Chapter 14: Partners in crime

4.6K 198 237
                                    

Chapter 14: Partners in crime

(Zia's POV)

Nakauwi kami ng Dorm na hindi pa rin ako pinapansin ni Zai. Kahit na sina Sue, Hoppie at Zelex na naiwan ay nagtataka sa kanya kung bakit wala siyang imik at dirediretso lang sa pagpasok sa kwarto niya.

"Problema nun?" pagtataka ni Sue

"Kanina si Zia ang problemado ngayon si Zai naman? Aba! Ano ng nangyayari sa Happy world na 'to? Hindi na 'to maganda ha!" malungkot na turan ni Hoppie.

"Hayaan niyo na nga si Twiny! Alam niyo namang bipolar yun eh!" lumapit bigla sa akin si Zelex at inakbayan ako. "Zia! Alam mo bang nakita ka namin sa T.V? Grabe ang galing mong humawak ng baril! Turuan mo nga akong kumarate! Yung mala-Crouching tiger at hidden dragon!" tuwang-tuwa niyang sabi sabay demo pa, Muntanga talaga.

Totoo nga talagang nakunan ng video ang nangyari sa fast food chain kanina at laman ako ng balita. Kalat na pagmumukha ka sa Media. At panigurado matutunton na ako ng mga pinagtataguan ko sa Europa.

"Aba Zelex! Dumating lang si Zia na energized ka na kaagad ha! Samantala kanina para kang walang gana!" asar naman ni Hoppie. Ano bang pinagsasabi nito?

"Ohah! That's what you called The power of love!" with feeling niyang sabi at nanggigigil pa niyang kinurot ang pisngi ko at hindi pa rin inaalis ang pag-akbay niya sa akin.

"Power of love?" pagtataka ko. Rinig ko pang humahagikhik ng tawa ang lima.

"Yeah! Pagmamahal! Lam mo yun? Ang pagmamahal ko para sayo ay parang kapangyarihan! Hindi mawawala at hindi maaagnas! Parang bigas, hindi kailanman magwawakas! Para ding tubig, maaari kang sumabay sa agos ng aking pag-ibig! Kaya tayo na aking mahal, tayo'y maglakbay patungo sa walang hanggang pagmamahalan! Bow!"

Nagsimula ng maghagalpakan ng tawa ang lima dahil sa pinagsasabi ng Alien na 'to! With feelings at aksyon pa talaga niyang tinutula yan. Gago talaga!

"Ahahaha! Ang baduy mong magconfess Zelex!" kantyaw ni Tristan

"Hindi na talaga mapipigilan ang Forbidden love mo Zelex para kay Zia no?" kantyaw rin ni Hoppie.

"Mahal mo ako?" pagtataka ko ulit na tanong sa kanya. Nasisiraan na talaga siya ng bait!

"A-ano..A-as my S-sister lang naman ya know?" pangangamot niya.

"Ahh..Good.." pagtango ko. I sighed in relief. Akala ko kung ano na.

"Oww..Poor Zelex.." sabay na banggit nina Tristan, Mon, Hoppie at Zayne.

Napansin kong sumimangot siya ng konti pero ngumiti rin naman agad.

"Eh ano naman ngayon??"

Paano na lang kaya pag nalaman niya ang totoo? Sabi nina Mon, hindi pa daw alam ni Zelex, Hoppie at Sue ang totoo sa pagkatao ko.

Napag-isipan kong magpahinga na muna. Ang daming nangyari kanina. Sana lang hindi na makalabas sa bilangguan ang mga tauhan ni Leonora. Sakit sila sa ulo. ang dami ko na ngang pinoproblema, dadagdagan pa nila. Tsk!

Bago ko buksan ang pinto ng kwarto ko ay tinitigan ko muna saglit ang pinto ng kwarto ni Zai. Galit nga talaga siya sa akin dahil sa pagsisinungaling ko. Paano pag ipagtabuyan at ipabalik niya ako sa Europe?

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya. Nagtama ang tingin namin pero umiwas naman siya agad.

"Zai..Please let me explain.." pakikiusap ko sa kanya. Gusto ko siyang lapitan pero di ko magawa.

"Give me some space." banggit pa niya tsaka siya umalis.

Some space daw. LQ lang?

(Zayne's POV)

Snow White and the 7 GangstersOù les histoires vivent. Découvrez maintenant