Chapter 10: The Night Shift

4K 194 189
                                    

Chapter 10: The Night Shift

(Snow's POV)

Time check: 6:40 pm

Dagsa na ang mga Student Gangsters sa loob ng Gymnasium. Mamaya pagtuntong ng orasan sa alas otso ay sabay-sabay daw silang papasok sa Underground Arena sa likod ng Gymnasium. Ibang klase din pala to. Halos lahat bihis na bihis. Pagkatapos ng Uniform sa umaga, naka leather clothing naman sila sa gabi. Gangster na gangster ang dating.

Ako lang ata ang naka-uniform dito pero nakasuot naman ako ng Hoodie para di ako mahuli nina Zai. Tumakas lang kasi ako sa Bahay. Ayaw kasi ng pitong kurimaw na yun lalo na si Zai na sumali ako dito. The heck. E sa gusto kong matunghayan kung anong meron sa Night Shift na 'to.

Nandito nga lang ako nakatayo sa isang sulok, Pinagmamasdan ang mga dumadating. Hawak-hawak ko pa nga ang Red card na binigay sa akin ni Trevorre, entrance ticket daw to.

Ilang saglit lang ay narinig kong naghihiyawan ang mga Student Gangsters.

"Woooohh!! Black Scorpions! Black Scorpions! Black Scorpions!"

May nagdatingan na isang grupo ng mga kalalakihan. Mga sampu ata sila. Nakasuot sila ng Black and Yellow na Varsity Jacket, sa likod nito ay may naka-print na Scorpion image with caption na "Black Scorpion". Pumwesto sila sa may bench, at ang seryoso pa ng mga aura nila.

Ilang saglit naman ay may isa pang grupo ang dumating. Naghiyawahan ulit ang mga Student Gangsters.

"Red Lions! Red Lions! Red Lions!"

"Pffftt!" hindi ko mapigilan ang matawa. Ang weird ng mga names ng Gangs nila dito. HAYOP na hayop ang dating.

"Bakit ka tumatawa ng mag-isa diyan?"

"Damn! You scared me to death!" nakakagulat kasi ang biglaang pagsulpot ni Trevorre sa likod ko.

"Tch." tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa.

"Wow. Nagtatransform ka din pala. Ang cool ng attire mo ngayon ha." ngisi kong sabi sa kanya. Itim ang buhok niya, may peircings na siya sa ilong at tenga, at naka itim na coat siya. Ang lakas ng dating niya.

"This is the real me."

"Ooohh.." kunwaring namamangha kong reaksyon.

"Tch. By the way nasaan ang Red card na binigay ko sayo?" tanong niya.

"Here.." sabay pakita ko. Napansin kong napangisi siya. "What's the meaning of that smirk huh?" agad na sita ko.

"Wala lang. Excited lang akong may matunghayan mamaya." sagot niya na nakangisi pa rin. Weird. "By the way, use this Facemask para maprotektahan mo ang image mo."

Napakunot noo ako ng bigyan niya ako ng itim na facemask. "Bakit naman? Lalaban ba ako sa gitna ng battle ring?"

Mas lalo namang lumawak ang ngisi niya.

"Ginagago mo ba ako, Trevorre?" nakakainis siya.

"Di naman. Sabihin na lang natin na, Today is your time to shine."

"Tsk. Ewan ko sayo." Ibinaling ko na lang ulit ang atensyon ko sa mga nagdadatingan na mga grupo. Walang kwenta siyang kausap, pa-mysterious effect masyado.

Yung Red Lions, nakasuot sila ng Black and Red varsity jacket at may image ng mukha ng lion at caption sa ibaba na 'Red Lions'. Ang babangis ng mga mukha nila habang nakikipag eye to eye contact sa Black Scorpions.

Bukod sa dalawang grupo ay may iba't iba ding grupo ang mga nagsidatingan. May puro mga babae din na, Yellow Cheetah. May Blue Eagle, Grey Wolf, Green Phyton at may Puting Uwak.

Snow White and the 7 GangstersWhere stories live. Discover now