31.

1.7K 61 6
                                    

Lei's POV
One week na rin ang nakalipas mula nung maging magkaintindihan kami ni Kevin. Hindi ko kasi alam kung ano na yung estado namin ngayon, kung namliligaw ba siya o kami na ba, basta ang alam ko lang nagkakaintindihan kami.
Naglalakad ako sa hallway papunta sa next class ko, nang makasalubong ko si Kevin.

"Kevin!" tinawag ko siya. Lumagpas lang kasi siya sakin e, baka hindi niya ako napansin.

Lumingon siya sakin, nginitian lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. What the fck. Ano yun? Bakit di niya ako kinausap?

Nang matapos yung class ko, dumiretso na ako sa sakayan. Gusto ko na umuwi agad, gagawa pa ako ng paperworks para sa final requirement namin. 3am na hindi pa rin ako tapos. Sht napapagod na ako. Kailangan ko tong matapoa ngayon para yung isa naman bukas.

*BZZT BZZT*

1 new message

From: Kevin Wu
Lei?

Nagreply naman ako agad kahit na wala ako sa mood at napapagod na ako.

Po?

Sorry pala kanina a. Pagod lang ako.

Okay lang :))

Miss you..

Aww sweet :))

Love you.

:))

I knew it :(

What? anong alam mo?

Di mo ko love.

Leche naman. Bakit ang drama mo ngayon, Kevin? Wag ngayon please pagod ako. Hindi ko na siya nireplyan. Masyado akong busy para intindihin yung drama niya.
The next day hindi niya ako kinausap sa school, hanggang sa maging 2 days, 3 days, hanggang sa umabot ng isang linggo, nung una hindi ko inintindi kasi busy rin ako sa mga final requirements ko, pero tumatagal na yung hindi niya pagkausap sa akin, so I decided to talk to him nung may free time ako. Sakto namang nandun siya sa may linear park ng school.

"Kevin, may problema ba tayo?"

Nagulat pa siya nung malaman na nandun ako. "Problema? Ako wala, ewan ko lang sayo."

"Wala, pero bakit ganyan ka? Bakit hindi mo ako kinakausap?"

"Hindi na kasi kita maramdaman e. Akala ko ba we will work on our relationship together, pero bakit parang nagsasawa ka na agad?"

"Kevin hindi ako nagsasawa. Busy lang ako these past few days kaya nababawasan yung time ko sayo."

"Nababawasan lang, pero bakit parang nararamdaman ko na nawawala na yung oras mo sakin."

"What the fck Kevin! Ano bang nangyayari sayo?! Bakit ang immature mo? Kung gusto mong pumasok sa isang relasyon matuto kang mag-grow up. Oo nangako ako sayo na we will make this work, pero sana gawin mo yung part mo na piliting mag-grow up kahit na bago ka pa lang sa ganitong klaseng relasyon!" hindi ko na napigilan yung sarili ko na sigawan siya. Pagod na nga ako sa school works tapos ganito pa iaasta niya sakin. Iniwan ko siya dun, nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin, it's up to him kung papakinggan niya ako o magpapatuloy siya sa pagiging immature. 

Sa sobrang inis ko, hindi na ako pumasok sa last class ko, umuwi na ako sa bahay. Ibinagsak ko yung katawan ko sa sofa at naglabas ng napakalalim na buntong-hininga.

"Mukhang stress na stress ang baby ko a." pumasok si daddy. Kagagaling lang siguro niya sa office.

"Nakakainis kasi si Kevin, dad e."

"Bakit? Anong ginawa sayo ng anak ni Kris Wu?"

"Wala naman po. Nakakainis lang kasi siya! Ang immature! Bwiset! Pagod na nga ako tapos nakikisabay pa siya."

"Yan ang disadvantage ng pagkakaroon ng relationship habang nag-aaral pa. Buti pa kami nun ng mommy mo hindi nag-aaral ng mabuti kaya hindi hadlang yung isa't-isa hahahaha."

"Hahahaha daddy talaga."

"Know your priorities, baby. Lahat ng bagay may tamang oras o di naman kaya dapat magaling ka sa time management."

"Of course studies first, pero paano na si Kevin."

"Like what I've said, time managament or just give him some time para marealize lahat."

"Thank you, dad! Alam mo talaga kung anong dapat sabihin sa lahat ng problema ko." Niyakap ko si daddy.

"Sige na, umakyat ka na. Magpahinga ka na."

---


Tumatakbo ako sa hallway papaunta sa faculty room para mag-submit ng research paper ko. Kagabi ko lang to natapos e. After nito, pupunta pa ako sa rehearsal para sa recital ng org ko. Sht talaga. Wala na akong pahinga. Actually, hindi lang naman ako yung busy, pati sila Sehun, Yeol, Kyungsoo ,pati si Kevin busy na rin para sa finals, kaya hindi ko na sila nakakausap masyado. Minsan makaksalubong ko sila, batian na lang kasi parehong nagmamadali. Nakausap ko pala si Kevin last week, after daw ng finals pag-usapan namin lahat tungkol samin, nagsorry rin siya sakin, ganun din ako. 

Ilang linggo pa ang lumipas at natapos na rin ang school year. Wala pa akong plano sa darating na summer, pero sana maging productive.

Kevin calling...

"Hello?

[Nasan ka?]

"School pa, bakit?"

[Busy ka?]

"Hindi naman."

[Punta ka linear park usap tayo.]

"Okay, okay papunta na."

Binaba na niya yung tawag. Naglakad na ako papunta sa linerar park, nadatnan ko sa usual spot na madalas naming tambayan.

"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko agad nung lapitan ko siya.

"Yung sa atin."

"Ah. Ano nang plano mo sa atin?"

"I hope maintindihan mo yung naging desisyon ko."

"I don't have any choice naman kundi ang intindihin ka. I understand, we have different issues."

"Thanks. So, napagdesisyunan ko na layuan ka muna."

"What? Bakit? Kailangan ba talaga yun?"

"I think so. Gaya ng sinabi mo kailangan kong mag-grow up, and I really don't know kung paano yun gagawin."

"Okay, if that's what you want, susuportahan kita. Basta if you need a friend nandito lang ako."

"Thank you, Lei." niyakap niya ako, I hugged him back. "Sa sandaling panahon na nakasama kita I've seen a lot. Kung paano ka umiyak at nasaktan at kung paano ka nag-grow up. Sana maging masaya ka na, don't worry makikita mo rin yung totoo mong Peter Pan. Hindi mo siya kailangang hanapin kasi siya yung kusang lalapit sayo. You're a nice and beautiful girl, I'm sure kahit sinong lalaki willing maging Peter Pan mo. But, I'm still willing to be your Peter Pan, sa tamang panahon."

who will be tinkerbell's peter pan? :: exo [complete]Where stories live. Discover now