Chapter 11: Beast

3.5K 200 126
                                    

Chapter 11: Beast

(Zianna's POV)

Magkasama kami ngayon ni Zai na naglalakad pabalik ng GIU (Great Inferial University). It's already 12 midnight. Nauna ng umuwi sa Bahay ang anim dahil pagod na daw sila, kailan pa nakakapagod ang kumain? Mga adik 'to. Tss. Habang nagvolunteer na lang ako na samahan si Zai na bumalik sa school para tignan kung ano ng nangyayari sa mga Student Gangsters sa loob ng Underground Arena.

"Pwede bang magtanong?" paninimula ko na. Medyo nagiging awkward na kasi ang atmosphere.

"Nagtatanong ka na, Bru."

Ang sungit talaga!

"Bakit ang sungit mo?" taray kong tanong.

"Eh bakit ang taray mo?" taas kilay niyang tanong. Bakla ata 'to.

"Lam mo nakakainis ka." inis ko.

"Nakakairita ka kasi."

Tsk!!

"Sagutin mo nga ako ng maayos!" nagtatalo na naman kami ulit.

"Magtanong ka kasi ng maayos!"

"Aba't! Sipain kaya kita diyan!" ayaw niya talagang magpatalo.

"Halikan kaya kita diyan." mahinang bulong niya pero sapat lang para marinig ko.

"Really? Do you want to kiss me?" paninimula ko na namang panunudyo sa kanya.

"Hell no!" agad na reak niya sabay tulak sa akin ng mahina. Then I won. Natahimik na eh.

Sumeryoso na ako, "Seriously Zai, may sinabi kasi sa akin si Trevorre na hindi ko talaga maintindihan. Sabi niya, ginagamit lang daw siya ni Mr.Yuso para sa inyong dalawa ni Zelex at maaari niya din daw akong gamitin. Anong ibig niyang ipahiwatig?" seryoso kong tanong.

Napansin kong medyo nagulat siya ng marinig niya ang sinabi ko.

"Wag kang magpaniwala sa mga sinasabi ni Trevorre. Mahilig gumawa ng walang kwentang kwento ang taong yun. Nang dahil lang sa inggit niya sa amin kung bakit siya nagkakaganyan. Atsaka, Bakit ka naman gagamitin ni Dad? Dad mo rin naman siya di ba?"

Hayss. Mukhang wala siyang alam tungkol dito.

"Yeah right. I'm his daughter, bakit niya naman ako gagamitin?" pagsasang-ayon ko na lang. Si Tito lang pala ang dapat kong kausapin tungkol sa sinasabi ni Trevorre.

"Actually niyan, kahit ako ay walang alam sa mga pinagagawa ni Dad. Pag nagkikita kami sa bahay, puro family bonding lang ang ginagawa namin. Never siyang bumabanggit ng kahit anong bagay na tungkol sa trabaho niya at tungkol dito sa School. In other word, Selfish si Dad. Sinasarili niya lang ang mga problema." pagkekwento niya.

"Siguro, gusto niya lang kayong protektahan. Ayaw niya kayong mag-isip ng mga bagay na ikakapahamak niyo. Mas gugustuhin niyang siya lang ang sumalo sa lahat ng problema, dahil ang iniisip niya lang ay ang kapakanan niyo, natin." pagdedepensa ko para kay Tito Lawrence.

Nakilala ko si Tito Lawrence sa Europe 6 years ago. Doon ko lang siya unang nakilala. At ang masasabi ko tungkol sa kanya ay napakabuti niyang Tao. Palatawa at medyo may pagka ignorante sa ibang bagay at may pagkatanga din. Lagi niya akong pinapatawa noon kaya magkasundo kami. Alam ko din ang tungkol sa ibang katauhan niya dahil minsan ko na ring nakita ang malamig na awra niya lalo na noong may gumalit sa kanya. Doon ko siya mas lalong nakilala at napahanga.

"Yeah tama ka. Kaya nga idol siya ng lahat eh. Magaling siyang magtago ng tunay na nararamdaman niya. At lahat ng mga problema ay madali niya lang nalulutasan. Kahanga-hanga." ngiti niya ng sabi. "Kahit may saltik siya sa ulo ay hinahangaan ko pa rin siya. Mapagmahal at napakabuti niyang Ama sa amin at Asawa kay Mommy. Kaya nga nagtataka ako kung paano siya nagkaanak sa ibang babae."

Snow White and the 7 GangstersWhere stories live. Discover now