13.

2.8K 80 22
                                    

Sehun's POV

Bakit dati pag sinasabihan niya ako ng I love you okay lang sakin? Naga-I love you too pa nga ako eh, bakit ngayon nasasaktan ako? Diba nga dapat maging masaya ako na sinasabihan ako ng taong mahal ko ng I love you.

Iniwan ko si Lei dun sa linear park, pero binalikan ko rin naman agad siya, wala eh hindi ko matiis.

"Bakit mo ako iniwan Sehunnieeee?!" sigaw niya ning makita akong naglalakad papunta sa kanya.

"Ah wala. Nag-cr lang ako." ngumiti ako at tinabihan siya.

"Akala ko nagalit ka sakin eh." nagpout siya.

Ngumiti ulit ako at inakbayan siya. "Bakit naman ako magagalit sayo?"

"Wala, naisip ko lang na baka galit ka."

"Hinding-hindi mangyayari yun." Hinila ko siya papunta sa cafeteria.

"Bakit mo ako dinala dito?"

"Bibili tayo ng bubble tea."

"Eh? Bubble tea na naman? Hindi ka ba nagsasawa?"

"Pag nagsawa ako sa bubble tea, parang sinabi ko na rin na kaya kitang kalimutan."

"Yieeeee! Ang sweet ng Sehunnie ko. Tara bili ka na ng bubble tea, libre mo ako ah."

Bumili ako ng dalawang bubble tea para saming dalawa, bumalik din kami sa linear park nung makabili kami.

"Ang sarap talaga ng bubble tea!! Ilang beses ko nang sinabi na nagsasawa na ako dito pero everytime na umiinom ako binabawi ko rin yung sinasabi ko." parang ang saya-saya ni Lei habang umiinom.

Pinapanood ko lang siya habang umiinom ako ng bubble tea. I love you more than I love this buuble tea.

"Sehunnie, miss na miss na kita. Bihira na lang tayo makapagbonding ng ganito."

Kasi hindi mo na ako kailangan.

"Kaya nga naisip ko na ibalance yung time ko kay Yeollie at sa iba pang mga bagay eh, katulad ng pakikipagbonding sa inyo ni Kyungsoo."

Buti naisip mo yan.

"Huy! Bakit hindi ka sumasagot?" pinalo niya ako sa braso.

"Hindi ka naman nagtatanong ah."

(play youtube video -->)

"Amp ka naman. Malapit na pala Christmas ah, anong plano nyo nila tita?'

"Hindi ko pa alam eh."

"Simbang gabi na din mamaya. Simba tayo nila Kyungsoo, just like the old times."

"Game ako diyan." kinukumpleto kasi naming 4 nila Kyungsoo yung simbang gabi taun-taon. At ang wish ko taun-taon, happiness para saming apat. Si Lei at Chanyeol mukhang nakuha na yung happiness, si Kyungsoo mukhang nakuha na din naman, ako kaya kailan?

Naalala ko pa nung mga bata kami, nangangaroling kami sa mga bahay-bahay, may dala ka pa ngang maliit na bag noon lagayan daw ng pera natin, tapos pag tapos natin mangaroling inuubos natin yung pera pambili ng mga candy at kung anu-ano pa. Pag noche buena naman, nagkikita tayong apat sa may park bago mag alas dose at nagpapalitan ng regalo, tuwang-tuwa ka pa nga pag diary na may lock yung nakukuha mo, ewan ko ba kung bakit tuwang-tuwa ka pa rin kahit taun-taon ganun yung natatanggap mo. Nagkakantahan pa tayo nun sa may park habang hinihintay mag alas dose, pag nagalas dose unahan tayong nagtatakbuhan pabalik sa mga bahay natin, lagi ka ngang nahuhuli nun kaya binabagalan ko yung takbo ko. Tapos pag pasko na sabay-sabay nagsisimba yung mga pamilya natin, sabay-sabay tayong kumakain pagkatapos ng misa. Ang saya-saya natin nun. Ngayong taon kaya magiging ganun pa rin kasaya pagkatapos ng mga nangyari? Una, hindi pala kayo tunay na magkaptid ni Kyungsoo, pangalawa, naging kayo ni Chanyeol.

Kyungsoo's POV

Mag-isa lang ako dito sa condo ko ngayon. Hindi pa rin kami nakakapag-usap ni Yannie, at hindi ko alam kung kailan kami makakapag-usap ng maayos at magkakabati.

Simbang gabi na pala mamaya, magsisimba pa rin ba kaming apat nila Lei mamaya? Syempre maraming nangyari ngayong taon kaya posibleng hindi na, posible rin mag-iba na ngayong pasko, hindi na katulad nung ginagawa naming apat taun-taon. Magiging masaya pa rin kaya?

~Dati rati ay palagi nating inaabangan
Pag malapit nang sumapit araw ng kapaskuhan
Naalala ko pa yung regalo mo na Nintendo
Kay sarap namang mabalikan ang ating kwento

Lagi lagi ka sa aming dumiderecho paguwi
Doon na rin nakikitulog recta ng simbang gabi
Tapos mayroong bibingkang libre sa isa't-isa
Kay sarap namang mabalikan ang alaala

Ikaw ang kasama buhat noon
Ikaw ang pangarap hanggang ngayon

Diba't ikaw nga yung reynang unang bumabati
Ng isang 'maligayang pasko' sayo lagi
Kahit ngayo'y marami ng nabago't nangyari
Sana paskong darating ay gaya pa rin ng
Dara-rat-da dati
Dara-rat-da dati
Dara-rat-da dati
Ay gaya pa rin ng

Dati rati palaging sabay mag noche buena
At sabay mananabik pag nag alas onse y medya
Sabay mag-aabang kung darating nga si Santa
Oh kay sarap namang mabalikan ang alaala

Diba't ikaw nga yumg reynang unang bumabati
Ng isang 'maligayang pasko' sayo lagi
Kahit ngayo'y marami ng nabago't nangyari
Sana paskong darating ay gaya pa rin ng

Dati rati nangangarap mangaroling kasama'ng mga bata
Gamit gamit mga tansan, kutsara't tambol na lata
Kakatok sa kabahayan kahit kakaba-kaba
Sapagkat kakanta na ng kantang fa-la-la-la-la
Naaala mo pa ba nang ikaw ang naging monita
Regalo ko sayong notebook na Marvin at Jolina
Ang sarap sigurong balikan ng mga alaala
Lalu na kung magkayakap mga bata't magkasama at

Parang puno't tala lagi tayong magkasama
Para kang regalo na sa akin ay biyaya
Pag kapiling ka tila pasko'y laging maaga
Sana mabalik pang dati nating pagsasama

Diba't ikaw nga yumg reynang unang bumabati
Ng isang 'maligayang pasko' sayo lagi
Kahit ngayong malayo ka't wala saking piling
Ang tangi kong hiling di mabago ang damdamin
Sana'y paskong darating ay gaya pa rin ng
Dara-rat-da dati
Dara-rat-da dati
Dara-rat-da dati
Ay gaya pa rin ng
Dara-rat-da dati
Na gaya pa rin ng
Ng dati~

*BZZT BZZT*

1 new message

FROM: Lei

Kyungieeee!! Simba tayo mamaya! :)))))

Naexcite ako bigla sa text niya.

And now I realize, I'm in love with my sister. I love Lei.

who will be tinkerbell's peter pan? :: exo [complete]Where stories live. Discover now