10.

3K 83 6
                                    

"Yeol, bilisan mo! Ang tagal mo naman magpalit."

"Wait lang, Lei."

"Daleeee! Nandun na sila sa beach."  ang tagal kasi niya magpalit ng swimming trunks. Dinaig pa ako.

"Ito na." bumukas yung pinto at niluwa nito ang boyfriend ko. Oh shizz! Bakit nakatopless siya? Nahiya naman tuloy yung one piece suit ko. Ngayon lang ako na-awkward sa kanya na naka-topless, dati naman naghuhubad na siya sa harap ko pero wala lang sakin eh.

"Hoy mag-shirt ka nga." sabi ko.

"Bakit? Pangit ba?" tiningnan niya yung katawan niya.

"Oo panget! Kaya magshirt ka." in fact ang ganda ng katawan niya. Protective girlfriend lang, mamaya may mga babae na mainlove sa katawan niya at halayin siya or worse bakla ang maakit, katulad ni Baekhyun. Mamaya pag nakita nun yung katawan ni Yeol, rape-in pa niya.

"Hindi naman ah. May abs nga ako eh."

"Ang panget ng hugis ng abs mo."

"Weh? Masyado ka namang possessive ."

"Tsk. Pasalamat ka birthday mo ngayon."

"Regalo ko pala?"

"Akala ko ba nabigay ko na yung regalo ko."

"Sabi ko nga." inakbayan niya ako.

Naglakad na kami papunta sa cottage kung saan sila nagi-stay.

"Happy birthday, Chanyeol." bati nila.

"Salamat."

"Tara swimming tayo. Bahala na yung girls na mag-ihaw dito." yaya ni Sehun.

Sumunod naman lahat ng boys kay Sehun sa pagtakbo papumta sa dagat. Kami lang na mga girls at si Baekhyun ang natira dito sa cottage.

"Uy Rea mukhang okay na kayo ni Joonmyun ah." sabi ni Yannie. Napansin din pala niya.

"Oo nga. Kayo na ba ulit?" tanong ko.

"Oo. Nakapagusap na kasi kami ng maayos. And all this time pala nagagalit ako sa kanya pero hindi naman pala dapat."

"Bakit?" tanong ko.

"Pinsan pala niya yung nakita ko nun na kasama niya."

"Yaan kasi masyadong mapanghinala. Yan ang kinaiinisan sa inyo ng mga lalaki eh." sabat ni Baekhyun.

"We're not talking to you Baekhyun, so shut the fuck up!" nagulat ako na biglang sumigaw si Yannie.

"Okay then. Edi dun na lang ako sa mga boys sasama." nang-aasar pa yung itsura ni Baekhyun.

"HELL NO! Stay here!" ako naman yung sumigaw this time. Baka kung ano pang gawin niya sa mga boys dun mahirap na.

Umupo na lang siya dun sa isang tabi. Kami naman, nagsimula nang mag-ihaw, tapos nagkukwentuhan din kami. Nabanggit nga ni Yannie napapadalas yung pag-aaway nila ni Kyungsoo, pero normal lang naman yun diba?

Nung matapos na kaming mag-ihaw, tinawag ko na yung mga boys para kumain.

"HOY! Ready na yung barbeque!" sigaw ko sa kanila.

"Mamaya na! Sumama muna kayo samin!"  sigaw ni Yeollie. Malayo kasi sila kaya kailangan pa niyang sumigaw. Tumakbo siya palapit sakin at hinila ako papunta sa dagat.

who will be tinkerbell's peter pan? :: exo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon