28.

2.1K 68 6
                                    

The next morning, palabas na ako ng gate para pumasok nang bumungad sakin yung mukha nung tatlo, alam niyo na. Si Kyungsoo, Sehun, at Chanyeol.

"Oh anong ginagawa nyo dito?"

"Ang sakit naman nun Lei, Parang ayaw mo na nandito kami." pagdadrama ni Sehun.

"Drama mo hahahaha. Ano ngang ginagawa yo dito?"

Inakbayan ako ni Kyungsoo. "We will bring back the old time."

"Miss na miss ka na kasi namin, Lei." Umakbay sa kabila ko si Chanyeol.

"So ako alone dito? Wala akong kaakbay?" entrada ni Sehun.

"Arte mo tss." sabi ni Kyungsoo tapos tinanggal yung pagkakaakbay sa akin.

"Papasok na rin ba kayo?"

"Yep. Imemeet namin yung Peter Pan mo?" Chanyeol.

Huh? Peter Pan ko? Paano nila nalaman yung Peter Pan thing ko? Nakita ba nila yung checklist ko? Sht! Ang careless mo, Lei! Nakakahiya kung nakita nga nila yun.

"Gwapo ba yun, Sehun?" tanong ni Kyungsoo.

"Mas pogi pa ako eh."

"Napakapanget naman nun kung mas pogi ka pa." Chanyeol.

"Oy, sasakay na ako ah. Malelate na kasi ako sa first class ko eh." singit ko.

"Sasakay naman talaga tayo. Tara ayun may cab oh." sabi ni Kyungsoo.

Sumakay na kami sa cab. Nung makarating sa school hinatid nila ako sa room ko.

"Lei, vacant mo ng 1:30 diba?" Sehun.

"Yep, why?"

"Puntahan ka namin mamaya." sabi ni Kyungsoo tsaka sila umalis.

Sana ito na ang simula ng bringing back the old times namin. Masaya ako na bumalik na silang lahat, at mukhang tanggap na nila na hanggang magkapatid at magkakaibigan kami. I smiled at the thought na mababalik na yung dati naming samahan.

"Lei..."

Nabalik ako sa mundo nung may tumawag sa akin. Si Kevin pala. Naalala ko yung pinagsasabi namin kagabi, kaya medyo nahiya ako. "Kevin... Hi."

Nagulat ako nung bigla niya akong yakapin. "I missed you."

"I missed you, too."

"Sorry. Sa ginawa ni daddy sa mommy mo."

"Hindi mo kasalanan ang kasalanan ng daddy mo."

"Pero pinapalayo na ako ng daddy mo sayo."

kumalas ako sa pagkakayakap. "Kakausapin ko nga si daddy. At tsaka hindi naman niya malalaman na nagkikita pa rin tayo dito sa school, and besides magkaklase tayo kaya hinid maiiwasan yun."

He smiled at me. His sweet smile na minsan lang niya pinapakita.

Umupo kami sa likod nung dumating na yung prof namin. And alam na pag sa likod naupo, hindi makikinig.

"Bakit nakangiti ka mag-isa dyan?" tanong ni Kevin.

Naalala ko na naman kasi sila Kyungsoo and bringing back the old time thing. "Masaya lang ako."

"Bakit?"

"Okay na lahat. Wala na akong problema."

"I'm happy for you. Mas maganda ka pag nakangiti, kaysa yung lagi kang umiiyak."

I only gave him a shy smile.

"Anong pakiramdam nang mahalin ka?" tanong niya out of nowhere.

"Huh? Ano?"

"Kailangan ko pa ba talagang ulitin?"

"I actually heard it, hindi ko lang magets kung anong ibig mong sabihin."

"I know you know what I mean, Lei."

I gave up. Hindi ko maiiwasan yung tanong niya. "What it feels to love me? Mahal ko yung sarili ko at masaya ako dun, maybe it feels good."

"I think so. Can I love you?"

