ko naman sa kanya habang nakatingin sa magazine.

Dapat ko bang itanong sa kanya kung nasaan si Paine? Dapat ba niyang malaman na alam ko ng buhay si Paine? ARGHH...ano ba dapat kong itanong??

 

"Commit?!! Fear?!!!" may boses babae na biglang nagsisigawan papalapit sa unit ni Commit.

Nagkatinginan naman kami ni Commit. Ayun sa pagbabasa ko sa mukha niya hindi siya at ease at bigla din siyang umiwas ng tingin sa akin. Bigla na ngang bumukas ang pinto at hindi ko inaasahan ang aking nakikita.

PAINE pov....

Ang ingay talaga ni Lulu, kahapon lang sila nagkahiwalay ng asawa niya kung makamiss naman parang 20 years hindi nagkita. Sumama na nga lang ako kay Lulu papunta dito dahil magkikita kami ni LJ. Hindi ko pa nga pala sya nagtetext at andami kong gustong itanong sa kanya. Lalo pa sa mga sinabi ni Sleep. Ano nga ba ang kinalaman ni LJ sa nangyari sa pamilya namin?

"Commit?!! Fear?!!!" paninigaw naman ni Lulu kahit limang unit pa ang layo namin sa unit nila.

Pagdating namin dun sirado, nasaan kaya ang kuya ko?? Sa pagbukas ni Lulu ng pintuan hindi ako makapaniwala sa aking nakaeye-contact. Owh shit!! Nagkatinginan nga kaming apat, yung tipong tumigil ang oras namin. 

 

"Lez? Lulu?" awkward naman kaming tiningnan ni LJ.

"Ha-ha-hi??" bati naman ni Lulu sa kanya at awkward naman na kumaway.

"Magkakilala kayo?" usisa ni LJ sabay tingin sa akin at alam ko ding ako ang gusto niyang sumagot.

"Ah, oo! Nandito ka pala? Ma-magka-magkakilala din kayo?" namamawis na ako sa nangyayari huh.

"Oo, siya yung kapatid ng kababata kong kwenikwento ko sayo." paalala naman niya sa akin.

"Oo nga pala, siya ba? Magkakilala naman kami kasi alam mo na dito din ako nangungupahan." palusot ko naman.

I FEEL NO PAIN...Where stories live. Discover now