Chapter 51: She's back

151 4 0
                                    

Shiela pov's

Inaayos ko lang ang mga dapat na pirmahan ni Dad and after that kailanga ko nang magpahinga. Napatingin naman ako sa cellphone ko na kanina pa tumutunog kaya umupo muna ako sa swindel chair ko at sinagot 'yon.

" What?" takang tanong ko.

" May ginagawa ka?" tanong mula sa kabilang linya.

" Wala naman, bakit?" iniipit ko 'yong cellphone ko sa balikat ko at pinagpatuloy ang ginagawa.

" Tara kakain." napakunot noo naman ako. Ano nakain nito?

" Himala ata na nag aya ka. Wala kang gawa ngayon 'no?" tanong ko.

" Mukha bang meron?" tanong niya.

" Wala naman akong napansin. Kasama mo ba si Joanna?" may bigla na lang sumigaw sa kabilang linya.

" Kasama ko. Nanonood ng Horror 'yong dalawa ni Cass."

" I see. So what time? May papapirmahan lang ako kay Dad then punta na rin ako sa bahay n'yo. Pero teka wala ba d'yan ang asawa mo?" tanong ko na lang sa kanya pero hindi niya 'yon sinagot at bagkus pinatayan pa ako. Kapal talaga ng mukha. Nag pop-up naman agad phone ko.

From : Sandrei

Nawalan ako bigla ng pantawag. 2 o'clock sa Italian Restaurant. Don't be late.

Matapos kung mabasa ang message niya ipinatong ko na lang 'yong phone ko sa table at napatingin sa isang picture frame. Kumusta na kaya si Janna sa San Fransisco? Napadako ang tingin ko sa picture ni Liam. Halos mag wa-one year na rin ng umalis siya dito sa pilipinas at hanggang ngayon nagu-guilt pa rin ako.

Flasback,

Naglalakad ako dito sa hallway papasok sa village namin ng may tumigil na kotse sa tapat ko at pamilyar ang sasakyan na 'to. Lumabas si Liam na naka-shade at nakapang formal attire pa. Hindi ko naman maikakaila na bagay sa kanya ang out fit na 'yan.
" Can we talk?" napatingin ako sa mukha niya.

" About?" tanong ko.

" Feelings." napatango naman ako.

Pumunta kami sa isang park para na rin siguro tahimik. Manliligaw ko siya pumayag na rin ako kasi napakakulit niya. " Ititigil ko na 'yong panliligaw ko sa'yo." napalunok naman ako at tumahimik lang.

" Good for your heart." maikling sabi ko.

" Gusto kita..."tumigil siya dahilan para mapatigil na rin ako. " Gustong gusto kita pero-" tumingin ako sa kanya.

" Masakit na? Liam, hindi kita masisisi kung minahal mo ako, sinisisi ko 'yong sarili ko dahil kahit anong gawin ko hindi ko..hindi ko kayang suklian ang pagmamahal na 'yon." napayuko na lang ako. I hate my self for being selfish. " I'm sorry." nagsimula nang magsipatakan ang mga luha ko.

" N-no, shhh don't cry."pilit niyang inaaangat ang mukha ko. " Look at me." nang makatingin ako sa kanya agad n'yang pinahid ang mga luha ko at nginitian ako. " I know but andito lang ako." natahimik naman ako. " Still bestfriend pa rin naman tayo hindi ba? Kaya I'm happy kasi nakilala kita." agad na niyakap ko siya at tuluyang napahagulhul. Swerte ang babaeng mamahalin niya.

End of flashback,

Nagpaalam rin siya sa'kin ng araw na 'yon na aalis siya papunta sa Germany. Pero may communication pa rin naman kami minsan. Napakabuti talaga niyang kaibigan at sana makahanap siya ng babaeng mamahalin niya habang buhay, hindi katulad ko. Ewan ko rin ba hindi ko alam kung pihikan lang ako o takot mag magmahal eh, minsan naiinis na rin ako.

