Chapter 14: Partners in crime

Mulai dari awal
                                    

Nakita ko si Zai na tulala sa kawalan habang nakaupo sa may pavement sa labas ng Gate. Nilapitan ko siya para kausapin.

"Zai.." banggit ko atsaka tinabihan siyang umupo. "Alam kong gulat ka pa rin sa nalaman mo tungkol sa pagkatao ni Zianna. Pero di ba dapat matuwa ka dahil hindi kayo tunay na magkapatid? Na hindi kayo niloko ng Dad niyo, di ba?" paninimula ko.

"Alam ko na nung umpisa pa lang ay may kakaiba na talaga sa pagkatao niya. Hindi lang ako nakapaghanda na malaman ang totoo." sabi niya sabay buntong hinga.

"Hindi mo inakala na hindi mo talaga siya tunay na kapatid? Dahil nagkakaroon ka na ng pagtingin sa kanya, tama ba?"

Nanlaki ang mata niyang napatingin sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Bilang nakakatanda sa ating pito, obligasyon ko ang kilalanin kayong anim na itinuri ko ng kapatid. Matagal ko ng alam ang buong pagkatao niya. At nung mga time na madalas kayong magbangayan, nahuhulaan ko na kung saan patutunguhan yang pagka-inis mo sa kanya. At heto na nga, unti-unti ka ng nahuhulog sa kanya. Magpasalamat ka na lang na hindi talaga kayo tunay na magkapatid. Maari mo ng ipagpatuloy iyang nararamdaman mo." sabay turo ko sa may bandang dibdib niya.

"Pero may mga tao ang gusto siyang kunin at ibalik siya sa Europe." pag-aalangan niya.

"Then save her! Protect her from those bad humans." agad na sabi ko. "Hahayaan mo na lang bang kunin siya ng mga yun at ibalik sa Europe? Be a man, Zai. I know you can protect her. At nandito lang kaming anim na reresbak para sa inyo."

Napangiti na siya sa sinabi ko.

"Salamat Hyung. Maaasahan ka talaga." ngiti niya at inakap ako.

"Pansinin mo na siya. Masyado siyang nalungkot dahil sa pag-aakalang galit ka sa kanya. At dahil hindi naman kayo tunay na magkapatid ni Zianna, magagawa mo na ang gusto mong gawin sa kanya." pang-asar ko na ikinatawa niya lang.

"Bakit naman kaya siya nagpanggap? Bakit binansagan siyang Noturious Killer nung mga taong kumidnap sa akin? Anong nagawa niyang krimen sa Europe? Bakit parang siya ang inaakusa nila? May kinalaman kaya si Daddy dito?"

"Si Zianna at Tito lang ang makakasagot niyan sayo."

"Knowing Dad, hindi yun nagkekwento tungkol sa mga ganitong sitwasyon." nanghihinayang na banggit niya. Napahilamos na lamang siya sa mukha niya sa sobrang pagkabahala at pag-aalala.

(Zelex' POV)

Napatakip ako sa bibig ko sa narinig ko. Hindi tunay na magkapatid si Twiny at Zia! Homaygash!

So ibig sabihin, kami lang ni Zia ang magkapatid? Si Twiny ang ampon? Ah hindi! Kambal nga kami ni Twiny di ba? So ang ibig sabihin nito kami ni Twiny ang ampon at hindi kami tunay na anak nina Momsie Dei at Papsie Chase? Oh no!

Ah hindi rin! Kasi magkamukha kami ng sobra ni Papsie. So si Zia nga ang hindi tunay na anak ni Papsie kasi hindi kami tunay na magkapatid. Kami lang ni Twiny ang anak ni Momsie at Papsie! Tapus si Zia ay..ay..ay..

Pwede ng maging AKIN!  Sabi na nga ba! Iba talaga ang dala ng Power of Love ko eh! (^3^)/

(Zia's POV)

*Cellphone ringing*

Nagising ako sa alarm ng phone ko. 8pm na? Grabe ang haba ng tulog ko ah. Hindi man lang ako ginising ng mga kurimaw na yun. Kumakalam na ang sikmura ko.

*Cellphone ringing*

Akala ko alarm may tumatawag pala.

"Number lang?" pagtataka ko. Sino naman kaya 'to? "Yes hello?" pagsagot ko.

Snow White and the 7 GangstersTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang