Chapter 20: The Wedding

203 6 0
                                    


Janna pov's


"Goodluck, Janna. " nangigiyak-ngiyak namang sabi ni Janna. Kaya naman sinimangutan ko sila.

"Magiging Misis ka na. "  mas lalo akong napangiwi.

"Ang O.A n'yo ikakasal lang ako 'di pa ako mamamatay. " inis pang sabi ko sa kanilang dalawa.

"Congrats pala." napalingun ako at nakita si Casper. Since kaibigan ko naman siya at alam kung maitatago niya ang sikretong kasal na 'to inimbitahan ko na rin siya.

"Thanks." pilit lang akong ngumiti sa kanya. Anong ka-congrats congrats ngayon? Kahit kilan naman hindi ko pinangarap ang makasal ng biglaan lalo pa't wala naman akong nararamdaman para sa kanya.

"Mukhang excited ka na. " inis kong nilingunan si Drei.


"Parang ikaw lang yata. KAYO lang ata ang masaya." saka ako pumasok sa kwarto ko. Aayusan na daw kasi ako hapon naman kasi ang ganap kaya ayos lang. Naandito kami sa Wartz Island dahil dito gaganapin ang  pekeng kasalan na 'to.



***

Sandrie pov's


    Napailing naman ako bigla. Feel ko ang narardaman ni Janna ngayon. Sino ba naman kasi ang matutuwa na nasa edad 18 ay makakasalan ka na kaagad sa lalaking kelan mo lang nakilala at ang problema pa hindi naman niya mahal ang pinsan ko. "Anong nangyari do'n?" inakbayan ako ni Shiela.

"Ikaw kaya ang makasal ng ganitong kaaga matutuwa ka kaya? Isa pa para namang wala siyang nararamdaman kay Chase.  " nakapamulsang sabi ni Shin.


"Ikaw bessy ki—OUCH. " hindi ko na pinagsalita pa si Anna. Bubuka na naman ang bibig niya at walang preno na namang mag sasalita.

"Tumigil nga kayo." saway naman ni Shiela. Aba't seryoso na naman ata siya ngayon.

"Sige! Mauna na muna ako." paalam ni Casper at naglakad na papalayo sa'min.




***

Chase pov's

   Nakaupo lang ako ngayon habang naka tingin sa malayo at iniisip ang naging reaksyon niya no'ng edeklara ng mga magulang namin ang araw na 'to. Kahit ako gusto kong pigilan ang kasal na 'to pero wala akong magagawa magulang ko sila.


Flashback


   Sabay kaming pumasok ng bahay nila at naandon sina Mama at Papa.
"Oh, mukhang magkasundo na kayo." sabi naman ni Papa habang malawak na nakangiti. Gano'n rin naman sina Tito at Tita na mga magulang ni Janna.

"Oo nga pala sa darating na Sabado ang kasal n'yong dalawa." napakunot na lang ako.

"WHAT?" malakas na reaksyon niya.

"Mama ang akala ko po after graduation pa. " kahit ako naguluhan na lang sa mga nangyayari ngayon.

"Napagkasunduan na namin 'yan. "sabi pa ni Tito.

"Dahil alam n'yo na. Para naman madevelop kayo sa isat isa. " giit pa ni papa.

Bigla namang nag walk out si Janna nang marinig ang bagay na 'yon. Ako naman gulo lang na napatingin sa kanila.

End of flasback




***


Janna pov's

I Hate You But I Love You [ Completed ]Where stories live. Discover now