12.

3K 77 1
                                    

Nasa sasakyan na kami pabalik sa Manila. Tulog silang lahat, maliban samin ni Joonmyun na nagdadrive. Isa-isa kong tiningnan lahat ng nasa loob ng sasakyan na to. Una si Rea na nakaupo sa passenger's seat, masaya ako para sa kanya kasi okay na sila ni Joonmyun, kahit na ngayon lang kami nagkakilala napalapit na din ako sa kanya kasi malaki yung tiwala niya sakin, masasabi ko na may tiwala siya sakin kasi nagshare siya ng personal na bagay tungkol sa kanya. Pangalawa kong tiningnan si Kyungsoo at Yannie magkatabi, nabanggit ni Yannie na nagaaway nga sila ni Kyungsoo pero hindi naman niya nabanggit sakin kung bakit, hindi pa rin kami nakakapag-usap ni Kyungsoo tungkol dun. Sumunod kong tiningnan si Baekhyun, hindi ko alam kung bakit ayaw ko sa kanya, basta hindi ko gusto yung aura niya. Sunod si Sehun, aww miss ko na Sehunnie ko, simula nung naging kami ni Yeollie hindi ko na nakakabonding si Sehunnie, pati si Kyungsoo di ko na rin nakakabonding. I think kailangan ko nang ibalance yung time ko between Yeol, Kyungsoo, Sehun at yung mga iba pang bagay. Last kong tiningnan ko si Yeollie, napangiti ako nung makita yung peaceful niya mukha yabang tulog. Ang swerte ko sa kanya, sobra, ang swerte ko kasi lagi siyang nandyan para sakin, lagi niya akong pinapasaya, siya ang happy virus ko, kaya kung malungkot siya malungkot din ako kaya hinding-hindi ko hahayaang malungkot ang Peter Pan ko.

Sehun's POV

Nasa byahe pa rin kami nung magising ako. Lahat sila tulog, unang napuntahan ng tingin ko si Lei, namimiss ko na si Lei, hindi na kami nakakapagbonding. Nagseselos na nga ako kay Chanyeol kasi sila yung laging magkasama at magkausap. Sa totoo lang crush ko si Lei, matagal na, siya nga yung ideal girl ko eh, kung magkakagirlfriend ako gusto ko katulad ni Lei o mas maganda kung siya mismo. Kaya lang alam ko naman na mafefriendzone lang ako pag umamin ako, bakit ba kasi naging magbestfriend pa kami, ang hirap tuloy umamin sa kanya. Pero kung sa bagay ayos na rin na magkaibigan lang kami kasi kahit kailan hindi kami magbebreak, ang pagiging kaibigan nga raw ang pinakasafe na paraan para mapalapit ka sa taong mahal mo.

Yannie's POV

Nandito kami ni Kyungsoo sa tapat ng bahay namin, hinatid niya ako. Pero ang cold pa rin namin sa isa't-isa. Nagsimula tong away namin nung napansin ko na parang ang overprotective niya kay Lei sa tuwing magkasama si Lei at Chanyeol. Pinagsabihan ko siya na wag masyadong OA tapos ayun nagalit siya sakin, sabi ni pa nga niya na ginagawa niya yung kasi ayaw niyang mapahamak yung kapatid niya, pero sa tingin ko OA lang talaga siya, para kasing pinapalabas niya na walang gagawin mabuti si Chanyeol kay Lei. Tapos ayun hindi na ako kinausap ni Kyungsoo mula nun, pag kinakausap ko naman siya ang cold niya sakin.

Paalis na siya nung magsalita ako. "Wala ka bang balak ayusin to?"

Humarap siya sakin na blangko ang mukha. "Tsaka na kapag tanggap mo na ang pagiging protective brother ko."

"Ghad!! Kyungsoo!! Alam mo ang non sense ng away na to! Ang unreasonable ng mga dahilan mo! Tsaka bakit ba kung makaasta ka sa relasyon ni Lei at Chanyeol akala mo hindi mo kaibigan yung boyfriend ng kaibigan mo! Kyungsoo kaibigan mo si Chanyeol, magtiwala ka na aalagaan niya yung kapatid mo. Bakit ka ba nagkakaganyan?"

"Hindi mo kasi ako naiintindihan, Yannie."

"Ayaw mo kasing ipaintindi sakin! May problema ka ba? May problema ba tayo? Sabihin mo kung meron para naman maayos natin hindi yung ganyan ka!"

"Kahit ipaintindi ko sayo hindi mo maiintindihan. Kahit kailan hindi mo maiintindihan yung dahilan kung bakit ako nagkakaganito." sabi niya tsaka umalis.

Ghad Do Kyungsoo!! Ano bang nangyayari sayo?! Ano bang nangyayari satin?! Hindi naman tayo ganito dati ah! Okay naman tayo bago tayo pumunta sa beach house nila Chanyeol. May nangyari bang hindi ko alam? May nangyari ba sayo na hindi mo sinasabi sakin? Sabihin mo naman para maayos natin kasi hindi ko kaya na ganito tayo, hindi ko kaya na matagal tayong magkagalit.

One week na. One week na kaming hindi nag-uusap ni Kyungsoo, ni hindi man lang niya ako tinetext o tinatawag, kahit isang paramdam wala. Ano? Kailangan ba na ako na yung unang mag-approach , ako na ba dapat yung magbaba ng pride? Hindi ko pa rin alam kung bakit siya nagkakaganun. Simula nung umuwi kami galing sa beach house nila Chanyeol iniisip ko na kung may nagawa ba akong hindi nagustuhan ni Kyungsoo, kung may kasalanan ba ako sa kanya na hindi ko lang matandaan, pero wala talaga akong maisip eh.

Lei's POV

May date kami ngayon ni Sehunnie! Excited na ako! Nagpaalam ako kay Yeollie na lalabas kami ni Sehunnie kasi miss na miss ko na yung bestfriend ko, buti pumayag siya. Saan kaya kami pwedeng pumunta? Sabi sakin ni Sehun pupuntahan daw niya ako sa room ko after ng class ko, buti nga pareho kami ng sched kaya hindi hussle, siya na rin daw ang bahala kung saan kami pupunta. Saan kaya? Hindi na tuloy ako nakikinig sa prof ko dahil sa sobrang excitement hehehehe. Ang tagal pa nga magdismiss eh, may 2 hours pa, samantalang parang kanina pa siya turo ng turo. Nung natapos yung period, lumabas agad ako ng room, nakita ko na nag-aabang si Sehun sa malapit.

Tumakbo ako papunta sa kanya. "Saan tayo pupunta, Sehunnie?"

"Hindi ko rin alam eh." Tinawanan niya ako.

"Akala ko ba ikaw ang bahala kung saan tayo pupunta."

"Huh? Sinabi ko ba yun?" Nakangiti pa rin siya.

"Oo kaya! Kainis naman to akala ko pa naman may pupuntahan na tayo."

Inakbayan niya ako. "Ito naman nagtampo agad. Ito na po mag-iisip na ako ng magandang puntahan."

Ewan ko kung pinag-isipan niya kung saan kami pupunta linear park ng school, maganda naman sa linear park peaceful, tahimik, sarap tambayan pag gusto mo ng katahimikan, tapos malapit pa sa manmade lake kaya maganda talagang tambayan.
"Wow Sehunnie! Halatang pinag-isipan mo kung saan tayo magdedate ah hahahahah."

"Huh? Date?"  muka siyang ewan na nagulat sa sinabi ko. Ano naman kayang nakakagulat dun?

"Oo date nating dalawa to. Miss na miss na kaya kita." tapos niyakap ko siya, yung yakap naglalambing.

"Ah eh oo nga. Namiss mo ba talaga ako? Mukhang hindi naman eh."

"Oo naman noh! Yieeee nagseselos Sehunnie ko! Hahahaha." Niyakap ko pa siya ng mas mahigpit tapos kinurot ko yung pisngi niya.

"Arrkkkkk!! Bitaw Lei hindi ako makahinga!"

"Heheheh. Okay." linuwagan ko yung pagkakayakap niya. "I love you Sehunnieeeeeee!!"

"Tss." bigla siya umalis sa pagkakayakap ko tapos umalis.

Anong nangyari dun?

who will be tinkerbell's peter pan? :: exo [complete]Where stories live. Discover now