Nako naman si Manang. Nagfeeling bata pa at nagreminisce! Hahaha.
Pumunta na kami sa kanya-kanyang kwarto. Mansyon nga 'to kasi, kaya maraming rooms. Pinaupo ko muna si Shin don sa kama at pumunta sa walk-in closet nila Allison. Don daw kukuha ng mga damit eh.
So ayon, kumuha ako ng damit na sa tingin ko eh kakasya kay Shin. Ang laki kaya ng katawan nya kumpara sa size nung magkapatid. Psssh. Then bumalik na 'ko sa kwarto.
Naabutan ko si Shin don na nakikinig lang sa ipod nya.
"Oy Scythe!"
"Yeah?" tinanggal nya yung isang earphone nya at tumingin sakin.
"Ayos lang ba kung eto susuotin mo?" pinakita ko sakanya yung nakuha kong damit.
Nanlaki naman yung mga mata nya habang tinitignan yung hawak hawak ko, "What the?!?! Yan?! Yan ang susuotin ko?! You must be kidding me, Elle. I'll look hideous on that piece of cloth."
"Eh, mukha namang babagay sayo oh. Tsaka, yung ibang damit don, halos sleeveless. Kaya nga lalagyan natin ng coat oh. Ayaw mo naman sigurong ipakita yung forest mo jan sa underarm mo." Hawak hawak ko kasi ay isang simpleng hapit na dress at isang coat. Kapag pinair mo sya, mukha syang magooffice. Yun ang gusto kong look na i-achieve. Buti nga malaki 'to eh, naligaw sa wardrobe nila. Hehe.
"Anong forest pinagsasasabi mo? Normal lang yon sa lalaki." - Shin.
"Nakakailang pa din makita yung ganon noh. Tsaka, ang sagwa tignan na kapag nagsleeveless ka, kitang kita yung mga mus-- ano... yung mga taba mo jan sa braso no!! Mahiya ka naman ng konti!"
Muntik na yon. Baka isipin nyang pinagnanasaan ko yung braso nya! EWWWW.
Wala syang muscles! Wala!
Konti meron.
Konti lang.
Hindi naman ganong halata na siksik na siksik sa muscles.
Ack!! Elle, ano ba?! Wala ngang muscles!! WALA!!
"Oy. You're spacing out."
"A-ah! Sorry. Hehehe."
"Ano, may balak ka bang simulan na yung pagmemake--- pag-aayos sakin?" Ilang sigurong sabihin yung pagmemake-up. Hahaha. Sabagay, lalaki kasi eh.
"Umm.. Ano kasi Scythe... may konti tayong problema.."
"What?" taas kilay nyang tanong. YAVANG. Antaraaaaaay!! XD
"Hindi kasi ako ano...."
"Ano?"
"Marunong."
"Marunong? Ng? Pwede ba wag yung pabitin-bitin!"
"Teka lang, pwede? High-blood ka. Hindi ako marunong magmake-up!"
He just stared at me for like 30 seconds? "What? Anong tinitingin-tingin mo?!"
"Are you really a girl? Or maybe.. you're a transgender?"
OMG. Seryoso?! Tinatanong nya ko nito?! Mukha ba kong nagpasex change? Ang kapal ng apog nya ha!
"Gusto mo nito?" Tinaas ko yung nakakukom kong kamay. Parang sinasabi kong, gusto mo ng suntok?
"Hindi ka talaga marunong magmake-up? Ts. Babae ka pa naman."
"Hoy, hindi lahat ng babae, nagmemake-up no! Ibahin mo ko! Hindi naman kasi ako nagmemake-up eh. Anong malay ko sa echeburecheng ganyan. Naku!"
"Well, just do whatever you like. Just prepare to be my slave for one week. *smirk*" Okay, kinilabutan ako sakanya. Pag ganyan, alam kong may masama syang iniisip.
YOU ARE READING
Strings of Fate
Romance"Ang true love parang cellphone na nahulog sa toilet. Makukuha mo lang pag may lakas ng loob ka." Meet Elle, ang babaeng naghahanap sa childhood first love nya na bigla na lang nawala. Then there's Shin, ang lalaking takot magmahal dahil minsan nang...
String #28 (Bebot, bebot, be-bebot, bebot)
Start from the beginning
