/32/Truth or Die?

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hmm?" tumingin din ako sa harapan kagaya niya.

"Alam mo kung gano ko nabully after lumabas yung photos sa freedom board."

"Alam ko."

"Mas pinili kita kaysa kay Ireneo dahil gusto kong magpasalamat. Sa mga sinabi mo sa'kin noon... Nawala lahat ng mga tinuturing kong kaibigan. Walang tumayo para sa'kin..."

"Mali ka."

Napahinto siya, "Sa kabila ng lahat, may isang tao pa rin ang laging nandyan para sa'yo. Si Baldo." Ramdam ko na tumingin siya sa'kin,  ,"ginagawa niya ang lahat para sa'yo, pero masyado ka kasing naging bulag. Kaya wag ka sa'king magpasalamat, kundi sa kanya."

"Hoy, narinig ko yung pangalan ko." biglang sumulpot si Baldo mula sa kung saan, nagulat siya nang makita na katabi ko si Sabina, "Lexi..."

"Oh, pano, Baldo, ikaw na bahala dyan," tumayo ako tapos siya yung pinaupo ko sa pwesto ko.

"A-ano Jill?"

Tinapik ko siya sa balikayt tsaka ko ngumiti at umalis sa pwesto nila, silang dalawa ang dapat na may pag-usapan. Pupunta sana ko sa pwesto nila Penelope pero bigla siyang humarang sa dadaanan ko.

"Masaya ka ba?"

Matangkad si Ireneo kaya hindi ko siya tiningala, pero mukhang ayaw niya kong palampasin dahil sa mga nangyari kanina. Narinig at nakita naman siguro niya kanina yung mga pinagsasabi sa'kin ng mga iba naming kaklase sa'kin.

"Baka nakakalimutan mo yung mga nangyari noon, Morie."

"Tumigil ka na, James." May pumagitna sa'ming dalawa, napatingala na 'ko, si Morris.

"Woa, look who's here." Ireneo laughed, "Hey, Tamaki! Your best pal is here, the best pal who betray..."

"SHUT UP! WALA KANG ALAM JAMES!" pumuno ang sigaw ni Morris sa loob ng buong silid, lahat nakatingin sa'ming tatlo. Alam ko na patutunguhan ng usapan na 'to kaya hinawakan ko sa braso si Morris para awatin siya

"Morris, please."

"Men, wag mo na patulan yung kabaliwan niyan." Lumapit na rin  pala si Tadeo para awatin si Morris, "tara na men." Hinila niya na palayo si  Morris habang naiwan kaming dalawa ni Ireneo, magkaharap sa isa't isa. Hindi niya na suot yung salamin niya, tumilapon ata matapos siyang sugurin ni Tamaki kanina.

"Bakit hindi ka makatingin ng diretso sa mata ko, Morie." Nang-aasar na sabi niya nang maiwan kaming dalawa na magkaharap.

"Wag mong sukatin ang pasensya ko, James."

"Now, you're calling me James." He started to walk around me, "Baka nakakalimutan niyo yung nangyari that this girl made her best friend to suicide." Tiningnan ko sila, natahimik at nakayuko. Mas lalong humihigpit ang pagkuyom ng dalawa kong palad. Haharapin at sasagutin ko na sana siya nang bigla ulit lumiwanag ang screen at ipinakita si Miss Karen. Nabaling tuloy ang lahat ng atensyon sa screen dahil kapansin-pansin ang kakaibang ngiti niya sa'min.

"We're finally at the last part of this game, but before we begin, let's have a recap." Para siyang nagho-host ng isang tv show, or let's say para talagang tv show dahil biglang nagflash sa screen yung mga nangyari kanina, at katulad nga ng mga nasa tv program, nagnanarrate siya habang ipinapakita yung mga video clips, "Six pm, when we started the game, all of you took the exam and Ireneo got the highest score while Morie got the lowest.  Namili ang buong klase sa pagitan nilang dalawa kung sino ang ililigtas, team one have twenty-nine members while team two have only nine. In the end, team one got here first but due to their defiance over the rule, team two won. Team two continued the game by crossing over the 'spider-web', fortunately, Mariah and Morie was the first pair to complete the task.  The fourth round between Morie and Mariah was a puzzle question, the latter correctly answered and she finally came here for the final round of this survival game."

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon