23.

2.4K 71 19
                                    

Compose message

TO: Kevin Wu
Thank you for the advice. Pwede mo ba akong samahan?

sent

FROM: Kevin Wu
No prob. Where r u?

TO: Kevin Wu
Linear park.

Wala pang 10 minutes nasa linear park na siya.

"Umiyak ka ba?" tanong niya pagdating na pagdating niya.

"Konti lang."

Umupo siya sa tabi ko. "Bakit ka umiyak?"

"I realized everything, I was so selfish and I also realized na pwede naman akong maging masaya kahit wala akong boyfriend, as long as I have my dad and Sehun, my bestfriend."

"Good. At least narealize mo na yung mali mo."

"And thanks to you." then I smiled at him. "Hindi pa pala kita napapakilala kay dad. Sama ka sa bahay."

"Sure." he smiled back.

"Si Sehun lang kasi ang alam nung kaibigan ko. At least ngayon dalawa na kayo."

"Wala ka bang ibang kaibigan? Mga girls?"

"Wala eh. Daddy's girl ako, yung kapatid kong lalaki, si Sehun at yung ex ko lang ang kasama ko mula pagkabata kaya hindi ako nasanay na may babaeng kaibigan. Ikaw, kwentuhan mo naman ako." naglalakad na kami papunta sa sakayan ng taxi.

"My dad was ex-convict kaya walang gustong makipagkaibigan sakin noon hanggang ngayon."

Nagulat ako sa sinabi niya. Ex convict ang tatay niya?  Sorry for my word pero mukha naman siyang mabuting tao, hindi halatang ganun yung tatay niya. But, anyway I don't care.

"So you're judging me." bigla niyang sabi.

"Sorry." napayuko naman ako kasi naguilty ako. Sumakay na kami sa taxi papuntang bahay.

"It's okay sanay na ako."

"I'm sorry, but I actually don't care if your dad was ex-convict. So tell me, anong kaso niya?"

"Rape."

"Oh." another mind blowing information.

"Let's not talk about it."

"Sorry for asking."

"So, after ng nalaman mo, gusto mo pa rin ba akong kaibigan?"

"Oo naman. Nagulat lang ako pero wala namang nagbago."

Maya-maya nakarating na kami sa bahay. Sigurado nandun na yun si daddy.

"Dad! I'm here!" sigaw ko nung makapasok na kami.

Lumabas si daddy mula sa kwarto niya. "Hi baby! Sino yang kasama mo?" bumaba siya sa sala.

"Kevin I want you to meet my dad. Dad, this is Kevin Wu classmate ko sa creative writing."

"Good afternoon sir."

"Kevin Wu? Are you related to Kris Wu?"

"Yes, he's my dad." kilala ni daddy yung daddy ni Kevin?

Biglang nag-iba yung expression ni daddy. "Oh. Maiwan ko na kayo. And Lei, let's talk later, okay?" tapos bumalik na si dad sa kwarto niya.

"Mukhang hindi ako gusto ng daddy mo." sabi ni Kevin nung makaalis si dad.

"Baka pagod lang yun. Mabait naman yun si daddy."

Kwentuhan at foodtrip lang kami ni Kevin tapos nung medyo naggagabi na umuwi na rin siya. Umakyat agad ako sa kwarto ni daddy nung makaalis si Kevin.

"Dad, ano pong paguusapan natin?" umupo ako sa kama ni daddy.

"Si Kevin..."

"What about him?"

"Anak siya ng nang-rape sa mommy mo..."

Si mommy narape? Kailan? Hindi nakwento sakin to ni daddy ah. "W-What?"

"Yes. She was raped."

"What happened? Tell me, dad." gulat na gulat yung buong pagkatao ko sa nalaman ko.

Kinwento ni daddy lahat, mula sa kung paano sila nagkakilala ni mommy, every single detail sinasabi niya, hanggang sa mamatay si mommy. At nalaman ko na mom was raped at isa dun si Kris Wu, yung daddy ni Kevin. Lalo akong nashock after magkwento ni daddy. I didn't expect na ganun yung nangyari sa kanila. They've been through a lot of problem but still they didn't got the chance to have a happy ending. The happy ending of living forever and dying together.
Lumabas ako at pumunta sa kwarto ko nang tulala, humiga sa kama at tumitig sa kisame. Punong-puno na yung utak ko. Hindi ko na alam kung ano yung dapat kung isipin. Bakit kailangang may mangyari sa boyfriend ko at sa kaibigan niyang bakla at pagkatapos ay iwan ako? Bakit kailangang mainlove sakin yung kinilala kong kapatid for 17 years? Bakit ang gago at ang selfish ko at kailangan ko pang iwan sa ere yung bestfriend ko na walang ibang ginawa kundi mahalin ako? At bakit yung bago ko pang kaibigan ang anak ng rapist ng mommy ko? Akala ko personal  na buhay ko lang ang may ganito ka-weird na problema, pero bakit pati pamilya ko meron? Bakit kailangang marape at mamatay ni mommy? Bakit kailangang maiwan at malungkot, at panindigan ni daddy yung batang hindi naman niya anak? Ang daming tanong na hindi masagot, problemang hindi masolusyunan. Ang tagal nang gumugulo ng mga bagay na to sa isip ko, hindi ko na lang iniintindi, pinipilit kong magpaka-optimistic, pero habang tumatagal nadadagdagan ng nadadagdagan, pakiramdam ko punong-puno na ako sa mga nangyayaring to. 

Nakatitig lang ako sa kisame until I fell asleep.

CHANYEOL'S POV

I came back. Para kay Lei. Gusto ko na magkaayos na kami, kung kakayanin ko ibabalik ko yung dating kami, miss na miss ko na siya. Hindi ko pa tuluyang naayos yung sarili ko, kasi alam ko na hindi ko tuluyang maaayos to kung tatakbuhan ko lang yung problema. And if Lei will give another chance, I'll be the luckiest guy, at hindi ko hahayaang masayang yung binigay niyang chance. Gusto kong bumalik sakin si Lei. Mahal na mahal ko pa rin siya, hindi naman nagbago yun eh. I'm ready to face my Wendy again, I'm ready to go to Neverland with her. At sana Hindi pa ako huli, sana wala pa siyang bagong Peter Pan.

KYUNGSOO's POV

Sinubukan kong lumayo, nagbabakasakaling makakalimutan ko yung nararamdaman ko para sa kanya, pero mali ako. Lalo ko siyang namimiss, lalong nagiging malinaw sakin na mahal ko siya nung mga time na malayo kami sa isa't-isa at nung mga time na hindi ko siya nakikita. And now, bumalik na ako, ready na akong panindigan yung nararamdaman ko para sa kanya. Gusto ko na sana sa pagbalik kong to matanggap na niya ako hindi bilang Kyungsoo na kapatid niya, kundi yung Kyungsoo na nagmamahal sa kanya. Sana lang kaya niyang tanggapin yung nararamdaman ko para sa kanya.

SEHUN'S POV

Dapat na ba akong sumuko? Dapat ko na bang tigilan yung pag-asa na mamahalin din niya ako? Dapat ko bang tanggapin na hanggang kaibigan na lang ako? O dapat pa rin akong lumaban, dapat ko pa ring ipaglaban yung nararamdaman ko? Mahal ko si Lei, gusto ko siyang maging masaya, pero hindi ko alam kung paano ko siya mapapasaya, ni hindi ko nga alam kung anong magpapasaya sa kanya. I want to find to find TinkerLei's happiness, her happiness is also PeterHun's happiness.

who will be tinkerbell's peter pan? :: exo [complete]Where stories live. Discover now