35.

1.7K 69 6
                                    

Sa paglipas ng mga buwan lalong lumalala yung lagay ni daddy, lalo na siyang nanghihina at kitang-kita na sa itsura niya yung epekto ng medications na ginawa nung mga nakaraan. Sabi ng doktor hindi na raw umeepekto yung gamot kaya mas mabuting itigil na raw, napagdesisyunan din na magstay na sa ospital si daddy para hindi na siya mahirapan.

Dumiretso ako sa ospital pagkagaling ko sa office. Nadatnan kong tulog si daddy. Lumapit ako at umupo sa gilid ng kama niya.

"Daddy, nandito na ako. Nakakapagod sa office ang dami kong inasikasong papers kanina tapos may mga meeting pa ako. Dad, magpalakas ka na a, para tulungan mo ako sa office, hindi ko pa kasi kaya e." tuluyan nang tumulo yung luhang kanina ko pa pinipigilan."Hindi ko pa kaya... at alam ko na kahit kailan hindi ko kakayanin  na wala ka. Kaya please... lumaban ka a... lumaban ka... Daddy..."

Dahan-dahang dumilat yung mga mata niya. "Lei... bakit ka umiiyak?"

Pinunasan ko yung luha sa pisngi ko at pinilit ngumiti. "Wala po. Basta dad, magpagaling ka."

"Alam mo nagkita kami kanina ng Peter Pan mo." nagulat ako sa pag-iiba niya ng usapan.

"Dad, wag na muna natin pag-usapan yan."

"Ang bait-bait niya talagang bata. Bagay na bagay kayo. Kinantahan pa nga niya ako kanina, ang ganda ng boses niya. Dapat maging kayo nang dalawa."

"Lumabas ba kayo kanina?"

"Sinamahan akong lumabas ni Peter Pan. Ehem ehem. Namasyal kami sa may garden, hindi na rin kasi ako nakakalanghap ng fresh air. Ehem ehem." nauubo na siya kakasalita.

"Tama na dad. Magpahinga ka na muna. Bukas na ulit tayo magkwentuhan."

"Alam mo ba nakita ko rin kanina yung mommy mo."

"Dad..."

"Wala pa ring nagbago. Ganun pa rin siya kaganda, ganun pa rin yung epekto niya sakin. Ang ganda ng ngiti niya sa akin kanina."

Nagsimula na namang tumulo yung luha ko, ngayon may kasama ng hikbi.

"Alam mo ba, Lei matagal ko nang hinihintay tong pagkakataong to, yung makasama si Laureen. At sobrang saya ko kasi malapit ko na siyang makasama..."

Lalong lumakas yung pag-iyak ko. Para na akong batang pinapagalitan ng nanay. "D-Dad... ayaw pa kitang paalisin e... p-pero... p-pero mukhang gustong-gusto mo nang makasama si mommy..."

"Miss na miss ko na siya, Lei. At tsaka kampante na akong iiwan ka kasi nakita ko na yung mag-aalaga sayo..."

"P-Pero daddy ayaw mo ba na dalawa kayong mag-aalaga sakin... ayaw mo bang makita na kasama ko na si Peter Pan..."

"Makikita ko pa rin naman yun e... makikita namin ng mommy mo. Babantayan ka namin, mula sa malayo, hindi ka namin papabayaan, hindi kami mawawala."

"Daddy..." niyakap ko siya ng sobrang higpit habang humahagulgol. "Daddy... aalis ka na ba talaga?"

"Yes, baby. Napapagod na si daddy e."

"Sige na daddy... magpahinga ka na... pwede na kayong magsama ni mommy... daddy promise me na lagi lang kayo sa tabi ko a... I love you daddy... I love you so much..." kasabay nun ang pagdiretso ng guhit sa machine. Wala na siya. Umalis na siya. Biglang lumakas yung hangin. Si mommy, nandito siya. Yakap-yakap niya ako. Gumaan yung pakiramdam ko, parang ang saya ng puso ko, kasi dama ko na kumpleto kami ngayon. For the first time naramdaman ko yung yakap ng nanay at tatay.

who will be tinkerbell's peter pan? :: exo [complete]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz