Chapter 37: Cassandra Dela Roca

148 6 0
                                    

Cassandra pov's


     Isa ako sa bestfriend ni Janna since grade 3 mag kaibigan na talaga kaming dalawa at kilala ko na rin si Ate Sarah pero may inggit akong nararamdaman sa tuwing s'ya ang nagiging top 1 sa klase at palagi na lang akong pangalawa. Grade 6 sinimulan kong sirain s'ya pero palagi na lang n'ya akong pinapatawad 'di ko raw kilangan mag sorry dahil kasalanan din naman n'ya ang nangyari. Kaya mas lalo akong naasar sa sarili ko dahil siniraan ko s'ya. First year sa Eastern may crush ako at si Jerome 'yon nakipagkaibigan s'ya sa'kin pero no'ng time na maging close na kami sinabi n'yang gusto n'yang ligawan si Janna oo maganda s'ya mabait at lahat na yata ng tipo nila ng babae nasa kanya na.

   Kaya iniwasan ko s'ya at nalaman ko na mismo kay Janna na ayaw n'ya talaga magpaligaw dahil nga ayaw n'ya sa commitment. Pero hinahabol pa rin s'ya ni Jerome kaya nilayuan ko si Janna at lahat ginawa ko para maalis s'ya sa Eastern.

    At nag nagtagumpay naman ako sa aking plano at ako mismo ang gumawa no'n lalo at ako rin ang nag diin sa kanya para ma-spell sa school. Alam kung nagalit s'ya sa'kin pero hindi ko 'yon pinansin.


"Bakit mo ginawa sa'kin 'to? Naging masama ba akong bestfriend, Cass para na kitang kapatid pero sorry na lang pala sa nagawa ko sa lahat pero tandaan mo 'to 'di ko 'to malilimutan na ikaw pa mismo na kaibigan ko ang dumiin sa'kin sa kasalanan ko namang hindi ginawa."



Nalaman ko na lang na nagtransfer na s'ya sa Them University at nanatili ako sa Eastern kasama sina Nataly, Lea, at Aisel pero hindi na katulad ng dati. Nagsisi ako dahil sinayang ko ang tunay kong kaibigan at isang araw nalaman ko kay Ate sarah na meron na s'yang bagong kaibigan aaminin nasaktan ako. Nag seselos dahil ang bilis naman niyang makahanap ng kaibigan.

  At nalaman ko na lang isang araw wala na si Ate Sarah samantalang si Janna naman na comatose naman nang dalawin ko s'ya may tatlong babae ang naabutan ko pero kahit na gano'n pumasok pa rin ako sa kwarto wala naman akong paki sa kanila kahit na tingnan pa nila ako kaibigan ko rin naman si Janna.

Naandon din ako no'ng magising s'ya at hinanap ang Ate n'ya naalala ko pa kung papaano n'ya nakalimutan ang isa n'yang kaibgan. Napaluha ako ng mga oras na 'yon. Gusto ko s'yang lapitan ngunit hindi ko magawa. Dahil na duduwag ako.

Naandon din ako ng mailibing si ate Sarah. After 4 years nagtransfer ako sa Them University at no'ng unang araw nabangga ko s'ya at cold lang na tumingin sa'kin. Nawala na 'yong dating Janna na palaging nakangiti. 'Yong Janna na masayahin hindi naman talaga ako nawala dahil palagi akong nakasunod sa kanila hanggang makilalala ko sina Camille at Rien. Camille admire Chase and Rein admire prince Izrah mainit ang ulo n'ya kina Janna and I admire Prince Shin but I think he like Janna.

Pangalawang beses garden nalaman ko na sa kanila ang school at naging kasama ko s'ya at isinama pa n'ya ako sa hanay nilang mag kakaibigan at minsan no'n nagalit sa'kin sina Camille sa'kin wala akong pakialam ang gusto ko lang makausap si Janna at mag kaayos kami.

Pangatlo ang bahay n'ya itinuro ni Shin sa'kin 'yong adress kaya na nalaman ko tulad ng dati gano'n pa rin ang bait n'ya pa rin sa'kin at napatawad ako sa kasalanan ko. Bakit ba kasi ang bait n'ya?




"Sorry talaga." nakayuko kong sabi.


"Ayos lang saka kalimutan mo na 'yong mga nangyari no'n."

"I'm sorry again."


"Ang sorry sinasabi sa mga bagay na hindi mo sinasadya hindi para sa bagay na palagi mong ginagawa. Hind mo naman talaga ako kinalimutan 'di ba? No'ng nabubuhay pa si Ate at noong sa Eastern pa rin s'ya nag aaral palagi ka n'yang ikini-kwento sa'kin ar no'ng makita kita sa ospital. Alam mo bang kumulo ang dugo ko sa'yo at kahit nang una kitang makita gusto kong gumanti na inisip ko na pagsisihan mo na nag aral ka pa sa bitch school na 'yon pero 'di ko magawa dahil kaibigan kita at dahil ibinilin sa:kin ni ate na dapat kilangan magpatawad sa taong 'di naman talaga ginusto ang mga ginawa at nadala lang pag kainggit saka galit walang talagang taong perpekto."saka siya tumawa.

"Thank you."



**


"Ingat ka na lang sa pag uwi mo." bilin niya sa'kin.

"Salamat, Janna."

"Lee,na lang 'di ako sanay na tinatawag mo 'kong Janna, Cass.." saka ngumiti sa akin.Dahil sa tuwa niyakap ko s'ya nang mahigpit at gumanti naman siya.

"Nga pala gusto ka nga pala ni Shin." aniya. "Iniintay kita sa grupo namin."pahabul n'ya nang nakasakay na ako sa kotse ko. " Bye ingat ka sa pag mamaneho." pahabul pa niya.

"Bye! Pagiisipan ko pa." saka ko pinaandar ang kotse ko nakita ko sa side mirror ng kotse ko ang pagbaba ng isang pamilyar na lalaki na sakay sa isang white ferrari.





**



    Malalim na rin ang gabi ng makaalis ako ng company namin at sumabay pa ang isang malakas na ulan. Napailing na lang ako habang minamaneho ang kotse ko. Pero bigla ko na lang nai-preno dahil nga sa may lalaki na lang tumigil sa gitna ng kalye. Anong trip niya? Hanggang sa unti-unti na s'yang lumapit. Mahigpit ko namang hinawakan 'yong manibela ko.

"Hakajaogsjajjdjafo." sabi niya mula sa labas. Pilit ko namang inaaniwan kung sino 'yon. Pero nang makilala ko naman ibinaba ko glass window ko.
"Sorry sa abala pero can you ple—" natigilan naman siya bigla. "Ms. Dela roca." banggit niya sa surename ko.

"Anong ginagawa mo?" takang tanong ko.

"Nasiraan kasi ako tapos kulang ang tools na dala ko."paliwanag niya. Kinuha ko naman 'yong payong ko at agad na lumabas.

"You need help?"tanong ko sa kanya.

"Pahiramin mo na lang ako ng tools." sabi naman niya.

"Sige." pumunta naman ako sa likuran  at kinuha ang mga tools.



   Pinayungan ko na rin siya para hindi na masyadong mabasa. Mukhang kagagaling lang niya sa isang business meeting dahil naka longsleeve pa ito. Hindi ko rin kasi s'ya nakita kanina sa last subject."Gusto mong magcafe?" napatingin naman ako sa kanya. "May malapit na café d'yan." dugsong pa niya.

"S-sorry pero kilangan ko na ring umuwe siguro next time na lang." pagtanggi ko.


"Gano'n ba? Sige."






**


I Hate You But I Love You [ Completed ]Where stories live. Discover now