25. (KYUNGSOO SPECIAL CHAPTER)

2.4K 73 4
                                    

a/n: ito naman yung nangyari kay kyungsoo nung umalis siya.

KYUNGSOO'S POV
Kalimutan ang nararamdaman para kay Lei. Yan ang dahilan kung bakit ako nandito, kung bakit ako lumayo. Alam ko namang mali tong nararamdaman ko kaya habang maaga pa dapat pigilan ko na.

*SCREEEEEEEECH*

Buti nakaalis ako bago pa tuluyang bumangga sakin yung kotse.

Bumaba sa kotse yung babaeng nagdadrive. "Hey! What's your problem?!" sigaw niya sakin.

"Kalma. Sorry." aalis na dapat ako pero sinigawan niya ulit ako.

"Tapos iiwan mo na lang ako basta dito?!"

Humarap ako sa kanya. "Eh ano bang gagawin ko? Hindi ka naman na-ano ah."

"Hindi mo ba alam na muntik na akong mamatay sa nerbyos dito?!" sigaw na naman niya. Maganda sana tong babae eh, kaso bakit kailangan sigaw ng sigaw.

"OA mo. Dyan ka na nga." aalis na ulit na dapat ako kaso pinigilan niya ulit ako, this time hindi na sigaw, hinawakan niya ako braso.

"Can I ask a favor?" biglang bait.

Baliw ba to? Kanina lang makasigaw tapos ngayon agad ng favor, ni hindi nga kami close.

"Hindi nga kita kilala tapos bigla kang nanghihingi ng favor."

"Eeeh kasi~~ Sige na please. Babayaran na lang kita."

"Hindi ko kailangan ng pera."

"Sige na please~~" tapos nagpacute siya sa harap ko. Kaumay.

"Hindi ka ba miyembro ng sindikato? Mamaya modus nyo to."

"HAHAHAHAHAHAHA. Mukha ba akong myembro ng sindikato? HAHAHAHAHA ang hard nun ah. Don't worry matino ako." ngayon naman grabe makatawa. Baliw nga yata to.

"Ano bang kailangan mo?"

"Fiance."

"O tapos?"

"Magpapanggap ka na fiance ko."

Muntik na akong masamid sa sinabi niya. "Ano to pelikula?!"

"Seryoso kasi ako~~"

"Bakit ba kasi kailangan ko magpanggap?"

"Si daddy kasi eh! Ibibigay daw niya sa anak niya sa labas yung mana kapag wala pa akong nadalang fiance sa bahay."

"Ay hindi ako pwede. 17 pa lang ako." tanggi ko.

"16 pa lang ako. Boyfriend nga ang hirap hanapin eh, fiance pa kaya."

Pwede na tong pagkakaabalahan habang nagmo-move on. "Deal."

"Deal. I'm Tach nga pala, ang you are?" tapos nag-kamay kami.

"Kyungsoo."

"Okay! Pero may mga rules na kailangang sundin."

"Bawal mainlove? Oo alam ko na yan, tsaka may mahal na ako." Fck. Magmo-move on na nga ako diba? Bakit si Lei pa rin naiisip ko.

"Mabuti na yung nagkakaintindihan. Let's go, ipapakilala na kita kay daddy." Tinulak niya ako papasok ng kotse niya. "Dahil fiance na kita, dapat gentleman ka kaya ipag-drive mo ako."

who will be tinkerbell's peter pan? :: exo [complete]Where stories live. Discover now