Chapter 18: Beast is back

1.6K 55 93
                                    

Chapter 18: Beast is back

(Zianna's POV)

Kasalukuyan akong naliligo sa ilalim ng Shower nang matigilan ako dahil sa naramdaman kong presensya sa labas ng Banyo dito mismo sa loob ng kwarto ko. Alas dose na ng madaling araw, tahimik na ang paligid at tanging kaluskos na lamang ng mga insekto ang maririnig. Pero kahit hindi ko naririnig ang yabag ng Paa ng Taong nasa kwarto ko ay nararamdaman ko pa rin ang nakakakilabot na Presensya nito.

Agad kong pinatay ang Shower at dali-dali kong isinuot ang Bathrobe. Hinayaan ko lang na basa at nakabuhayhay ang mahaba kong buhok.

Pinulot ko ang Holster ko na naglalaman ng dalawang Pistol at maliliit na Punyal. Hinugot ko ang isang Punyal atsaka ko ikinabit ang Holster sa binti ko. Dahan-dahan na akong tumungo sa may Pinto.  Pinatay ko muna ang switch ng ilaw atsaka ko hinawakan ang doorknob. Dahan-dahan ko itong pinihit upang hindi makagawa ng ingay.

At nang mabuksan ko na ang pinto ay hindi nga ako nagkakamali. Kahit madilim ay naaaninag ko pa rin na may Tao sa kwarto ko, nakatalikod siya mula sa akin. And as usual nakasuot na naman siya ng itim na Balabal na siyang nagtatago sa buong katauhan niya.

"You're back..Beast." nakangising banggit ko.

Hindi siya sumagot sa halip ay dahan-dahan lang siyang lumingon sa akin. Medyo nanlaki ang mata ko ng makitang may Metal Claws siya sa kanang kamay. Kahit medyo madilim ay kitang kita ko ang pangingintab nito sa sobrang talim.

"Nagdala ka pa talaga ng baon--Shiit!!"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglaan niya na lamang akong sinunggaban gamit ang Metal claws niya. Nabitawan ko tuloy ang punyal na hawak ko. Buti na lang nakasirko ako agad upang maiwasang madaplisan. Pero desperado talaga siyang tamaan ako dahil muli niya na naman akong sinunggaban pero nakailag ulit ako at ang natamaan ay ang lampshade sa Bedside table. Buti na lang nasalo ko agad ang lampshade ng mahulog ito.

"Hindi mo ba matanggap na napatumba kita noong nakaraan sa Rooftop building ng eskwelahan?"

Hindi talaga siya nagsasalita! Muli na naman niya akong sinunggaban. Pabaliktad akong sumirko at nang makakuha ng pagkakataon ay hinablot ko ang isang Punyal sa Holster at agad na ibinato ng malakas sa kanya. Hindi ako pwedeng gumamit ng Baril dahil magigising ang mga natutulog dito sa bahay sa malakas na putok nito. Natamaan ang kaliwang balikat niya pero daplis lang iyon dahil nakailag agad siya.

Tumakbo ako papunta sa pinto ng Veranda para sana lumabas at doon tumalon pero nahuli niya ako. Gamit ang kaliwang kamay niya na walang Metal claws ay nahawakan at hinila niya ang kamay ko at malakas na itinulak ako sa kama. Bago pa man ako makabangon ay kinubawan niya na ako. Nakaluhod siya at pinagitnaan ng binti niya ang katawan ko. Mahigpit na hinawakan ng isang kamay niya ang dalawang kamay ko at itinaas ito sa ulunan ko. Nahihirapan akong pumiglas dahil sa sobrang bigat niya.

"What the fuck do you want from me??" sigaw ko.

"Sshhhh" dumukwang siya palapit sa mukha ko. Idinantay niya ang isang Metal claw sa gilid ng noo ko at dahan-dahan niya itong dinausdos pababa sa pisngi ko hanggang sa leeg ko.

"You will be mine soon, Snow. But I'm going to get rid of that Zai first so he will no longer an hindrance to us." ang boses niyang napakalalim ang siyang nakapanindig ng balahibo sa akin.

"You can't do that." matapang na sabi ko. Medyo naaaninag ko ang mukha niya kaya kitang kita ko ang napakalamig na emosyon niya.

"Magagawa ko iyon sa isang iglap lang kung gugustuhin ko na. Ako dapat ang nasa posisyon niya kung hindi lang dahil sa nangyari noon. Pero darating din ang panahon na mababawi ko ang lahat ng meron siya na sa akin naman talaga dapat. "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Snow White and the 7 GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon