Chapter 03: Innocent Badboy

6.4K 277 96
                                    

Chapter 03: Innocent Badboy

(Snow's POV)

"Welcome to Super Duper Mega Mall of Asia Ma'am! Lahat po na inyong pangangailangan na kahit anong kagamitan ay available po lahat dito sa Pinaka-malaki at pinaka-tanyag na Mall sa buong Asya. Mula sa maliliit hanggang sa malalaking bagay. Mayroon ho ba kayong gustong bilhin? Sabihin niyo lang po para maituro ko po sa inyo ang daan kung nasaan ang mga stocks na nais niyi hong bilhin."

Mataman ko lamang na tinitigan ang Announcer na malugod na bumati sa akin pagkapasok ko ng Mall. Seryoso akong lumapit sa kanya at dinungaw siya sa may table niya. May mga katabi din siyang mga babaeng announcer na bumabati sa ibang mga Tao na pumapasok.

"Pumasok lang ako dito para magpa-aircon. Pwede ba yun?" tanong ko. Pormal lang naman ang pagkakasalita ko pero mukhang natakot ko ata. Hindi na ako magtataka. Dala-dala ko na simula noong ipinanganak ako ang malamig na ekspresyon ng mukha ko. Sabi ng iba, nakaka-intimida daw ang postura ko. Nakakatakot lapitan dahil baka matarayan ko.

Wala naman kasi akong bibilhin dito. Gusto ko lang maglibot-libot at magpalamig na din dahil sa sobrang init ng panahon. Sa katunayan niyan, isang linggo na ako rito sa Pilipinas at naninirahan muna sa isang maliit na Apartment.

Inaasikaso pa kasi namin ni Tito Lawrence ang mga papeles na babaguhin sa pagkatao ko. Kailangan kong baguhin ang pangalan at apelyido ko nang sa ganooy hindi ako matutunton ng mga Tauhan ni Leonora o mga Otoridad na naghahanap sa akin.

"Ah eh..O-ok naman po..Welcome po lahat ng mga Tao rito na gustong mamasyal Ma'am.. hehehe.."

"Good. The weather here is really hot. Kahit ang Ceilling fan sa Apartment ko ay parang bumubuga ng apoy." sabi ko pa atsaka umalis na.

Naglibot-libot lang ako. Pamilyar naman sa akin ang ibang lugar dito dahil madalas akong magshopping noon kapag nagbabakasyon kami ni Dad. Our last vacation here was 4years ago. Dinalaw namin ang puntod ng Mommy ko. Sabi ni Dad, namatay siya sa panganganak sa akin kaya tuloy lumaki akong walang Ina.

Then 3 years ago, nakilala niya si Leonora na mukhang pera. Isang balo din na may isang anak na lalake. Nagbago ang lahat simula noong mapangasawa niya ang Gold digger na iyon. Naging mahigpit na siya sa akin kaya madalas kaming mag-away. Sipsip kasi ang mangkukulam na iyon. At ako pa talaga ang tinuro niyang salarin sa pagkamatay ni Dad.

Buti na lang nandito si Tito Lawrence handa akong tulungan sa kaso ko sa Europe. Ngayong tapos na ang mga pekeng papeles ko kailangan ko na daw lumipat dito sa Address na binigay niya sa akin na kung saan ako maninirahan ng matagal. And i find it weird.

"Bangtan's Dorm no. 143 patungo sa Once forever Army Street?" may ganito bang lugar dito? Sabi niya dito na ako manunuluyan kasama ang Pitong Guardians ko DAW. Talagang nag-abala pa si Tito na mag-hired ng Servants ko. He really wants me to be safe. Kaya ko naman ang sarili ko e. Sa dami na ng nabiktima ko sa Europe, ngayon pa ba ako maduduwag sa mga Bad humans dito?

My identity has been changed. I'm no longer the Heiress Snow White. From now on, I will be called as Zianna Algrande, an ordinary lady and Tito Lawrence' Fake daughter. Hindi ko alam kung bakit naisip ito ni Tito. Pero wala na akong ibang mapagkakatiwalaang tao kundi Siya lang. Kaya dapat maging kampante lang ako sa pagtatago ko dito.

Wait..

Why I have this feeling that Someone is watching over me?

(Zai's POV)

Time check 7:45 pm at Super Duper Mega Mall of Asia

"Zai babes, you don't know how much I like you. Ever since when we were young is gustong-gusto na kita. And i know the fact that you like me too!"

Snow White and the 7 GangstersWhere stories live. Discover now