Chapter 14: Friend

207 9 0
                                    

Casper pov's


   I am Shin Casper Montella, isa sa mga napili bilang campus Prince na hinfdi ko alam kung bakit and I like Janna Lee Park para maging kaibigan na engaged sa leader namin na si Chase. Hindi pa naman talagang sila pero ayaw naman nila sa isat isa palagi silang nag aaway kaharap ko ngayon ang ex crush ko. Oo Ex-crush dahil crush ko siya noon. Noong nasa highschool pa lang kaming dalawa.

"Hello." kunot noo niyang bati sa'kin.

"Ahm, pasensya na. " paghingi ko ng paumanhin sa kanya. " Nga pala pwede bang makipag kaibigan sa'yo." dugsong ko pa habang nakahawak ang batok ko.

"Sige mukhang mabait ka naman. " sabi niya saka ako tinawanan kaya natawa na rin ako inilahad ko naman 'yong kamay ko para makipagkamay. " friend? "tanong ko.

"Friend" nakangiti n'yang sabi
saka n'ya tinanggap ang pakikipag kamay ko.

"Janna, actualy crush kita." napalunok naman ako dahil sa tingin na ipinukol niya sa'kin. "Noon." mabilis na dugsong ko kaya tumangu siya at binawi ang kamay sa'kin.

"Look! Nakikita n'yo ba ang nakikita ko?"

"Owo! bagay silang dalawa."

"Oo nga Campus Princess Lee and Campus Prince Casper officially."

"Mas bagay pa rin sila ni Prince Chase."

"Hindi kaya dahil mas bagay pa rin sila ni Prince Ken kaya nga nabuo ang KenLee, eh."


"Mga tao sila, bobo."


   Bumuntung hininga itong kasama ko kaya naman natawa na lang ako."Tara na." akit niya sa'kin."Kahit kilan napaka-issue ng mga tao dito."dugsong pa niya kaya napatangu ako.

"Sa café na lang." akit ko naman dito.

"Sige nagugutom na rin ako." hinigit naman niya ako paalis ng pasilyo.



Café


Nakaupo lang kami dito habang siya ay may ginagawa sa cellphone niya kaya ako naman 'tong parang sira na nakatingin lang sa kanya. Subalit may narinig na naman akong kantyaw.

"Look! Kasama n'ya si Prince Casper, oh"


"Pero bagay sila."

"Gawa tayo ng fan page nila."


"Si Prince Chase ang bagay sa kanya."

"Hoy! Tumigil na kayo nakatingin s'ya sa'tin"

  Tatayo na sana siya kaso hinawakan ko 'yong wrisk niya dahil para mapaumupo  ulit siya. "Hayaan mo na lang sila. Dahil may magpapatuloy 'yan kapag pinansin mo pa." tiningnan lang niya ako. "...nga pala anong bibilhin mo? Ako na ang bibili."

"Kahit ano nalang." tumango naman ako at tumayo na.

"Sige "



***

Janna pov's

   Nakaupo lang ako ng dumating na siya with burger and breadroll at dalawang mountain dew.  Nang umalis siya ang dami kong pa ring naririnig na komento pero hinayaan ko na lang baka mas lalo pa akong naiinis kapag pinatulan ko pa siya.

"Hindi mo naman kilangan baguhin ang ugali mo para lang magantihan siya. " napatigil ako."Oh! 'wag kang magagalit suggest ko lang naman. At ayos lang 'yong pagiging amazona mo ang bumalik." Aniya kaya naman napasimangut ako.

"Ano? Ako Amazona?" tanong ko tapos itinuro ko pa ang sarli ko.

"Oo! 'di ba nga sinapak mo ang fiancé mo." ikiniling ko ang ulo ko.

"How did you know that? How did you know na fiancé ko siya?" tanong ko naman sa kanya.

"Basta." aniya kaya mas lalo akong naguluhan sa kanya. Sino ba kasi ang isang 'to?

