"Yes kuya. Thank you for the compliment." nakangiting saad ni Lil Saint, "Am I not beautiful babe?" nilingon niya ang kanyang nobyo.

"You're a goddess babe." then he kissed her forehead and offered his arms.

Si Jennica ko kaya? Anong itsura niya ngayon?, napangiti si Reymond nang maisip ang nobya kaya naisipan niyang silipin ito saglit sa Unit nito, "Lovebirds mauna na kayo. May pupuntahan lang ako saglit."

***

NAKABUKAS ang pintuan ng Unit ng dalagang si Jennica kaya pumasok na ng tuluyan si Lence. Ngayon ay nakatalikod sa kanya ang babaeng nakasuot ng Beige colored gown, kitang-kita ang kabuuan ng makinis nitong likuran na pinapalibutan ng maladyamenteng beads na nakakabit sa damit, "Jen?" 

Humarap si Jennica sa binatang bumanggit ng kanyang pangalan, "Kuya Lence . . . "

Lence was stunned. Hindi siya makapaniwala na may isang anghel na nakatayo ngayon sa kanyang harapan. Mula sa maitim nitong buhok na kinulot ang dulo papunta sa damit nitong bumagay sa kanyang kutis hanggang sa sapatos nitong makinang ay napamaang lamang si Lence.

"Do I look awful?"

Saka lang bumalik sa riyalidad si Lence at napatingin sa mga mata ng dalaga, "Hindi. Ang ganda-ganda mo." inabot niya ang kanang kamay sa dalaga at sinabing, "Halika na?"

"Ah teka lang." kinuha ni Jen ang maskara na gaya kay Reymond. They have to wear a mask and it depends on which Code they are serving. In her case, si Reymond ang kanyang pinagsisilbihan. Isinuot niya ito at nakangiting tiningnan ang sarili sa salamin.

"Hindi mo na sana sinuot ang maskarang iyan." saad ni Lence. Bilang guest ay hindi naman siya required na magsuot ng maskara.

"Kuya Lence . . . "

"Oo na po." nakataas ang kamay na sambit ni Lence Canley. Lumapit siya sa dalaga at buong pagsamba itong pinagmasdan. Pareho silang nakatingin sa salamin at nakatingin sa mga mata ng isa't isa.

***

NAKITANG bukas ni Reymond ang Unit ni Jennica kaya naiintindihan niyang may tao pa sa loob. Dahan-dahan siyang lumapit dito at unti-unting sumilip sa loob.

Halos gumuho ang kanyang mundo nang makita niyang hinalikan ni Lence si Jennica sa labi at ang mas lalong nagpasakit sa kanyang damdamin ay hindi man lang tumutol ang dalaga. No, they're not making out but their lips are sealed with one another. Ilang segundo rin iyong nagtagal at nakatitig lamang talaga siya magkalapat nitong mga labi.

Nakita pa niyang ngumiti ang dalawa ay nagyakapan, hindi na niya kinaya ang sakit kaya't agad siyang napatakbo at pilit na pinipigalan ang luhang gustong bumagsak mula sa maiinit niyang mga mata.

Then suddenly he found himself standing in front of Daisy's Unit. Walang pagdadalawang isip na pumasok siya rito.

"Reymond? Ayos ka lang ba?" tanong ni Daisy sa binata nang bigla itong pumasok. Sinenyasan niya ang kanyang mga tagapag-ayos na umalis na muna.

Nahahapong lumapit si Reymond sa dalaga habang nakatingin lamang sa sahig. Ayaw niyang kumurap baka tumulo ang nagbabadya niyang mga luha. Nang makarating siya sa tapat ng babae ay napaluhod na lamang siya at sinabing, "I'm trying Daisy, can't she see that I'm trying? Bakit siya ganoon? Hindi ba siya makapaghintay na tuluyan kitang mapakawalan dito sa puso ko?!" he punched the floor at unti-unting dumaloy ang dugo mula sa kanyang mga kamay, "Pakiramdam ko, sa bawat oras na ginugugol ko sa paglimot sa iyo ay katumbas naman ng unti-unting pagkawala ni Jennica sa akin. Shit."

Lumuhod na rin si Daisy para matapatan ang umiiyak na mukha ng binatang si Reymond. She cupped his face at hinila ito palapit sa kanyang mukha. Hinalikan niya ang lalaki sa labi ng buong puso thinking, Enough Reymond. You've been hurt too much. I'm so sorry. Please, open your eyes. Open your heart., kung hindi dahil sa ama niyang si Diego Montes ay hindi sana pumayag ang binata na maging escort niya ngayong kaarawan niya. Reymond had sacrificed hindi lang para sa kanya kundi para na rin sa ikabubuti ng kaibigan nitong si Martin.

The Philosopher Stones (Book 1)Where stories live. Discover now