PROLOGUE..
Who will be my Peter Pan?
Checklist:
Physical
_Gwapo
_Matangkad
_Talented
_Athletic
Social
_Friendly
_hindi masungit
_kaya akong patawanin
_hindi nakakairita
_masaya kasama
_masarap kausap
Ang weird ko ba? Ewan ko ba, hindi naalis sa isip ko nung nagtalo sila nun kung sino si Peter Pan eh. Baka nga nakalimutan na nila yun eh. Hello. 10 years na kaya ang nakalipas mula nung pinagtalunan nila yun? Hehehehe gumawa pa nga ako ng checklist kung sino ang makakapasa eh, pero ako lang ang nakakaalam nito, baka napagtawanan na ako ng tatlong yun pag nalaman nila yung tungkol dito sa kaweirduhan ko.
Ayy teka lang malelate na pala kami.
"DYOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!! Bilisan mo naman dyan!! Kahit kailan talaga ang bagal-bagal mo eh! Malelate na tayo sa school oh! Excited pa naman ako sa first day natin as college. Dalian mo naaaaaaaaaa!" talagang kinakalampag ko yung pintuan ng kwarto niya para lang lumabas na siya. Kanina pa kasi yun sa loob eh. Bwiset na yan tinalo pa akong babae sa pag-aayos eh. Lakas eh.
"Ano ba Lei?! Kailangan nakasigaw? Nakakarindi kaya yang boses mo. Uso maghintay diba? O kaya naman kung di uso sayo, mauna ka na lang" lumabas si Dyo na nakatapis lang ng tuwalya.
"WTF! Di ka pa rin nakabihis?! Tss. Mauuna na nga ako. Tagal nito kumilos." Lumabas na ako ng bahay at nagsimulang maglakad palabas ng village para mag-abang ng cab. Habang naglalakad, naisip kong kunin yung planner ko kung saan nakasulat yung chuchung checklist ko.
Who will be my Peter Pan?
Checklist:
Physical
/ Gwapo.
Syempre kapatid ko yan eh, ano pa bang aasahan?
X Matangkad.
Wahahahaha pandak kaya yung si Dyo, di nga yun natanggap sa basketball team nung highschool eh.
/ Talented.
YOU ARE READING
who will be tinkerbell's peter pan? :: exo [complete]
Fanfiction"Malay mo ung Peter Pan mo eh yung taong pinaka hindi mo inaasahan. Malay mo wala pala siya sa checklist mo o kaya bestfriend mo pala, pwede ring paglaruan ka ng tadhana at malaman mong kapatid mo pala, o kaya trip na trip ka talaga ng tadhana at yu...