"Sino ka ba talaga? Nagkakilala na ba tayo noon?" takang tanong ko sa kanya.

"High school pa lang."


"Paano mo ako nakilala? Kaklase ba kita noon? Pero bakit wala akong kilalang Montella?"

"Kilala mo 'yong nerd nag add sa'yo sa facebook at nawala na lang? Ako 'yon." nagtawa naman siya." Ako 'yong nasa kabilang section na nabu-bully dahil sa look ko."paliwanag naman niya. So siya pala 'yong lampa noon.



Flashback

"Ibigay mo na kasi ang pera mo." rinig kong sabi sa isang madilim na eskeneta kasalukuyang naka bike ako no'n dahil may bibilhin ako sa isang bookshop.

"W-wala akong pera." sagot naman noong isa.

"Talaga?" nagkaroon naman ng katahimikan sa loob. "Walang pera? Anong tawag mo dito?" humakbang naman ako palapit sa may iskinita at sumilip ako. Nakakita ako ng isang bulto ng mga lalaki at isang lalaki na na nakasulampak sa sahig ngunit nang maaninag ko ang mga mukha napakuyom ako bigla. Ano bang karapatan nila para mangkutya ng ibang tao?


"HOY! " sigaw ko para mapalingun sila sa'kin.


"Oh! My loves, ikaw pala 'yan." napangiwi naman ako bigla sa itinawag niya sa'kin.

"Madiri ka nga sa sinasabi mo. Ang pangit mo naman." pang aasar ko pa dito.

"My loves naman." Humakbang siya palapit sa'kin at akmang aakbay pa pero pinilipit ko na agad 'yong madumi niyang kamay saka ibinalibag gano'n naman dapat ang ginagawa sa isang manyakis na katulad niya. At syempre matalino ako  para 'di ako mabalian isa isa ko silang nilagyan sa batok ng paralize niddle na mula pa sa Mom ko.

Matapos ang araw na mga oras na bigla na lang tumakbo 'yong lalaking kanina lang ay pinagtutulungan na wala man lang pasalamat kaya umuwe na lang ako. At nang nasa bahay na ako pagkabukas ko ng account ko may nag add sa akin bigla at dahil nga mabait ako 'yon accept kaagad ang ginawa ko tapos nalaman kong nag transfer na si nerd sa ibang school na 'di man lang nag papasalamat.
Bakit ko nakilala? Pinasundan ko lang naman siya sa isang tao na inutusan ko.

End of flash back

"HAHAHAHA! " natawa ako bigla. "Ikaw 'yon!?" hindi makapaniwala kung tanong sa kanya.

"Oo and thank you nga pala."nakayuko niyang sabi.

"Wala 'yon." naiiling kung sabi.

"Bagay talaga sila."


"Oo nga, eh."


"Ngayun na nga lang ulit s'ya tumawa ng gano'n."

"Oo nga"

  Tulad kanina sinabihan ako ni Whisper ng hayaan na lang kaya hinayaan ko na lang talaga sila mamatay sila sa inggit. Napalingun naman ako dahil pakiramdam ko may nakatingin sa amin. Pero sa pag iikot ng paningin ko wala naman akong nakita.


***

SOMEONE POV'S

    Dapat ako 'yong nag papangiti sa'yo ng ganyan dahil ako 'yong taong malapit sa'yo pero dahil tanga tanga  ako  gumagawa ako nang dahilan para lumayo ang loob mo sa'kin. Pero ano pa nga bang magagawa ko galit ka sa'kin.

"Bro, tara na." isinakbat ko 'yong bag ko at  sumunod sa kanila.

"Hoy! Ano na namang problema mo?"

"Nothing." sagot ko na lang.


"Hang out muna tayo mamaya. Para makapag saya naman." tumango na lang naman ako.


I Hate You But I Love You [ Completed ]Where stories live. Discover now