14.

2.9K 72 3
                                    

Lei's POV

Sinundo ako ni Yeollie sa bahay, sa simbahan na kami nagkita-kita nila Sehunnie at Kyungie. Ang daming tao sa simbahan, pero dahil medyo maaga kami nakapasok pa kami sa loob. Nakahawak sa kamay ko si Yeollie habang papasok sa loob, si Sehunnie at Kyungie naman nakasunod lang, kaya bumitaw ako sa pagkakahawak ni Yeollie. 

"Baka ma-awkward sila Kyungie satin." as much as possible, gusto ko pag magkakasama kaming apat okay pa rin, yung tulad pa rin ng dati nung hindi pa kami ni Yeollie at nung hindi pa namin nalalaman na hindi ko tunay na kapatid si Kyungie, walang awkward moment sana kung maaari. These past few days kasi napapansin ko na medyo hindi kami tulad ng dati, bihira na lang yung bonding moments naming apat, basta nagbago na talaga.

Nagsimula na yung misa, nakinig lang kami sa pari, hanggang sa kinanta na yung The Lord's Prayer at nag-peace be with you. Kiniss ko sa cheeks si Yeollie at Sehunnie kagaya ng lagi kong ginagawa, nung si Kyungie na yung ikikiss ko bigla siyang umiwas.

"Peace be with you!" at nag-peace sign ako sa kanya. Hindi ko pinahalata na napansin ko yung pag-iwas niya. Ano bang problema niya? Hindi pa rin ba sila okay ni Yannie? Ang tagal na nun ah. Hindi yata okay na pinapatagal ng ganun yung away. Subukan ko kaya sila kausapin, para malaman ko na rin kung bakit sila nag-aaway. Lalo na si Kyungie, tutal magkapatid pa rin naman kami kaya responsibilidad ko pa rin siyang tulungan kung may problema siya.

Nung matapos yung misa, naunang umalis si Kyungie, mas aasikasuhin pa raw siya para sa outing nilang magkakaklase, pero sa tingin ko hindi yun yung dahila niya. Sa tingin ko may gumugulo sa isip niya, at yun yung problema nila ni Yannie. Kilala ko ang kapatid ko, alam ko kung kailan siya nagsisinungaling at kung kailan may gumugulo sa isip niya.

"Napanggit ba sa inyo ni Kyungsoo yung problema niya?" tanong ko sa dalawa kong kasama.

"Sakin wala." sagot ni Sehunnie.

"Wala rin sakin. Bihira na nga lang kami mag-usap eh." sagot ni Yeollie.

Bumili lang kami ng bibingka tapos umuwi na. Pagdating ko sa bahay gising na si daddy.

"Morning, dad." then I kissed his cheeks.

"Morning. Kasama mo ba si Kyungsoo kanina?"

"Yes, dad. Why?"

"Sabihin mo sa kanya na dito na mag-stay ngayong Christmas season. Malungkot dun sa condo niya, lalo na mag-isa siya."

"Yes dad I'll tell him. Medyo iwas nga po siya sa amin ngayon eh, siguro dahil sa away nila ni Yannie."

"Nag-away sila? Bakit daw?" 

"I dunno. Di ko pa sila nakakausap eh, ang tagal na nga po nun eh, nung birthday pa ni Yeollie."

who will be tinkerbell's peter pan? :: exo [complete]Where stories live. Discover now