Sa huli niyang sinabi ako na-stock. Kahit na nararamdaman ko na na gusto niya yung sabihin kakaiba pa rin nung marinig ko na talaga. Kaya hindi ako nakasagot kaagad.

"I think the answer is no. It's okay, baka hindi ka pa ready."

"Can we take it slowly?"

Biglang nag-lighten yung itsura niya. "So pwede kitang mahalin?"

"Yes. But like what I said, can we take it slowly?"

"Of course."

Natapos yung klase nang wala kaming naintindihan sa lecture.

"Lei!"  sigaw ni Chanyeol nang makalabas ako ng room, kasama ko pa nga si Kevin eh.

Lumapit sakin sina Sehun, Kyungsoo, at Chanyeol.

"Siya yun. Siya yun." bulong ni Sehun kila Kyungsoo at Chanyeol pero rinig ko naman.

"Ikaw si Kevin Wu?" tanong ni Kyungsoo.

"Oo."

"Pwede ba tayong mag-usap?" si Chanyeol naman yung nagsalita. Bakit parang ang seryoso nilang tatlo? Ano bang ginawa ni Kevin sa kanila? Ano namang trip nila?

"Sige." 

Naglakad palayo yung tatlo at sumunod naman si Kevin, susunod na rin dapat ako, pero pinigilan ako ni Sehun. So naupo na lang ako doon, hihintayin ko na lang sila. Ano kayang gagawin nila kay Kevin? Iba pa naman trip sa buhay ng tatlong yun. Habang tumatagal, lalo na akong nag-aalala sa kung anong ginagawa nila. Maya-maya pa ay bumalik na sila. Nauunang maglakad yung tatlo at nasa likod naman nila si Kevin. Nung makita ko si Kevin, mukhang okay naman siya, wala siyang galos sa katawan meaning hindi siya binugbog ng mga to, hindi rin naman mukhang nalugi yung itsura niya, mukha okay naman talaga siya, ako lang yata talaga yung paranoid.

"Anong ginawa niyo?" tanong ko.

"Nag-usap lang kami." sabi ni Chanyeol.

"Hindi nyo siya sinaktan? Anong pinag-usapan niyo?" 

Tinawanan ako ni Sehun at inakbayan ako. "Wag kang paranoid, Lei. Wala kaming ginawa sa Peter Pan mo hahahaha. Tara kain tayo, nagugutom na ako."

"Gutom na rin ako eh. Tara! Tara Kevin." lumapit si Kyungsoo kay Kevin at inakbayan ito. Mukhang okay naman sila, paranoid lang yata talaga ako.

Pumunta kami sa fast food na malapit sa school para doon kumain. Kinantyawan pa nung tatlo siKevin na manlibre, si Kevin naman nagpauto dun sa tatlo. Tahimik lang ako habang pinapanood silang naghaharutan, nakikisali rin paminsan-minsan si Kevin, peron nandun yung pagkailang niya sa tatlo.

"Oh Lei, bakit ang tahimik mo dyan?" tanong ni Sehun.

"Wala lang hahahah. Kumain na lang kayo. Wag nyo na akong pansinin."

"Paano naming hindi papansinin ang Tinker Bell namin." Sabi ni Kyungsoo.

"Che! Tigil-tigilan nyo ako ah."

"Hahahaha umalis na kaya tayo. Baka gusto ni Lei na makapagsarili sila ni Kevin." sabi ni Sehun.

"Hahahah siguro nga. Tara na nga umalis na tayo. Puntahan mo Liana mo Sehun, para naman matuwa sayo yun. At ikaw Chanyeol samahan mo ako papakilala ko sayo kapatid ko, maganda yun." sabi ni Kyungsoo sabay tayo, nagsunuran naman si Sehun at Chanyeol sa kanya kaya naiwan kami ni Kevin.

"Anong sabi sayo nila Kyungsoo?" tanong ko kay Kevin nung makaalis sila.

"I have their blessing. I can be your Peter Pan."

who will be tinkerbell's peter pan? :: exo [complete]Where stories live. Discover now