Sandrie pov's

Nakahalum-baba ako ngayon habang kasama ang tatlo kong shungang kaibigan at kumakain kami ngayon dito sa isang Italian Reataurant.

"Kailan kaya ang balik ni Janna?" tanong ni Cass habang kinakain ang libreng fries na ibinigay no'ng poging crew type ata si Shiela kanina pa kasi tumitingin.

"Remember 'di kami tanungan." napailing naman ako sa sagot ni Anna.

"I know.." mukhang nabadtrip ang ate mong girl.

At aksidente naman akong napatingin sa entrance nitong restaurant at nagulat na lang sa nakita. Totoo ba 'tong nakikita ko si Janna at kasama niya sina tita at tito.
Agad akong tumayo saka ako lumapit sa kanila.

" Tita." tawag ko sa kanya.

"Oh, Sandrie, you're here. " nguting sabi ni tita habang nakangiti sa akin. Sinilip ko naman si Janna.

" Hello." bati ko na ikinangiti niya.

" JANNA!" may sumigaw na lang bigla kaya naman napalingon kaming lahat ng taong andito sa restaurant. Tumakbo sila at agad na niyakap si Janna.

"Akala ko hindi ka nababalik." sabi pa ni Anna.

"Akala ko nga rin pero andito ka." galak na sabi ni Shiela.

" H-huh? W-what do you mean?" tanong ni Janna at gulong tumingin sa'kin.

" Guys si Ch-Janna, is that you? " gulat na tanong ni Shin.

"Maiwan ko na muna si Janna sa inyo." sabi ni Tita at umalis na sila ni Tito.

Napabalik ang tingin ko kay Janna ng hawakan niya ang braso ko.

"Ahm..H-hi, nakita ko kayo sa isang picture and-"

"Janna, hindi mo ba kami nakikilala?kami 'yong bestfriend mo." sabi pa ni Anna.

"I'm sorry...but-"

" She have an amnesia." sabay sabay na napatingin sila sa'kin.

" Alam mo? Bakit ang unfair mo naman?" asik ni shiela.

" Request nina Tita 'yon." paliwanag ko.

"Tutulong kami." offer naman ni Shin.

" Yes, tutulungan kita Wifey." napalingun kaming lahat at nakita si Chase na nakangiti sa amin. Kaya napangiti na ako.

"Chase, bumalik ka na." ngiting sabi ni Shiela.

"I-ikaw?" gulat na sambit ni Janna.

"He's your husband." sabi pa ni Izrah.

"Yes, nagpakasal kayo dahil sa Business at habang tumatagal nag de-develop kayo." napailing naman ako sa sinabi ni Aishi.

"Please, guys help me to back my memories again." agad na niyakap ko siya kaya natawa ako.

"Start na'tin 'yan tommorow." ngiting sabi ko.

Chase pov's

Sumama ako sa bahay nina Janna at agad na ipinagpaalam siya kina Tito at Tita na agad namang pumayag. Hindi ko sila bibiguin at iingatan ko ang anak nila.
Dinala ko siya sa bahay na binili ng parents namin na tinirhan namin.

" D-dito ba talaga tayo tumira? " tumingin ako sa kanya at tumango.

"Oo, Madalas nga nag aaway tayo dahil napaka-moody mo." saka ako tumawa nang awkward.

" Masama ba talaga ang ugali ko noon?" mas lalo akong natawa. Umupo naman s'ya sa couch at iniabut ko naman 'yong juice sa kanya.
Saka umupo sa tabi niya, hinawakan ko 'yong kamay n'ya dahilan para magulat siya at dumistansya sa'kin.

"Sorry." tumayo naman siya bigla.

"Ahm..M-magpapahinga na ako." saka n'ya ako iniwan na nakaupo dito. Napasandal naman ako sa upuan at mariing pumikit.

Maiilang talaga siya dahil may amnesia siya.
She's back pero hindi ako sigurado kung mahal n'ya pa ako.




---

Done editting this part;>

I Hate You But I Love You [ Completed ]Where stories live. Discover now