Chapter 4: Missing Baton

Start from the beginning
                                    

Siya naman ay seryoso ng nagteleport.

Hmm.. Anong magandang gawin? Maglakad-lakad nalang kaya muna ako? Nice, nice.

"Lola, ano ho ito?" Mangha kong tanong sa nasa mid's 50 na ata na babae habang tinuturo ang isang stick (more like a wand kung tignan) na lumulutang habang kumikinang.

Nagulantang ang ginang at lumapit sa aking gawi habang tinitignan ang bagay na aking tinuturo. Bahagyang nakakunot  ang kaniyang nuo.

"Hindi mo alam kung ano iyan hija?" Gulat niyang tanong. Ako naman ay naguguluhang napatango.

"Opo. Ano po ba ito? Nakakamangha! Lumulutang! Well, ano ba namang aasahan ko sa lugar na puno ng mahika." Kibit-balikat kong turan.

Mula sa pagkakunot ng nuo ay ngumiti ang ginang. "Nasaan ka nanggaling, ineng? Wala kang alam sa kapangyarihan gayundin sa Baton subalit naamoy ko sa iyong dugo ang Light Mage. Kung kaya't pagkakalooban kita ng libreng baton ng sa gayon ay bumukas ang iyong isipan sa mundo ng mahika."

"A-ahh. Nanggaling po ako sa Earth, at s-salamat nalang po pero di ko matatanggap ang alok niyo. Hehe." Nagkamot ako ng ulo at nginitian ang ginang.

"Wag kang mag-alala ineng, wag mahiya. Tanggapin mo ito bilang malugod na regalo ko sa iyo!" Ngiti niya at inabutan ako ng baton. (Another term for wand, maybe ito ang nakasanayan nilang pangalan.)

"Naku! Maraming salamat po talaga!" Sabi ko ulit at yumuko. Gayunpaman, nagpaalam na ako sa ginang.

Ano kaya ang meron sa baton at meron ang mga mages nito? Akala ko ba witch lang ang may nga ganito?

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad kahit naguguluhan pa rin ako. Marami pa akong nakitang iba't ibang bagay na bago sa aking paningin pero isinawalang bahala ko na ito, kailangan ko ay angkop na tirahan, trabaho at ilan pang mga bagay na kailangan upang ako ay mabuhay dito.

"Ahh kuya, saan ang daan patungo sa Light Academy?" Kaswal kong tanong.

"Dumiretso ka, tapos lumiko sa kanan, then sa kaliwa, kanan na naman then sa kaliwa tapos diretso diyan, makikita mo ang lagusan patungo sa Light." Sabi niya. Tumango na lang ako at nagpasalamat. Hawak hawak ko pa rin ang aking baton.

Diretso.. Lumiko sa kanan.. Hmm... Then sa kaliwa.. Kanan... Kaliwa.. Kanan then diretso.

Siguro ay tama ang tinurong direksyon ng lalaki, sapagkat natatanaw ko ilang metro mula sa aking kinatatayuan ang isang puting lagusan (more like a gate, siguro ganito ang tawag nila rito).

May banner-like na bagay sa taas ng gate na kumikinang, mas lalo itong nagiging attractive tignan dahil tinatamaan ito ng sikat ng araw.

Bumuntong hininga ako at inayos ang sarili, obvious naman na magulo at madumi pa rin akong tignan ngayon, pero wala akong ibang choice. Ito ang sinabi ni Zach sa akin kanina.

Tumikhim ako upang makuha ang atensyon ng bodyguards (o kung meron man) sa loob. Pero walang nakapansin kung kaya't minabuti kong maghintay nalang muna.

Inabot ako ng mga ilang minuto hanggang sa napagpasyahan kong pumasok nalang.

Inuna kong pinasok ang aking kamay at kakaibang hangin ang naramdaman ko, nakakapangilabot. Nakakatindig balahibo. Gayunpaman. Minadali ko ang pagpasok.

"Aray!" Daing ko nang bigla akong mahulog sa tapat ng isang puno. Sht! Ang sakit sa likod. Huhu! Ilang kamalasan ba ang nangyari sa akin ngayon?

"Okay lang ho ba kayo ma'am?" Tanong ng isang lalaking napadaan. Hindi ako sumagot kaya tinulungan niya akong makatayo.

Naglabas siya ng kulay-kape na mahika at pumunta ito sa aking direksyon.

At sa isang pitik, naglaho lahat nang aking sugat at sakit sa katawan. "Ma'am, dadalhin ko na ho kayo sa Dean's Office upang makapag-enroll." Sabi nito at naglakad. Sumunod naman ako.

"Sino ka po ba, kuya?" Taka kong tanong dahil ang cool ng kapangyarihan niya.

"Ako si Ace. Maa-ACEahan sa panahon ng kagipitan , isa sa mga punong kawal. Land manipulator major in healing so healer ako. Alam kong newbie ka dahil bago ka lang sa paningin ko." Paliwanag niya na parang nababasa kung ano man ang nasa isip ko. Kumindat pa ang loko!


Napatango na lamang ako at tumahimik na habang nagtatakha kung bakit naglaho ang regalong baton ng ginang.

Destined FateWhere stories live. Discover now