6.

3.6K 100 12
                                    

Sa isang araw birthday na ni Channy, ngayon na rin kami babyahe papunta sa beach house nila. Sama-sama kami sa van, si Joonmyun yung driver since 18 naman na siya at siya lang yung may license saming lahat. Si Rea naman yung nakaupo sa passenger's seat, katabi ni Joonmyun. Hindi nga maipinta yung mukha niya eh, mukhang ayaw niyang katabi si Joonmyun.

"Bakit ganyan itsura mo, Rea?" napansin siguro ni Joonmyun yung itsura ni Rea.

"Wag mo akong kausapin!" sinimangutan lang ni Rea si Joonmyun at humarap sa likod, sa pwesto nila Sehun. "Pwede ba akong tumabi sa inyo?"

"Dyan ka lang Rea!! Kita mo nang puno na kila Sehun eh!" sigaw ni Yannie na nakaupo sa last row katabi ni Kyungsoo.

Sumimangot ulit si Rea at humarap na lang sa bintana sa tabi niya.

Sa second row naman si Sehun at Baekhyun, kung tutuusin kasya pa ang dalawa sa isang row eh, pero si Sehunnie nilgay lahat ng gamit niya sa gitna nila ni Baekhyun.

"Sehunnie!!" tawag ni Baek in his or let me say her malandi tone.

"Wag mo nga akong tawaging Sehunnie!" poker face lang si Sehun. Sinalpak niya yung earphone niya sa tainga niya.

"Eh bakit si Lei Sehunnie tawag sayo? Channy oh! Pagsabihan mo nga tong kaibigan mo! Ang mean sakin." itsura ni Baek mukhang baklang nagtatantrums. Hahahah nakakatawa siya, maitsura sana to eh kung hindi lang bakla, kaya lang bakla talaga eh, dinaig pa ako maglagay ng eyeliner.

Tawa lang si Channy sa kanya eh. "Wag mo kasi siyang tawaging Sehunnie, si Lei lang pwede kasi magbestfriend sila. At wag mo rin akong tawaging Channy at Yeollie, girlfriend ko lang pwedeng tumawag nun sakin." sabi ni Channy sabay akbay sakin.

"Huhuhuhu bakit ang mean nyo! Bakit si Lei lang ang pwedeng magbigay ng nickname?"

"Arte mo, Baek." sabi ni Channy na tumatawa pa rin.

Dito kami nakaupo sa last row, ako sa may left window side, sa tabi ko si Channy na nakaakbay sakin at kanina pa pinaglalaruan yung buhok ko. Unti-unti naman na akong nasasanay sa KAMI as magboyfriend-girlfriend. Sa tabi ni Yeollie si Kyungsoo, sa tabi ni Kyungsoo si Yannie.

"Ano regalo mo sakin, honey?" tanong sakin ni Chanyeol habang nakaakbay siya sakin at pinaglalaruan yung kamay ko.

"Wag mo sabi akong tawaging honey eeeeh! Ang corny kaya!"

"Eh ano bang itatawag ko sayo?"

"Uhmmm... wag na tayong gumamit ng endearment."

Sumimangot at nagpout naman siya. "Huh? Bakit? Sweet nga yung ganun eh."

"Alam ko na!! Tatanungin ko si daddy kung anong tawagan nila ni mommy nun tapos yun na rin yung atin!!" Tapos dinial ko yung number ni daddy. "Hello dad!'

(Hello, baby. How's the trip?)

"We're on our way pa rin po. Uhm dad, can I ask something?"

(Sure. What is it?)

"Ano pong endearment nyo noon ni mommy?"

(Haha. Why are you asking?)

"Si Yeollie kasi tinatawag po akong honey, eh ayaw ko nga nun."

(Haha. Ibigay mo sa kanya yung phone, kakausapin ko)

who will be tinkerbell's peter pan? :: exo [complete]Where stories live. Discover now