Chapter 08: The Higher class

4K 183 110
                                    

Chapter 08: The Higher class

(Someone's POV)

"Haze.."

Napatigil ako sa pagbabasa ng huling mensahe ng Mahal ko ng may magsalita mula sa pinto ng opisina. Ang kaalyansa ko, si Zero. Inikot ko ang Swivel chair paharap sa kanya. Kitang-kita sa expresyon ng mukha niya ang hindi magandang balita na sasabihin niya.

"Still no sign of her, right?" inunahan ko na siya ng tanong. Tumango lang sya bilang sagot. Napabuga ako ng malalim na paghinga bago tumayo at lumapit sa may pader malapit sa malaking bintana sa kanang bahagi ko. Tinitigan ko ang malaking portrait ng Mahal ko na nakasabit sa pader.

"Where are you now my Queen? I missed you so much." hanggang ngayon hindi pa rin namin siya mahanap-hanap. Simula noong akusahan siya sa pagpaslang sa sariling Ama ay naging Missing in Action and Nowhere to be found na siya.

"Inilibot na namin ang buong bansa pero wala talaga siya. We did try to contact some of her alliance but di rin nila alam kung nasaan siya at hinahanap din nila. Pina-imbestiga ko rin ang madrasta niya na si Leonora at anak nitong si Leach, pero wala pa kaming makuhang impormasyon tungkol sa kanila. Masyadong mahigpit ang sekyuridad nila kaya nahihirapan kaming makapasok sa White Mansion."

"Matagal na akong nahihiwagahan sa mag-inang yan. Alam kong may kinalaman sila sa nangyaring Assassination kay Mr. White. Ipinalabas lang nila na si Snow ang salarin para pagtakpan ang mga kasalanan nila. At iyon ang kailangan nating alamin. Halungkatin mo ang lahat ng bagay na tungkol sa mag-inang iyan, Zero. At ako na ang bahalang maghanap kay Snow." utos ko sa kanya

Snow White..

Muli kong binasa ang huling mensahe niya sa'kin bago sya mawala.

'I will be back, Promise.'

Where are you now My Queen?

I know that you're hiding somewhere far away from here.

I will find you no matter what it takes.

"Haze! Zero!" humahangos na pagdating naman ni Jac, isa rin sa kaalyansa ko.

"What is it now Jac?" tiim bagang na pagkakatanong ni Zero.

Napansin ko ang kakaibang tinginan ng dalawa. Lumapit sa akin si Jac at ibinigay sa akin ang hawak niyang sobre.

"You need to see that." sambit niya at ibinuksan ko naman ang sobre. Nagulat ako ng makita mula sa larawan si Snow na may kasamang lalake. Sino ang lalakeng to??

"May message sa likod, Basahin mo." tugon niya.

'50 Million for the exact address where you can find her.'

"50 Million?? The heck! Saan mo ba nakuha 'to?" -Zero

"Saan pa ba? Edi sa messenger box. Tss." -Jac, "Nakita ko lang yan sa Messenger box. Parang totoo naman siya dahil latest photo yan eh. At hindi pa familiar sa atin ang lalakeng kasama niya."

Inilapag ko ang litrato sa mesa ko at agad umupo.

"Dalhin niyo sa akin kung sino ang nagpadala niyan."

"Dead or Alive?" Jac

Binigyan ko ng matalim na tingin si Jac.

"S-sabi ko nga dapat buhay. Paano natin sya maiinterrogate, di ba? Hihi.." Jac

"Tss.." Zero

Inikot ko ang swivel chair ko paharap sa malaking bintana ng opisina.

"I will find her.  I will find my Queen no matter what it takes."

Snow White and the 7 GangstersWhere stories live. Discover now