Chapter 05: Break-up

330 14 2
                                    

Janna pov's


Matapos ang naganap na engagedment party with him. With Chase Zen Taylor bumalik na kaagad kami ng Manila para mahabol namin ang mga dapat habulin sa klase.

Dahil hindi naman ako pinapatulog ng konsensya ko. Mahal ko si Ken at ayaw ko na masaktan ko s'ya. Sa t'wing nakakausap ko siya kilangan ko pang magsinungalin. Kaya napagdisusyunan ko na kausapin siya.


Magkikita kami ngayon ni Ken ayuko 'tong gawin pero darating din naman sa punto na 'yon ang pakikipag break ako sa kanya at kung talagang kami ang para sa isa't isa pagtatagpuin at pagtatagpuin kami ng tadhana para magsama. Napailing na lang ako at bumuntung hininga. Subra na akong naguguluhan mahal ko talaga siya pero hanggang kilan?

"Babe" hinalikan niya ako sa pisngi.

"May sasabihin lang ako sa'yo " lumunok muna ako.

"May problema ba tayo? Napapansin ko rin na parang ang lamig na ng pakikitungo mo sa'kin." hinawakan naman niya ako sa kamay." Pwede tayo ulit magsimula. Gusto ko na legal na-"

"S-sorry, Ken." napayuko na lang ako at naunahan na ng pagpatak nang mga luha ko.

"J-janna, we can fix it. Mahal kita alam mo 'yan." aniya na lalo ko pang ikinaiyak.

"I know but hindi na dapat pa na'tin 'tong ituloy." mas hinigpitan niya ang pagkakapit sa kamay ko.

"Why? H-hindi mo na ba ako mahal?"pinahid ko 'yong luha ko at binawi ang kamay ko sa kanya. " We can fix-"

"Hindi na Ken. Hindi na natin 'to aayusin. T-tapos na tayo." nakatingin lang siya sa mga mata ko at doon nakita ko na para s'yang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"No! Sabihin mo na nagbibiro ka lang."napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"I'm sorry." akma pa niya sanang hahawakan ang kamay ko ngunit iniiwas ko na saka ako tumayo. Bigla naman siya tumayo at bigla niya akong niyakap.

"Don't! Please stay, I'm sorry kong may ginawa man akong hindi maganda. Please don't ayuko na pati ikaw mawala sa'kin. " aniya kaya napatingala ako para pigilang muli na pumatak ang luha ko.

"Sorry. Ken, wala ka namang nagawang kasalanan sa'kin dahil ako 'yong meron. Please pakawalan mo na ako." tinanggal ko 'yong pagkakayakap niya sa akin saka ako tumakbo palabas ng restaurant. Hindi naman ako bumalik at dumiretsu na lang sa bahay nina Sandrie.


[LOPEZ HOUSE]


Wala naman ang parents niya dahil mag Buisness trip 'yon sa Thailand. "Ano?" React niya pero walang reaksyon ang mukha niya.

"Nakipag break ka na?" tumango naman ako sa tanong ni Shiela.

"Sinabi mo ba 'yong dahilan?"tanong ni Anna na ikinailing ko kaya tumulo na naman 'yong luha ko.

"Naku! Besy, Asar ka naman"himutok bigla ni Shiela.

"Paano na sa campus wala na palang KenLee?" tanong niya.

"Sa tingin mo, ela?"pamimilosopo naman ni Sandrie.

Kami kasi ang sweet couple 'daw' ng campus. Mahal na mahal ko si ken kaso kaylangan. Si dad pag nalaman n'ya baka kung ano mangyari sa kanya ayaw ko s'yang saktan pero tama ba na pakawalan ko siya?

Tama ba na ganito na lang ginawa ko?
Tama ba na saktan ko s'ya? Tama ba na mag give up na lang ako at hindi ipinaglaban 'yong pagmamahal ko para sa taong ginawa ang lahat para mapabuti ako?

Bakit ba kasi sa'kin pa 'to nangyari? Bakit sa daming tao na tatamaan nang ipidemya na 'yon ang mga magulang pa namin?

"Bes? " hinawakan ni Anna ang kamay ko.

Bar


Nakaupo lang ako dito habang tinutungga itong Tequila at sila nasa Stage na at nagsasayaw na. Iniisip ko pa rin 'yong nangyari samin kanina. Kanina pa rin tumatawag si Ken ngunit hindi ko na lang sinagut.



Joanna pov's


Andito kami sa Stage at parang tanga na nag sasayaw may mga tama na kami at alam ko 'yon pero nasa katinuan pa naman ako nang may marinig akong parang nag tatalo kaya napalingun ako.

"You b*tch sino ka para tapunan ako ng tequila sa Dress ko, ah"' saad naman ng babae na may kasamang dalawa kinulbit ko si Shiela at Sandrie nang mapansin nila ako agad kaming pumunta doon. Sa tayo ng bestfriend naming sawi.

"Hoy! Ms.Ubod ng katangahan malay ko bang tatanga tanga ka na 'di tumitingin sa dinadaanan mo kita mong may table dito. Dito ka pa sumiksik." Asik naman sa kanya ni Janna.

"I'm sorry miss lasing lang talaga sya pagpasensyahan mo na."paghingi naman ng paumanhin ni Shiela.

"No! Hindi ko mamapalampas 'to." Aniya.

"Hoy! Lalo na ako lasing na si janna,oh tapos papatulan mo pa siraulo ka ba? Nag sorry na nga kami tapos ayaw mk pa paawat." Asik ni Sandrie pabalik sa babae. Isa pa 'to gusto ng gulo kaya naman hinawakan ko na sa balikat si Janna.

"Aba't-" bigla na lang sinapak ni Sandrei 'yong babae. Tumayo naman 'yong babae.

"You bitch!"

"Pweh! Bitch, baka ikaw bitch." saka niya ulit sinipa 'yong babae.

"Guys! Guys!" kinabahan naman ako bigla. Dahil gulo na ang sunod nito.

"Go! Sandrie." pagche-cheer pa rin nong mga lalaki. Kilala nila si Sandrie dahil suki na kami dito. At hindi na ito ang unang beses na napaaway siya.

At 'yon na nga nagkagulo na dito sa bar at sa pag aawat namin kina Sandrie at doon sa babae si Janna ang natamaan ng suntok nito kaya 'yon blackout ang gaga.

" You Bitch!"asik ni Sandrei saka niya sinikmuraan ang babae.

"Tomboy!"


Opps! Wrong move si Ate." What? What did you say?"malamig na tanong niya.

"Tomboy! T.O.M.B.O.Y tomboy ka."

"Bawiin mo ang sinabi mo." saka niya sinuntok 'yong babae. Nakita ko na dumugo na 'yong labi niya.

"Sandrie, si Janna. Stop that." awat naman ni Shiela.

"Thanks me later, bitch. I will kill you." susugod pa sana siya ng may lalaking humawak ng braso nang babae napatalikod naman ako. Dahil kilangan ni Janna ang tulong namin.

"Carla, Stop that! " nanigas ako sa boses na 'yon. What the heck? Hindi na ako lumingun pa at tinulungan na mabuhat si Janna na nakatulog dahil sa suntok na natanggap niya kasalanan ni drie,eh.



***


I Hate You But I Love You [ Completed ]Where stories live. Discover now