"Bahala na kayo Lord." nagsign of the cross ako at nagsimula na sa pagmemake-up sakanya.
After 15 minutes nang pambababoy este pagmemake-up kay Shin, kinatok na kami ni Allison. Meaning, i-ready na yung mga models. Pinagbihis ko na si Shin don sa CR.
Buti na lang walang salamin sa kwarto na 'to. Kung hindi..
Naku! Baka nabugbog na ko nito! Hahaha.
"Scythe! Labas na 'ko ha. Hihintayin na lang namin ikaw lumabas. Isisigaw naman yung pangalan mo kapag turn mo na, so labas ka na lang pag narinig mo pangalan mo ha?" Sigaw ko sa kabilang pinto ng CR.
"Yunrie, I'm telling you. Kapag katawa-tawa 'tong itsura ko, prepare to die. Papahirapan kita pag naging slave kita!"
Itatawa ko na lahat mamaya. Baka mamaya, kinatay na baboy na ko! Hahahaha.
"Yeah, yeah, sure! Ienjoy mo lang ang pagrampa mamaya!" Sabay takbo na palabas.
Nandon na silang lahat sa labas. I mean, lahat ng girls. Si Allison at Gorje, may hawak nang mic. Si Manang naman, may hawak na folder tsaka lapis.
"Ayan, mukhang prepared na ang lahat ng kalahok. Ladies, gusto nyo na bang makita ang ating mga bebot candidates?!" Saad ni Allison habang nakatapat pa yung mic sa bibig. Feel na feel lang e, haha.
"Yeeeeesss!!!"
"Now, let's call on our number one candidate. Managed by Ms. Gorje Fujiwara, please welcome, Jela Dela Vega!!" Palakpakan naman kami.
Iniluwa ng pinto ang isang cute na nilalang. OMG, si Jelo talaga 'to?! Aaaah! Super kawaii! Yung bihis nya, para syang bata na nakashorts na may suspenders, tapos tshirt. May hawak pa syang lollipop sabay subo nito. Syempre, may wig din na nakapigtails tapos curly. Ah basta, ang cute! Hihihi.
"Hindi ko talaga matanggap kung bakit parang mas cute pa sakin si Jelo." sabi ni Gorje, kaya natawa naman kaming lahat.
"Let's now call on our next bebot candidate. Managed by Ms. Yuki Yamato, please give a round of applause for Rencee Guzman!"
Uhmmmm.. HAHAHAHHAAHHA. Hindi bagay kay Rence ang nakapambabaeng suot! Well... ang laki-laki kasi ng katawan, tapos ang angas pa ng look. Hindi talaga bagay! Hahaha. BUti na lang lalaki sya nung pinanganak. Lol.
"Now, now. I'm proud to present to you, my model, Lana Cortez!"
Wow.
Napapito tuloy ako.
Isang dyosa ang nasa harapan ko.
Babaeng babae ang itsura nya. Ang gandaaaaaaa @O@ Promise! Parang model lang.
Eeeeeh, nakakainggit! Wag lang naman sana maging bading 'tong si Lanz, sayang ang kagwapuhan! Hahaha.
Napalunok na lang ako at napasign of the cross.
Eh kasi... si Shin na!!!!! Ack! Ayoko tumingin. Kakalbuhin talaga ko nito. -__-"
"For our last candidate, managed by Ms. Elle Marquez, let's call on, Shina Guzman!"
At ayon, lumabas na nga ang isang clown ay este si Shin.
Isang mahabang SILENCE..............................
Lahat kami nakatingin lang sakanya. Wala yatang gustong magsalita.
Napahawak na lang ako sa mukha ko. Hindi pala napahawak, NAPATAKIP. (/_\)
"What?!" napansin siguro ni Shin na walang nagrereact. "Oy, oy! Ano?! Bat kayo ganyan makatitig? Ano bang meron?! Peram ngang salamin!" The monster is out. Gulp.
Inabot lang ni Gorje yung pocket mirror nya kay Shin na nakatitig pa rin sa mukha nito.
At ayon, sumabog na nga ang lahat at tumawa nung nakita yung reaksyon ni Shin.
"Eunice Marie Elle!!!!!!!!! You're so. DEAD."
Run for my life!!!!!!! Aaaaaaaaaaaaah!!!
Tumakbo na ko palabas ng sala. May sliding door dito na gawa sa glass, papunta yata 'to sa garden? Nung lumingon ako kay Shin, may dinampot pa sya sa may table. Nako, wala na kong pakielam kung ano yon! Kasi baka patay na ko bago ko malaman yon!
"Aaaaaah!!! Shin!! Winarningan naman kita na hindi ako marunong eh!!"
"Shut up!!!! Lagot ka sakin!!'"
"Bagay naman sayo ah!!"
"Bagay?! Bagay sakin yung green na eyeshadow, violet na lipstick na lagpas lagpas, red na red na blush on, at paling na eyeliner?! Dagdag mo pa yung makapal at hindi pantay na kilay!"
"Hahahaahah! Pare, ayos yang get-up mo ha! Drag queen lang ang dating e." si Lanz yata yon. Oo, tawa sila ng tawa sa loob habang ako tumatakbo para sa buhay ko.
"Shin!! Sorry na!! Bagay naman talaga, promise!! ang ganda mo nga oh!!"
"Wag kang tumakbo!! Halika dito!! Papatayin kita!!"
"Shin naman!! Wala namang picture, hindi kakalat yan!!"
"Pare, ang ganda mo dito sa picture oh!"
"Dito din pala sa video! Oy Allison, ipost mo na sa facebook mo yan dali!"
ACK!! Wrong timing kayo guys. WRONG TIMING TALAGA. Dahil ang sama-sama na talaga ng tingin sakin ni Shin. Mukhang mangangain ng buhay!
AIsh. Hindi ko na kaya tumakbo!! Pero si Shin, full energy pa.
At ayon na nga. Naabutan na ko. >______< Hawak-hawak nya ngayong yung tenga ko. T^T
Uunahin ba nyang chop-chopin yung tenga ko. Aaaah! Wag, di pa yata ko nakakapaglinis ng tenga!
Ano ka ba Elle, hayaan mo na yang mga dumi mo sa tenga! You're at the verge of death.
"Shin. Shin. Wag mo ko papatayin, please." Pagmamakaawa ko.
"Heh, sino bang may sabing... papatayin kita?" kahit madilim, kita ko na may evil smile sya ngayon.
"I-ikaw. So-sorry na."
"Gagantihan lang naman kita. >:)"
Napapikit na lang ako. Ipagdadasal ko na lang yung kaluluwa ko na nawa'y mapunta ng langit. >_____<
"Okay. Done."
"Anong ginawa mo, oy?!" May naramdaman kasi akong pinahid nya sa mukha ko. O.o
"Wala naman."
"Anong wala? Hoy, hoy! San mo ko dadalin? Bitawan mo ko! Hoy Scythe!!"
"Papasok na tayo sa loob. Malamok dito sa garden."
Nagpakaladkad na lang ako. Oo, nagpakaladkad talaga yung term pano hila-hila nya ko sa braso.
Ako lang ba yon, o parang nakakaramdam ako ng evil aura sa kanya?
Errr.. Parang nakita ko kasi syang nakangiti. Ngiting nakakakilabot. -___-
"Hoy! Ano ba kasi yung pinahid mo sakin?! Di ka ba sasagot?!"
"Oh, Elle, nakabalik na-----"
"Allison, sila Shin na ba y-----"
"Uh.. Okay? So.. Dapat talaga hindi tatapusin yung sasabhn tapos tititig sakin?"
"Pfffffft."
"Jelo! Alam kong tumatawa ka! Ikaw din Lanz!"
Lumabas sa kusina si Yuki, "Elle onee-chan?"
Ang reaction nya? Ganto ------> O______O Sabay talikod at parang nanginginig nginig pa.
Nagdali-dali na kong tumakbo papuntang salaminan dahil parang may masama akong kutob eh. Binigyan ko muna ng Lagot-ka-sakin-kapag-may-ginawa-kang-kabalastugan-sakin look.
Asdjrgkjetjlkswdfmkcnviearjgt. Go die Shin. >____>+++++++++++++++
Ginawa akong clown!!!!!!!!! Yung sobrang lapad na nakangiting red red lips. Pero parang smudges lang, kasi kamay lang naman nya yata yung ginamit nya panlagay nung lipstick.
"Shiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiin!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
YOU ARE READING
Strings of Fate
Romance"Ang true love parang cellphone na nahulog sa toilet. Makukuha mo lang pag may lakas ng loob ka." Meet Elle, ang babaeng naghahanap sa childhood first love nya na bigla na lang nawala. Then there's Shin, ang lalaking takot magmahal dahil minsan nang...
String #28 (Bebot, bebot, be-bebot, bebot)
Start from the beginning
